Chapter 162

388 49 7
                                    

VERONICA
(IRENE)

"Maagang umuwe si Maam Gracie, yang pinapagawa sayo iwan mo na lang sa table nya" sambit ni Jona

"Jona?" Tawag ko

"Yes? Veron?" Tanong ni Jona

"Ano bang nang yare kay Maam Irene?" Tanong ko

"Irene? Sinong Irene?" Tanong ni Jona

"Yung nanay ni maam Gracie", sambit ko

"Alam mo, ilang buwan pa lang tong kumpanya, and ever since walang nababanggit na Irene si Maam, even si Maam Imee wala din" sambit ni Jona

"Nag karon kasi ako ng research about dito sa kumpanya, and sabi dating pag mamay ari to ni Irene Araneta... Eto oh" sambit ko sabay pakita ng picture sa kanya

"Kamuka mo" sambit ni Jona

"Hindi ah... Ang ganda nyan eh" sambit ko

"Kamuka mo, long hair ka lang, try mo mag pa pixie cut" sambit ni Jona

"Sa tingin mo bagay saken?" Tanong ko

"Oo naman" sambit ni Jona

"Uuwe ako mamaya tas mag papaputol ako ng buhok" sambit ko kay Jona

"Abangan ko yan teh" tugon ni Jona

GRACIE

i was hugging kuya Alfonso nang biglang lumapit si Daddy saken at inabutan ako ng tubig.

"Kalmado na ba ang baby namin?" Tanong ni Daddy

"Dad" sambit ko sabay hawak sa kamay ni Daddy

"Yes??" Tanong ni daddy

"Don't get mad or upset please... But she been working for me for weeks now" sambit ko na ikinagulat ng daddy

"What? Why you aren't telling me?" Daddy asked

"Cause I don't want you get worried? Dad?" Sambit ko

"Anak? Ayoko kasing nasasaktan ka" sambit ko

"Daddy, okay lang ako, kaya... Hayaan mo na dad, ginawa ko lang naman yon kasi baka yun yong paraan para maalala na tayo ni mommy" sambit ko

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong ni daddy

"Walang desisyon na hindi ako naging sigurado" sambit ko

"Dad, mas makakabuti sigurong bumalik muna ai Luis sa company ng mommy para mabantayan si Gracie" sambit ni Kuya Alfonso

"Kausapin mo yung kapatid mo, oras na din siguro para mabuo tayo" sambit ni Daddy

"Gracie, wag mong pilitin okay? Para konti lang yung sakit..." Sambit ni kuya

"Syempre naman? Gago ba ako?" Sambit ko

I am already turning 22... Almost 4years nang wala si Mommy samen. Hindi ko alam kung pano ko nalampasan ang immaturity phase ng buhay ko. Basta ang alam ko mula nung nawala si Mommy ako na ang nag asikaso ng lahat ng bagay sa buhay namin nina kuya.

Umakyat na muna ako sa taas at tumambay sa Veranda.

"Hey" sambit ni kuya

"Oh?" Tanong ko

"Pahinga kana, tama na yan" sambit ni Kuya

"Tapusin ko muna to, para maibigay ko na kay Veronica bukas" sambit ko

"Hmmmm" pag halik ni kuya sa noo ko

"Bakit?" Tanong ko

"Wala lang, gusto lang kitang ikiss" sambit ni kuya

"Wehh? May lagnat ka ba?" Tanong ko

"Gaga hindi, thank you..." Sambit ni Kuya

"Saan?" Tanong ko

"Sa pag tulong saken sa pag papalaki kay Andy" sambit ni Kuya

"Drama mo naman" sambit ko

"Walang drama dun, seryoso ako" sambit ni Kuya

"Thank you sa pagiging mabuting ina mo kay andy" sambit ni Kuya

"Huh?" Sambit ko

"Nung panahong nag sisimula ang kumpanya ng daddy... Ikaw lahat umako ng responsibilidad kay Andy.... Mula sa gatas hanggang sa yaya" sambit ni Kuya

"Nag tulong naman tayo" sambit ko

"Walang duda grace, ikaw ang magiging pundasyon sa muling pag buo ng pamilya natin" sambit ni Kuya

"Salamat mga anak" sambit ni Daddy sa likod namin

"Bakit dad?" Tanong ko

"Hindi kayo nawalan ng pag asa, hindi kayo sumuko basta basta" sambit ni Daddy

"Wala namang dahilan para sumuko eh, pero daddy, mas matapang talaga si Gracie kesa saken... Kung hindi naman dahil sa kanya baka itinigil ko na ang kumpanya natin" sambit ni kuya

"Hindi naman ako magiging matapang kung wala kayo sa tabi ko... Pinatapang nyo ko" sambit ko

"Pinatapang ka ng pinag daanan mo" sambit ni Daddy

I hugged them really tight. May kulang man sa pag mamahal na nararamdaman ko mula sa kanila. Sinisigurado naman nilang magiging okay ang lahat.


A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon