Day 434.1

1.3K 120 10
                                    

(Phone conversation)

06:17 PM 

Mateo:
Hello? (Uncertain tone) Sino 'to? 

Silas:
Silas 'to, pare. Dumaan ako sa Rodriguez pero wala ka raw. Yayain sana kita uminom. 

Mateo:
Ah. (Pause) Bakit? May problema ba? Hindi ako puwedeng uminom ngayon. Nasa duty ako 'tapos may date ako bukas. 

Silas:
Wala namang problema. May sasabihin lang ako. 

Mateo:
Importante ba?  Puwede ba dito sa phone?

Silas:
Personal ko sana sasabihin. 

Mateo:
Ah. Bago hatinggabi pa uwi ko. Kung makakapaghintay bukas--

Silas:
Okay lang 'yon. Gising pa 'ko no'n. 

Mateo:
Sobrang importante ba niyan? (Laughs awkwardly) May atraso ba 'ko? 

Silas:
(Laughs) Wala. Pero oo, importante. Tungkol kay Chacha. Nabalitaan ko kay Pretty na date n'yo bukas. 

(Silence) 

Mateo:
Gano'n ba. Punta ka na lang sa Rodriguez. Bandang alas-onse siguro. 

Silas:
Sige, sige. 'Sensiya na sa istorbo. 

Mateo:
Sige, pare. 'Maya na lang. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon