(Phone conversation)
5:07 PM
Silas:
Hello, Tita.Cordelia Sayson:
Sino 'to?Silas:
Si Silas, Tita.Cordelia Sayson:
Saan mo nakuha ang number ko? At--ginugulo mo na naman ba si Alice? May nagbigay na naman ba sa 'yo ng number namin? Baka tatawagan mo na naman at guguluhin ang isip. Hay naku, Silas. Dumadami na ang atraso mo sa amin ng papa niya!Silas:
(Swallows) Nasa'n po ba si Alice ngayon?Cordelia Sayson:
Silas, sinasabi ko sa 'yo, tigilan mo na ang kahahabol sa anak ko. Matagal nang nasa mabuti si Alice mula nang maging sila ni Luke. Maawa ka naman sa kanya. Ang tagal niyang nagtiis sa relasyon n'yong dalawa kahit walang kahit na anong seguridad sa 'yo. Nakikita mo dapat ngayon na nasa maayos na siya. At dahil nasa maayos na siya, kung may kaunti kang hiya sa sarili at konsiderasyon sa kanya, hindi ka na dapat naghahabol pa. Hindi pa ba sapat na nakuha mo siya no'ng bata pa kayo? Mahiya ka naman sa amin!Silas:
(Grits teeth) Sorry, Tita...Cordelia Sayson:
Kung talagang sorry ka, huwag ka na uling tatawag! At huwag na huwag kitang makikita na umaaligid sa anak ko o sa mga kaibigan niya. Ipapupulis na kita sa susunod!Call cut.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...