Day 463.3

1.3K 121 4
                                    

Sun | 10:17 PM 

Silas:
hello grace
makikibalita lang kay chacha

Grace:
Hello. Why? Bakit yun? 

Silas:
sorry gabi na masyado
nakita raw ni magnus umiinom eh
may nangyari ba sa trabaho nyo? 

Grace:
Uhm... wala naman. Okay naman sila ni Hulyo. Nag-off siya kanina pero may take home na storyboard project tapos pinadalhan pa ni Hulyo ng meryenda sa kanila. 

Silas:
sa manliligaw niya kaya?

Grace:
I don't think so??? Kasi okay naman date nila kahapon. Medyo chinika ko kasi type ko si Mateo, tapos mabait naman daw. Nag-road trip daw sila tapos food trip. 

Silas:
ah mukhang wala naman ngang problema

Grace:
Gusto mo ba message ko???

Silas:
wag na
kung tingin mo okay naman, okay lang yun

Grace:
Di mo ba itatanong if ano tingin nya kay Mateo? Or if sasagutin nya based sa dates nila?

Silas:
hindi na
basta mukhang okay naman sya at nag-e-enjoy

Grace:
Well, mukhang enjoy naman siya at appreciative sa effort nung isa. Pero hindi ako sure if nagkaka-feelings na siya eh. 

Silas:
ah sige
salamat grace

Grace:
No problem ~ May project pala kami this week. Out of town for four days. So wag kang magtaka if hindi mo sya makita. 

Silas:
ah sige

Grace:
Okay ~ Chat mo lang ako anytime na may itatanong ka. Hihi.

Silas:
salamat uli

Grace:
No problem. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon