Day 400

1.6K 137 63
                                    

Guwapo Lang Puwede Rito (Bat nandito ka, Vernon?)
10:13 AM 

Daddy Magnus:
sino huling umalis kina silas? 

Rohan Bato:
Pag-alis ko kanina, nandun pa si Vernon. 

Daddy Magnus:
hoy @Vernon buhay pa ba si tanga? 
nandyan ka pa ba sa bahay nila?
tinatawagan ko kanina pa di sumasagot

Vernon Unggoy:
wala na ko run
umuwi ako para magpalit ng damit
may edit maya di ba

Rohan Bato:
Tama yan. Maligo ka na rin para hindi ikamatay ni Ricky ang baho mo. Hahaha

Daddy Magnus:
hahahahaha

Vernon Unggoy:
bait-baitan mo sakin, ro, dahil ako lang naiiwan mong editor ngayon

Rohan Bato:
Bakit ko naman babaitan eh pangtatlong tao ibabayad sayo?

Daddy Magnus:
hahahaha
ge away lang kayo

Vernon Unggoy:
ssd na. pangtatlong tao bayad ko ah

Daddy Magnus:
ro bigyan mong barya sina liam at silas
maawa ka hahahaha

Rohan Bato:
Bakit barya pa? Bigyan ko na lang noodles at de lata. 

Vernon Unggoy:
hahahaha relief goods amp

Daddy Magnus:
sinasabuhay mo masyado pagiging bato mo hahahaha

Rohan Bato:
Buti nga may noodles at de lata pa. Pwede ngang wala eh.

Daddy Magnus:
gago hahahahah

Vernon Unggoy:
wala ka nang pag-asa tanga haha

Vernon Unggoy:
sa tanong nyo naman
pag-alis ko kanina run, tulog pa silas

Vernon Unggoy:
o baka gising na pero nagtutulog-tulugan

Vernon Unggoy:
nilagay ko sa ref yung pagkain para iinitin na lang niya

Vernon Unggoy:
bat mo pala tinatawagan magnus? 

Daddy Magnus:
si chacha sakin nagtatanong eh

Vernon Unggoy:
bat daw? di rin sya sinasagot ni silas? 

Daddy Magnus:
di ko alam. baka. 

Rohan Bato:
Balikan ko maya si Silas sa kanila. 

Daddy Magnus:
wag na
muntik ka na nga masapak kagabi hahahaha

Rohan Bato:
Di naman ako aatras kung sasapakin niya ko. Haha

Vernon Unggoy:
tanga hahawakan ka namin kung gusto kang sapakin ni silas hahahaha

Rohan Bato:
Nagagalit sya eh totoo naman sinabi ko. Tagal nyang nagpakatanga, mas dapat sya mag-celebrate kaysa umiyak. Tagal nang walang respeto sa kanya nung babaeng yun. Kung kahit respeto, di na mabigay sayo, maniniwala ka pa rin bang mahal ka? 

Vernon Unggoy:
spoken like a true single yan ah hahahaha

Daddy Magnus:
tumpak

Daddy Magnus:
halatang-halatang di pa naiinlab si gagu hahahaha
masarap katangahan nito pag nainlab na

Rohan  Bato:
Di ako maiinlab kung magiging tanga rin lang ako. Hahahaha

Vernon Unggoy:
awts peyn yang mga ganyang statement ang magpapahamak sayo hahahaha

Daddy Magnus:
pag umiyak ka pag nainlab ka na, i-video ko

Vernon Unggoy:
at ako rin hahahahaha

Rohan Bato:
Wala akong paki hahaha

Vernon Unggoy:
ako na lang babalik mamaya sa bahay ni silas. tanggalan ko limit supplementary ng credit card niya. 

Rohan Bato:
Tangina, talino mo dyan. 👍

Daddy Magnus:
support 👍

Daddy Magnus:
teka pano mo matatanggal? 

Vernon Unggoy:
alam ko bank account ni silas 👍

Daddy Magnus:
pati pass? 

Vernon Unggoy:
gagamitin ko daliri niya mamaya. biometrics yun eh. 👍

Daddy Magnus:
hahahaha
alam mo kung magkano laman ng account nya? 

Vernon Unggoy:
di ko sure ngayon pero may pambili kotse run eh 👍

Daddy Magnus:
transfer mo iba sakin 👍

Vernon Unggoy:
para patayin ako ni silas? 👎

Daddy Magnus:
ikaw naman pala papatayin eh. transfer mo na sa account ko. 👍

Vernon Unggoy:
wag ka magbibiro sa broken. 👎

Daddy Magnus:
kahit 30K lang. 👍

Vernon Unggoy:
pakyu ka. 👍

Vernon Unggoy:
punta na ko editing. bahala ka sa buhay mo. 👍

Daddy Magnus:
hahahahah


03:46 PM 

Vernon Unggoy:
na-disable ko supplementary card ni silas 

Rohan Bato:
May libre kang kape sakin. 👍

Vernon Unggoy:
bakit? kala ko may libre talaga kong kape sa edit maya? 

Rohan Bato:
Ah meron ba? Nagsabi ba ko?

Vernon Unggoy:
tangina ka. nagsabi ka kagabi pa
ni-record ko dahil baka itanggi mo

Rohan Bato:
Hahahaha. Wais amp
Sige. Dagdagan ko burger. 

Vernon Unggoy:
lulusot ka pa ah

Rohan Bato:
Hahahaha

Daddy Magnus:
tiningnan mo kung kumain silas? 

Vernon Unggoy:
hindi kumain

Daddy Magnus:
tanga amp
papakamatay ba sya? 

Vernon Unggoy:
di nga rin ako kinausap hahaha
yaan nyo na muna

Daddy Magnus:
pag-uwi ko maya galing dito sa presentation sa client, dun ako sa kanila punta
sapakin ko pag di kumain 👍

Rohan Bato:
Tama yan. 👍

Vernon Unggoy:
pag sinapak ka rin wag mo lakasan ganti 👍

Daddy Magnus:
gago hahahaha


09:22 PM 

Daddy Magnus:
sumubo ng ilang kutsara si tanga tapos tinapon pagkain

Rohan Bato:
Sayang pagkain.

Daddy Magnus:
tinawag ko nga si tiya para dagdag sermon sa kanya
di naman kumibo si tanga. tapos sabi matutulog daw sya
nag-lock ng kuwarto

Vernon Unggoy:
tiningnan mo ba kung may dalang delikado? 

Daddy Magnus:
di ko na-check pero parang wala naman

Rohan Bato:
Ampotang mga Montecristo to. 

Daddy Magnus:
di na uli lumabas si tanga at di na rin sumasagot kahit katukin ko. uwi na ko

Rohan Bato:
Bayaan nyo muna si tanga.

Vernon Unggoy:
ako na lang uli check bukas bago umuwi. pagkadaan ko kay paps

Daddy Magnus:
gege

Rohan Bato:
👍


Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon