Chapter 137

451 41 14
                                        

"enjoy ba beh?" Tanong ni Kitty

"Hoy narinig ko yung message mo kanina haaaa, sabi ako ang pinaka unan bestie mo, sama kasi ng ugali mo eh" sambit ko

"Bastoessss" sambit ni Rhian

"Gracie, anak" sambit ni Daddy na nasa likod ni Den

"Dad, ang aga mo po, ang aga mo para sa 21st birthday ko" sambit ko

"Greggy" sambit ni Mommy

"So-sorry" sambit ni Daddy

"Girls its getting late, let's sleep na, maaga pa tayo sa beach bukas" sambit ko

"Gracie" sambit ni Daddy

"Good night mommy thank you so much" pag halik at pag yakap ko kay Mommy.

Pumunta na ako sa tutulugan ko at nag pahinga na ako. Naiwan si Mommy, Daddy at Kuya sa baba.

IRENE

"Until when Greggy" sambit ko

"I-im sorry" tugon ni Greggy

"Hanggang kelan magiging panakip butas sina Tommy? Ha?" Tanong ko

"Hatdog" bulong ni Alfonso

"Manahimik ka Alfonso naririnig kita" sambit ko

"Greggy hanggang kelan? Hanggang kelan mo sasaktan ang anak ko?" Tanong ko

"Mommy please wag kayo mag away ni Daddy andyan yung mga kaibigan ni Gracie eh" sambit ni Alfonso

"Hindi eh, nasaktan nanaman si Gracie" sambit ko

"Kaya nga tama na Mommy, wag mo nang palakihin pa" sambit ni Luis

"Pag usapan na lang natin to pag wala ng mga bisita pwede ba?" Tanong ni Alfonso

Pumasok na ako sa loob at pinuntahan ko na si Gracie sa tinutulugan nya. Mahimbing na syang natutulog kaya tumabi na lang ako sa kanya.

GRACIE

"Good Morning anak" sambit ni Daddy

"Kuya Alfonso si Mommy nasan?" Tanong ko

"Nasa Van na yata andon na din mga gamit mo sumakay kana" sambit ni Kuya

Hindi ko pinansin si Daddy bagkus ay sumakay na ako sa van. Naka Convoy pala samen si Daddy hanggang sa makarating kami sa dagat.

Si Den at si Rhian na lang ang naiwan yung ibang bisita at kaibigan ko eh bumalik na sa Manila dahil may mga aasikasuhin pa sila.

Nakarating na kami sa beach at nandon na din sina Papa Tommy.

"Oy Greggy ano oras ka dumating?" Tanong ni Mama

"1am" sambit ni Daddy

Nag papauli uli lang ako at sunod ng sunod saken si Daddy.

"Anak kausapin mo naman ako" sambit ni Daddy

"Ano bang gusto mo? Punta tayong Hongkong? Travel tayo somewhere? Kahit saan anak" sambit ni Daddy

"Bat ka pa dumating?" Tanong ko

"A-ano?" Tanong ni Daddy

"Yun yung gusto ko, sagutin mo dad, bat ka pa dumating?, Diba may emergency yung kabit mo? Bat ka andito?" Tanong ko

"Anak, hindi ka ba masaya?" Tanong ni Daddy

"Muka bang masaya ako na dumating ka pa?" Tanong ko

"Ano yung hiniling ko sainyo ni mommy? Diba sana kahit man lang sa birthday ko buo yung pamilya natin?" Tanong ko

"Daddy nasan ka? Ha? Nasan kaaaa!" Sigaw ko

"Gracie" sambit ni Kuya

"Anak" sambit ni Mommy

"Inuna mo yung kabit mo kesa sa pinaka importanteng araw sa anak mo!" Sigaw ko

"Ngayon sabihin mo? Sinong magiging masaya na dadating ka, tapos na yung celebration tapos na yung birthday ko" sigaw ko

"Gracie tama na, intindihin mo na lang si Daddy" sambit ni Kuya Luis

"Intindihin? Kuya naman! Hanggang kelan ko ba sya intindihin? Ha?" Sigaw ko

"Ang dali kasi sayong sabihin na intindihin na lang, kasi lumaki kayong kasama sya eh ako? 2taon lang!" Pag iyak ko

"2 taon!" Sambit ko

"Alam nyo, dapat di nyo na lang ako binawi sa mga nag palaki saken eh, kasi kahit papano siguro, hindi man naging ganito kagarbo yung buhay ko pero siguro naging masaya naman ako" sambit ko

"Hindi naman namin ginustong maging ganito anak" pag iyak ni Mommy

"Hindi ko naman ginustong mabuhay eh, hindi ko ginustong mapabilang sa pamilya nyo! Ginusto nyo lang mag ka anak" sambit ko

"Hindi ka din naman namin ginusto eh" sambit ni Daddy na kinadurog ko ng husto

"Gregorio" sigaw ni Mommy

"Siguro totoo nga yung sinabi mo sa sarili mo, wala kang kwentang ama, wala kang alam kundi saktan kaming pamilya mo,  at napaka tanga kong maniwala sayo na babawi ka"

"Sana, hindi nyo na lang ako binawi, sana hindi ko na lang kayo nakilala, sana si Mommy Marian na lang yung nandito at hindi ikaw"

"You should never treat me like this" sambit ko

"Anak" sambit ni daddy

"Wag mo kong matawag tawag na anak dahil hindi nyo naman ako ginusto" sambit ko sabay takbo papunta sa kwarto na nirent namin

Nag kulong lang ako at sinusubukang buksan nina kuya yung pinto.

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon