Chapter 167

444 41 8
                                    

"Oh nakatulog na pala si Andy sa kandong mo" sambit ni kuya na kakarating lang

"Inaaya nya kasi ako mag laro kanina... Kaso di ko na talaga kaya... Dumalaw din kasi si Baste" Sambit ko

"Oh? Really?.... Yaya paki akyat muna si Andy..." Sambit ni Kuya

"Hhmmmmm" pag halik ko kay Andy

"Kumain ba yan?" Tanong ni Kuya

"Hindi... Di pa ako nakapag paluto eh kasi dami ko ginagawa" sambit ko

"Buisness plan?...Eto ba pinag kakabusihan mo lately?" Tanong ni Kuya

"Ahhh? Oo wala lang" sambit ko

"Maganda to... A's Grill and Seafood restaurant,,,, A's Bar and Resto" sambit ni Kuya

"Inooffer saken ni Baste yung pwesto nung grocery store nila dati sa Parañaque" sambit ko

"Grace... Maganda to, bat di mo ituloy?" Tanong ni Kuya

"Wag na lang..." Sambit ko

"Oh? Bakit naman?" Tanong ni kuya

"Wala, parang di ko kaya" sambit ko

"Ano? Joke ba yan Gracie? Anak ka ng tokwa, malaking kumpanya nga nahahandle mo ng maayos ito pa kayang restaurant lang" sambit ni Kuya

"Look baby, malaki ang tiwala ko sayo... Kayang kaya mo yan okay?" Tanong ni kuya

"Kasi iniisip ko yung sinabi ni Mommy eh" sambit ko

"Ano?" Tanong ni kuya

"IT IS NOT ABOUT THE MONEY THAT WE WILL EARN, IT IS ABOUT THE DEGREE THAT WE HAVE AND THE FULFILLMENT OF OUR DREAMS"  sambit ko

"Bago yung debut ko, pinag usapan na namin to..... Sabi ni Mommy, gusto nya pag ka graduate ko mag karon ako ng sarili kong business" sambit ko

"Diba pangarap mo din to? Gracie? Madami kaming naka suporta sayo" sambit ni Kuya sabay hawak sa pisnge ko

"Sa tingin mo kaya ni Kuya Luis na mag manage ng kumpanya? Like, switch position lang kami" sambit ko

"Malaki ang tiwala ko sainyong dalawa, ganon din si Mommy... Tyaka naturuan naman nya tayo ng tama eh, na train nya tayo ng tama kaya kayang kaya ni Luis yun" sambit ni Kuya

"So pano Ms. Araneta... Our future Resto owner" sambit ni Kuya

"Kakain na po Mr. And Ms. Araneta" malakas na tawag ni Daddy

Hindi na din naman ako nag dalawang isip na sabihin kay Daddy.

"If that's the case then sige, ako na ang bahala sa renovation nung lugar" sambit ni Daddy

"May makakatulong kana ba? Sa Management?" Dagdag na tanong ni daddy

"Ahhh, kakausapin ko pa po si Ate Alex, kasi sabi ni Kuya Luis uuwe na din daw yon" sambit ko

"Teka nasan nasi Luis?" Tanong ni Daddy

"Nag chat saken dad, may pupuntahan pero uuwe din ngayon" sambit ko

"Oh sya, bukas ng dinner sa labas tayo kumain... Okay?" Tanong ni daddy

"Sure" sambit namin ni Kuya

"Ms. Araneta, kindly propose to me your business plan" sambit ni Daddy bago tumayo at pumunta sa opisina

"Desidido si daddy na suportahan ka, ituloy mo... Let's have a meeting ms. Araneta" sambit ni Kuya

"Can we wait for the other Mr. Araneta?" Pag tataas ko ng kilay

"We're home..." Sambit ni Kuya luis na kasama si Ate Alex

"Ateee alexxxxx" malakas na tawag ko kay Ate Alex

"Wow... Na ichapuera ata ako dun ahh" sambit ni Kuya Luis

"What ever with the capital W... Kumain na ba kayo?" Tanong ko

"Oo... Akyat na muna kami" sambit ni Ate Alex

"Luis... In my office, now!" Sambit ni Daddy. Kuya Luis has no idea kaya mukang kinabahan sya ng slight sa sinabi ni Daddy na IN MY OFFICE.

Normally, pag sinasabi ni Daddy yun ay papagalitan kami or may nagawa kaming mali.

FLASHBACK

"Oh hon? Bat umiiyak si Gracie?" Tanong ni Daddy

"As usual, pinaiyak nung mag kuya" sambit ni Mommy

"Ehh ang taba eh, sarap Lamugin ng pisnge" sambit ni Kuya Luis

"Daddy, ikaw din naman ginagawa mo yun kay Gracie..." Sambit ni Kuya Alfonso

"Ang sakit kaya" pag iyak ko sabay yakap kay Mommy

"Alfonso... Luis... IN MY OFFICE NOW!!!"

END OF FLASHBACK

Nakakamiss lang din na kasama namin si Mommy. But still everything's going back to normal naman na.


AU: Happy new year everyone, second new year na ng mother's love... Hehehehee... Labyuuu all

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon