Day 608

1K 98 4
                                    

(Phone conversation)

02:01 AM 

Silas:
(Sluggish voice) Baby? Hello... kumusta ka...?

Chacha:
(Low voice) Hello, baby. Katatapos lang ng party. 

Silas:
Matutulog ka na? Nasa kuwarto ka na o nasa labas pa?

Chacha:
Nasa kuwarto na. Kapapalit lang ng damit. Sobrang pagod na 'ko...

Silas:
(Sighs) Higa na para makapahinga ka na.

Chacha:
Nagising ba kita? 

Silas:
Okay lang. 

Chacha:
Nagising nga kita, 'no? 

Silas:
Oo. Pero okay lang. Gusto kong marinig boses mo. 

Chacha:
Wala naman akong sasabihin... gusto ko lang din talaga marinig ang boses mo. 

Silas:
Naks. Sarap naman marinig  sa madaling-araw. (Laughs softly) Maaga ba uli  kayo  bukas? 

Chacha:
Hindi naman. For tomorrow, interview lang sa mga client. Gusto nila ng testimonial type video eh. 

Silas:
Ah. So hindi masyadong paguran bukas. 

Chacha:
Hindi... sana. Kaso nag-suggest na rin ako pa-photoshoot sila. (Sighs) Lakas ko kasi mag-suggest. (Laughs awkwardly) Malapit kasi rito 'yong church kung saan ikinasal 'yong couple na client. Sabi ko, baka gusto nila i-revisit 'tapos photoshoot na rin. 

Silas:
Sipag  talaga Chacha ko. 

Chacha:
Gusto ko lang ma-preserve nila talaga 'yong memory. Puwede na rin isama sa testimonial video nila 'yong revisit sa church, kasama no'ng old videos ng kasal nila. Maganda naman suggestion ko, 'di ba? 

Silas:
Oo, maganda, Cha. Siguradong matutuwa client. 

Chacha:
May additional bayad din naman sila. And um-okay naman ang team since nandito na rin lang kami...

Silas:
Ba't parang nagwo-worry ka?

Chacha:
Medyo worried lang since added work siya sa team. Dapat nag-consult man lang ako o abiso before nag-suggest. Anyway, nag-apologize naman ako. At mukhang game naman na sila. Saka dadagdagan naman namin ang bayad sa kanila at may extra food naman bukas para sa extra shoot. 

Silas:
'Wag ka na masyado mag-worry, baby. Baka masyado ka lang din nag-iisip dahil pagod ka na ngayon. 

Chacha:
Baka nga... 

Silas:
Nakahiga ka na ba? 

Chacha:
Oo...

Silas:
Tulog na...

Chacha:
Gusto pa sana kita kausap eh... Kaso, pagod na rin talaga ako.

Silas:
Gusto ko pa ring kausap ka pero dapat ka nang matulog, baby. 

Chacha:
Early start din ba kayo  bukas? I mean mamaya? May shoot kayo, 'di ba?

Silas:
Medyo lang. Pre-nup 'yon.

Chacha:
Oh...

Silas:
Pikit na, Cha. Dito pa 'ko kahit antok ka na. 

Chacha:
Usap pa tayo...

Silas:
(Lower voice) Sige, baby. Basta pikit na.

Chacha:
Sakit ng paa ko today...

Silas:
Kiss ko 'yan pagbalik mo.

Chacha:
Gagi...

(Pause)

Chacha:
Low energy ko rin... kahit may iced coffee...

Silas:
Bawiin natin 'yan pagbalik mo.

(Long pause)

Chacha:
Silas...

Silas:
Hmm?

Chacha:
Mahal kita...

(Longer pause)

Silas:
(Whispers) Mahal kita. Tulog mabuti, baby.

(Silence)

Call ended after 30 minutes of silence.

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon