GREGGY
"
Dad, uuwe muna po ako" sambit ni Alfonso
"Mag pahinga ka muna, si Luis naman daw papalit saken bukas" sambit ko
"Aasikasuhin ko po dad yung business ni Gracie..." Sambit ni Alfonso
"Salamat" sambit ko
Pumasok na ako sa loob ng Kwarto... I don't know, alam ko nung nasa ICU ako sila lang ni Alfonso ang nag papalitan.
"Hi anak... Ang tahimik nung bahay natin, wala kasi yung laging kumakanta pag nag luluto eh"
"Alam mo ba? Galit na galit ang mama Imee mo... Bakit daw ba kasi pumayag din sya na mag trabaho si Veronica sa kumpanya eh"
"Anak, alam mo ba na willing nang makipag tulungan si Danilo para maalala ni Mommy mo lahat... Ang dami nga nyang nalaman ngayong araw eh"
"Si Cindy pala yung totoong nanay ni Danica... Sya pala yung Totoong Veronica... Ang dami daming niloko ni Cindy..."
"Tapos alam mo ba? Tumawag saken si Clark, may aasikasuhin daw syang business sa Switzerland kaya iiwan nya saken si Clyde... Gising kana anak, para makasama mo yung kapatid mo"
Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko habang kinakausap ko si Gracie na walang malay. Boses ko at ang tunog ng makinarya lang ang naririnig ko.
"Anak.... Hindi naman kaya ni Kuya Alfonso mo na wala ka sa tabi namin... Lalo na at wala satin yung mommy mo"
"Kung nandito sya, siguro naalagaan ka nya ng mabuti, hindi man magiging maayos yung pamilya natin pero atleast, naalagaan ka nya..."
"Pinangako ko yung magandang buhay at masayang pamilya sayo... Pinangako kong hindi kita sasaktan at papabayaan, pinangako kong mamahalin ka ng buong buo... Anak sorry"
Wala akong nagawa kundi maibuhos ang luha ko sa kamay ni Gracie.
"Sorry... Hindi ko nagawang ibigay ang ganong buhay sayo anak.... Napabayaan kita, iniwan kita, sinaktan ko kayo ng Mommy mo... Hindi kita naalagaan ng tama"
"Kung kaya ko lang ibalik ang panahon gagawin ko, ibabalik ko kung ano yung mga pag kukulang ko... Babaguhin ko yung mga maling desisyon ko noon, itatama ko lahat anak"
"Mabalik lang kayo ng Mommy mo saken gagawin ko lahat eh..."
"Anak bumalik kana" pag iyak ko sa kamay ni Gracie
Napapunas ako ng luha ng biglang may kumatok sa pinto.
"Greggy?" Sambit ni Mommy Imelda
"Ma..." Sambit ko
Niyakap ko lang sya at pinaupo sa tabi ni Gracie.
"Apo, hawakan mo lang to, mag tiwala ka sa kanya ha, wag kang bibitaw" sambit ni Mommy sabay lagay ng Rosaryo sa kamay ni Gracie
"Apo, pasensya kana..." Sambit ni Mommy
"Ma? Bakit po?" Tanong ko
"Nangako akong makakasama mo, kapag iniwan ka na nilang lahat, hindi ka hahayaan ni Lala na mag isa..." Sambit ni Mommy
"Greggy" sambit ni Ate Imee
"Ate?" Sambit ko
Bigla akong niyakap ni Ate at bigla syang umiyak sa pag kakayakap saaken.
"Bakit?" Tanong ko
"Daddy" sambit ni Luis
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko
"Sorry dad" sambit ni Alfonso
"Bakit?" Tanong ko
"Mababa yung chance... Mababa yung chance na makasurvive si Gracie" pag iyak ni Alfonso habang nakahawak sa kamay ko
"A-ano?" Tanong ko
"Pero gagawin naman nila ang lahat eh... Gagawin nila lahat ng makakaya nila" sambit ni Alfonso
"Anak?" Sambit ni Liza
"Wag kang susuko anak ha, andito kaming lahat, nag iintay kaming lahat sayo... Ang hirap kung mawawalan kami ng isang katulad mo kaya wag kang susuko please..." Sambit ni Liza
"Anak..." Sambit ni Bonget
"Gagawa kaming paraan para maibalik ang Mommy mo, pangako yan kaya wag na wag kang bibitaw anak ha... Malaki yung pag kukulang naming lahat pero, babawi kami, babawi kami sayo kaya please wag kang bibitaw, wag kang susuko" sambit ni Bonget
"Greggy..." Pag tawag saaken ni Tommy
"Bakit?" Tanong ko
"Sumama ka saken may pupuntahan tayo" sambit ni Tommy
Hindi na ako nag paalam kay na Manang at sumama na ako kay Tommy.
"San tayo?" Tanong ko
"Pupuntahan natin si Irene" sambit ni Tommy
Nakarating na kami sa bahay na tinutuluyan nina Irene at Danilo.
"Danilo!" Malakas na tawag ni Tommy
"Mr. Araneta? Ano pong ginagawa nyo difo?" Tanong ni Irene
"Si Danilo?" Tanong ni Tommy
Agad namang lumabas si Danilo. "Kelangang maalala na ni Irene lahat, kelangan sya ni Gracie... Mababa ang chance na makasurvive si Gracie..." Sambit ni Tommy
"Ano po? Si maam Gracie?" Tanong ni Irene
"Sumama ka muna sa kanila... Puntahan mo si Ms. Araneta, bilisan mo" sambit ni Danilo
Sumakay na kami ng sasakyan at hindi ako nag sasalita sa kanilang dalawa. Habang bakas naman sa muka ni Irene ang pag aalala kay Gracie.

BINABASA MO ANG
A Mother's Love
Science FictionA mother who's trying to have a bond with her daughter.