Chapter 153

456 41 2
                                    

"maaga ka anak ko" sambit ni Daddy

"Y-yeah, pinag off na ako ni Baste... Monday na balik ko" sambit ko

"Ohhh, that's nice... Pahinga kana muna" sambit ni Daddy

"Opo" sambit ko sabay halik sa noo ni daddy

Pumasok na ako sa kwarto at nakita kong natutulog si Andy. Kinuha ko lang yung towel at pampalit na damit ko bago ako dumeretso sa banyo...

I just sat on the floor holding the tabo (ayan sige english pa) staring at the wall. Asking myself why did i need to suffer with this kind of stupid thing.

Natapos na ako maligo at nag pahinga na ako sa tabi ni Andy.

Hindi din ako nakatulog ng matagal dahil iniisip ko padin yung nang yare kanina.

"Dad alis lang ako, babalik po ako agad" sambit ko

"Bumalik ka kagad bago mag dinner ha" sambit ni Daddy

"Opo, I'll cook" sambit ko sabay halik sa noo nya

Sumakay na ako sa kotse ni Daddy at nag deretso sa lumang bahay.

"Mommy im home" sambit ko sabay iyak

"Mommy bumalik kana please hindi ko na kaya" sigaw ko

"Mommmmmmmmmmmmyyyyyyy" malakas na sigaw ko sabay sa pag patak ng luha

"Mommy, hindi ko na kaya, gusto ko na lang ding mawala pero di ko kayang iwan si Daddy"

"Mommy ako na lang yung Meron sya"

"Mommy, pinalaki mo naman akong maayos, pero bakit di mo tinuro saken kung pano maging mag isa"

"Pano mo kinakaya yung mga pinag daanan mo noon?"

"Mommy kasi bumalik kana lang" malakas na sigaw ko

"Mommy please, please lang Mommy, balikan mo na kami, ang tagal naming nag hihintay, hanggang ngayon hindi kami nawawalan ng pag asang babalik ka..." Sambit ko

Umupo lang ako saglit sa may gilid at dun umiyak. Bakit kailangan kong maranasan lahat ng to? Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na dinanas ko mula nung nag hiwalay si Mommy at Daddy...

........

Umikot muna ako sa palengke para bumili ng lulutuin. Pag katapos non ay umuwe na ako at dumeretso sa kusina para mag luto.

Ilang oras lang naman din at dumating na si Kuya.

"Oyy, kanina ka pa?" Tanong ni Kuya

"Omsimmm" sigaw ko

"I have my 3days off, kaya pwede mong iwan si Andy" sambit ko

"Ohh? That's nice madami nga akong kelangan asikasuhin eh" sambit ni Kuya

Hindi naman na nag tagal at natapos na ako sa pag luluto. Hinanda ko na din yung dining table at saka tinawag si Kuya at si Daddy.

I helped daddy, on his food... Inalis ko na yung mga tinik ng bangus..

"Anak kaya ko naman na yan" sambit ni Daddy

"No dad it's okay, di pa din naman ako gutom eh" sambit ko

"Anak... Ako na" sambit ni Daddy

"Ako na dad, masyadong matinik tong bangus" sambit ko

"Anak.... Kaya ko na yan... Pati ba naman sa pag kain magiging pabigat pa ako" sambit ni Daddy

I was too stunned to speak... Halos mabitawan ko ang kutsarat at tinidor na hawak ko...

"No daddy, you're not pabigat to us ha, wag mo po isipin yon" sambit ko

"I am honey... I am..." Sambit ni Daddy

Natapos ko ng himayin ang isda ni Dad.. kaya naman kumain na din ako....

"Ako na mag lilinis ng plato" sambit ko

"Ako na" sambit ni Kuya

"Mahaba yung day off ko kaya ako na..." Sambit ko

"Sigurado ka ba?.... Okay lang naman kung ako" sambit ni Kuya

"Okay lang, bumabait ka saken ngayon haa" sambit ko

"Sira ulo, oh sya mag bihis muna ako" sambit ni Kuya

Nilagay ko na sa lababo lahat ng hugasin at nag punas na ako ng lamesa... Bago nag suot ako ng apron para makapag hugas na ako ng plato...

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon