Chapter 173

440 45 14
                                    

VERONICA

"Kanina ka pang tulala, ano bang iniisip mo?" Tanong ni Danilo

"Anong nang yare noon? Totoo ba yung sinasabi ng pamilya nina Gracie? Na may amnesia ako?" Tanong ko

"Veronica? Ngayon pa ba natin pag uusapan yan? Ang laking trauma nang nangyare sa anak natin" sambit ni Danilo

"Danilo? Totoo ba? Bat iniiwasan mong pag usapan natin to ngayon?... Napahamak si Maam Gracie at sinisisi ako ni Sir Alfonso.. kesyo dahil hindi maalala kung totoo ba o hindi ang mga bagay bagay" sambit ko

"Uunahin mo pa ba yan kesa sa anak natin?" Tanong ni Danilo

"Danilo, yung totoo ang kelangan kong malaman..." Sambit ko

"Sige, aalamin ko kung ano yung totoo, pero sa ngayon unahin muna natin ang anak natin" sambit ni Danilo

DANILO

Alam ko naman kung anong totoo, pero natatakot ako na baka pag nalaman niya ang katotohanan ay iwan nya din kami kagaya ng ginawa ng totoong Veronica.

FLASHBACK

"Ayaw ni Daddy yung relasyon natin, pano yun?" Tanong ni Veronica

"Porke ba hindi ako nakapag tapos ng pag aaral? Tas mayaman kayo tas mahirap lang ako" sambit ko

"Hindi ko alam... Pero ayaw niya sayo" sambit ni Veronica

"Mag tanan tayo, dadalhin kita sa probinsya namin" sambit ko

"Danilo? Kaya mo ba kaming buhayin ng magiging anak mo?" Tanong Ni Veronica

"Anak?" Tanong ko

"Oo Danilo.... Buntis ako" sambit ni Veronica


Halos abutin ng mga talon ko ang langit ng malaman kong buntis si Veronica. Hindi naman din nag tagal ay nag tanan na kami at dinala ko na sya sa isla.

END OF FLASHBACK

Makalipas ang dalawang taon ng pag kapanganak kay Danica ay nag desisyon si Veronica na mag trabaho sa maynila. Umalis sya at desididong mag trabaho.

Makalipas ang isang araw ay nabalitaan ko na lumubog ang rorong sinasakyan ni Veronica at ang bangkay nya ay dinala sa pamilya nya at hindi na namin muling nakita.

Sinabi ko nung hinahanap ni Danica ang nanay nya ay iniwan kami at wala nang planong bumalik.

Laking pasalamat ko ng dumating si Veronica sa pamilya namin.

"Bumalik na lang kaya tayo sa isla?" Tanong ko

"Hindi.." sambit ni Veronica

"May pupuntahan lang ako" sambit ko

Nag punta ako sa malapit na computer shop para mag search ng tungkol kay Irene Araneta.

"Si Veronica nga..." Sambit ko

Hindi na ako nag tagal sa comshop at nag lakad n din ako pauwe. Inuusig ako ng konsensya ko sa pag tatago ng katotohanan sa kanya...

KINABUKASAN

"aalis lang ako, wag mong iiwan si Danica" sambit ko

Pupuntahan ko si Mr. Greggy Araneta para makipagtulungan na maalala ni Irene ang lahat. Hindi pwedeng itatago namin sa kanya ang katotohanan.

"Danilo... Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sir Luis

"Kailangan ko po kayong makausap" sambit ko

"May meeting pa si Daddy" sambit ni Sir Luis

Pumukaw saaken ang isang picture frame na nasa opisina ni Sir Greggy. Isang babae at isang batang lalake na kasama nya sa litrato. Pamilyar saaken ang muka ng babae, gusto ko sanang lapitan pero nahihiya ako.

"Daddy, malapit na death anniversary ni cindy, dadalaw ka ba?" Tanong ni sir Luis kay mr. Araneta

"Dadaan ako, sya nga pala, iiwan daw saken si Clyde... Kakamiss din naman yung batang yon" sambit ni Sir Greggy

"Danilo..." Sambit ni Sir Greggy

Pinag usapan na namin kung ano talaga ang pakay ko kumbakit ako nag punta dito sa opisina nya. Pumayag naman sya sa pinag usapan namin.

"Sir, pwede ko bang makita yung litratong nasa frame?" Tanong ko

Agad naman nyang kinuha at inabot saaken. Hinding hindi ako nag kamali sa iniisip ko.

"Kilala mo ba yang babae?" Tanong ni Sir Luis

"Na-nasan sya?" Tanong ko

"Kamamatay lang nya last year..." Sambit ni sir Greggy

"Kilala mo ba?" Tanong ni Sir Luis

"Sy-sya po ang tunay na ina ni Danica...." Sambit ko

"Ano? Seryoso ka ba?" Tanong ni Sir Luis

"Opo... Seryoso ako, akala ko matagal nang patay si Veronica..." Sambit ko

"Veronica? Yun ba ang realname nya?" Tanong ni Sir Greggy

"Opo..." Sambit ko

"Veronica ang totoong pangalan ni Cindy?" Tanong ni Sir Luis

Agad na nag dial si Sir Greggy ng number.

"Hello? Tito Ronald? May hindi po ba kayo nasabi saken about cindy?" Tanong ni Sir Greggy

Nag hintay lang kami hanggang sa matapos silang mag usap

"Totoo nga.... VERONICA VILLAR ang real name ni Cindy... Nung bumalik daw si Cindy dito sa manila may iniwan syang pamilya somewhere, pinalabas daw ni Veronica na namatay sya at nag palit ng name as Cindy Villar" sambit ni Sir Greggy

"Niloko ako ni Veronica..." Sambit ko

"Hindi lang ikaw, even daddy, he been fooled by Cindy, pinag nakawan nya din si Daddy" sambit ni sir Luis

"Kalimutan na natin yon, ang mahalaga alam na natin ang totoo ngayon... Mauna na ako papalitan ko pa si Alfonso sa hospital" sambit ni Sir Greggy

Hindj ako makapaniwala sa mga narinig at nalaman ko ngayong araw.


A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon