Day 589.1

1.4K 131 44
                                    

(Phone conversation)

11:15 AM

Silas:
Hello, Cha? 

Chacha:
Hi, Silas. Bakit 'yon?

Silas:
Nasa airport na kayo? Boarding na? Ano'ng oras flight n'yo? 

Chacha:
Nasa airport na kami ni Tatay, waiting na lang para mag-board. Maya-maya lang siguro. 

Silas:
Ah... (Pause) Nag-lunch na kayo? 

Chacha:
Yes, kani-kanina pagdating dito. 

Silas:
Kailan ka uuwi rito galing Zamboanga? 

Chacha:
Uwi agad? Hindi pa nga ako nakakaalis! (Laughs softly)

(Silence)

Silas:
Ganda naman ng tawa mo. 

(Silence)

Chacha:
Uh... Huh? 

Silas:
Kailan balik mo galing Zamboanga, Cha? 

Chacha:
Uh... uhm... D-Do'n kami magpa-Pasko and New Year, I think. So next year na. 

(Silence)

Silas:
Medyo matagal 'yon, ah.

Chacha:
Oo. Pinayagan naman ako ni Hulyo since kaunti lang 'yong projects nitong holiday at approved naman na lahat ng concepts na hawak ko. I-execute na lang nila. Saka dami ko nang naipon na bakasyon sa kanya. 

Silas:
Kahit ayaw kang payagan, wala naman 'yong magagawa sa 'yo kung gusto mong magbakasyon. Deserve mo namang magbakasyon. 

Chacha:
 I know. (Laughs softly) Hindi ko pala nasabi kay Tita na aalis ako. Makakabalik naman ako before 'yong flight niya kaya masasamahan ko pa siyang mamasyal kahit saan niya gusto. 

Silas:
Ah, may usapan kayo ni Mama? 

Chacha:
Oo. Gusto niyang magpunta sa Binondo eh. Saka nabanggit niya no'ng nakaraan na gusto niyang kumain no'ng hopia sa Binondo. 

Silas:
Nabanggit nga rin sa 'kin. Ako na'ng bahalang bumili para sa kanya, Cha. 'Wag mo nang masyadong isipin. 

Chacha:
Sasabihin ko nga dapat sa 'yo 'yon pero nawalan ako ng chance. Marami kasing inasikaso saka bigla ngang nag-reques Tita ko na umuwi uli kami para sa holiday. Sagot naman nila ticket, kaya 'ayun... 

Silas:
(Breathes deeply) Sige. Puwede mo ba 'kong sabihan 'pag pabalik ka na sa New Year? 

Chacha:
Why?

Silas:
Basta lang... 

Chacha:
Uhm... Yes, puwede naman.

(Silence)

Silas:
At si Mateo nga pala... hinatid ba kayo diyan? 

Chacha:
Hindi. Nag-taxi kami ni Tatay. 

Silas:
Sana nagpahatid ka na lang sa 'kin. 

Chacha:
Nakakahiya naman 'yon. 

Silas:
Bakit? May kotse na 'ko ngayon. 

Chacha:
Mas nakakahiya 'yon. 

Silas:
Hindi 'yon.

(Silence)

Chacha:
Uh... baka need ko nang ibaba 'tong phone. 'Tapos... baka may sabihin sa 'yo si Mateo one of these days. I don't know how you'll take it... pero sinubukan kong gawin 'yong sinabi mo, ha? 

(Silence)

Silas:
Cha... 'wag mong sabihing... 

Chacha:
Uh, need na namin mag-board. Bye, Silas. Take care. 

Silas:
Sandali lang, Cha--

Call cut. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon