Day 602.8

1.4K 124 17
                                    

Sat | 02:51 PM 

Silas:
okay ka lang, cha? 

Chacha ko:
Huh? Bakit?

Chacha ko:
Saka bakit nakaka-chat ka? Di ka na nagda-drive? 

Silas:
di na. nandito na kami sa bahay ng kaibigan ni tita. nasa garden. 
tinakasan ko yung pameryenda kasi busog pa ko haha

Chacha ko:
Tumikim ka kahit kaunti, ha? Baka magtampo sayo. 

Silas:
tumikim naman haha

Chacha ko:
Okay. 
Bakit mo ko tinatanong kung okay lang ako?

Silas:
dun sa post mo sa wall

Chacha ko:
Bakit?
Hala, hoy, hindi ba ko dapat nag-post? Dapat ba naka-friends only? 

Silas:
hindi yun. baka kasi hindi ka pa komportable. 
na pressure ka ba sa banal? kay rohan? 

Chacha ko:
Hindi naman. Pero gusto ko ring i-post na para di ka laging inaasar ni Rohan. Haha. 
Hindi ba dapat muna? Dapat ba secret lang muna natin? 

Silas:
panong secret eh nagbibigayan ng lechon sa roseville. haha

Chacha ko:
Yun nga rin naisip ko kaya kako, parang imposible naman itago. 

Silas:
pero gusto mo ba sana secret muna? 

Chacha ko:
Hindi. Iniisip ko lang kung saan ka komportable...

Silas:
bakit ako? yung kung saan ka dapat komportable. nag-worry lang ako kaunti kasi baka na pressure ka kay rohan tanga. yaan mo lang yun

Chacha ko:
Mahal kita eh. Kaya iisipin ko kung saan ka komportable. 

Silas:
eh mahal din kita eh. kaya dun ako sa kung saan ka komportable. 

Chacha ko:
Haha. Pero okay lang sayong nag-post ako? 

Silas:
oo naman. gusto mo with video pa. haha

Chacha ko:
Sige, sa susunod, mag-video tayo. Haha

Silas:
tangina

Chacha ko:
Bakit??? 

Silas:
wala
ang saya lang
napapamura ako hahahahaha

Chacha ko:
Masaya ka na sa public post pa lang??? Hahaha

Silas:
oo mababaw ako eh hahaha
sorry na lang, baby haha

Chacha ko:
Okay. Tanggap kita, pards. Haha

... 

Chacha ko:
Kala ko, tinatanong mo ko kung okay lang ako dahil baka makita ni Alice...

Silas:
ano naman? 

Chacha ko:
Hindi ka ba maiilang kung makita niya? 

Silas:
hindi. ikaw ba? nag-aalala ka bang makita niya? di mo pa ba sya bina-block? 

Chacha ko:
So hindi ka talaga nag-aalala na baka makita niya? 

Silas:
bakit ko naman sya iisipin eh di naman sya kasali satin

Chacha ko:
Kala ko lang, baka may naiiwan pang concern... o kung ano pa.

Silas:
nag-aalala ka pa rin ba kay alice? 

Chacha ko:
Gusto ko sanang hindi na... pero nandun ako nung magkasama kayo eh. Sorry. 

Silas:
may gusto ka bang gawin ko para mabawasan pag-aalala mo? 

Chacha ko:
Hindi ko alam??? 

Silas:
pag may naisip kang gusto mong gawin ko para di ka masyadong mag-alala, sabihan mo ko. 
pero kung ang iniisip mo ay baka ayokong makita ni alice na tayo nang dalawa, sagutin ko na. 
makita man niya o hindi, wala akong pakialam. may reaksyon man siya o wala, wala akong pakialam. may sabihin man siya o wala, wala akong pakialam. 

Silas:
nung sinabi ko sa sarili kong okay na ko at mamahalin kita, ibig kong sabihin, ang tapos na, tapos na. at mamahalin kita nang buo, nang ikaw lang ang titingnan, at ikaw lang ang iniisip. kaya gawin mo lang kung ano ang komportable ka at kung may pinag-aalala ka, sabihan mo lang ako. pag pwede kong gawan ng paraan yung mga ipinag-aalala mo, sabihin mo sakin. susubukan kong gawan ng paraan. 

Silas:
hindi ako magkukunwari at sasabihing hindi ko na naiisip si alice. minsan, naaalala ko pa rin siya, lalo na pag may mga bagay na related sa kanya o sa pinagsamahan namin na nakikita ko. pero hanggang dun lang yun. masaya ako sa binubuo at sinisimulan natin ngayon. at puro tayo lang ang iniisip ko. 

Silas:
ang dami-dami kong gustong gawin para sayo at gustong gawin kasama mo para isipin pa siya.

Chacha ko:
Okay. Subukan ko ring maalala lang siya at hindi ma-threaten sa kanya o madiktahan ng presensya nya yung binubuo nating dalawa. 

Silas:
wag kang ma-threaten dun. may dos por dos ka. 

Chacha ko:
Gagi!!! Hahaha

Silas:
kakakape mo yata yan kaya kabado ka kay alice eh. hahaha

Chacha ko:
Pag ikaw, natanga uli, ah... 

Silas:
tanga naman na ko uli ah. sayo nga lang. 

Chacha ko:
Ihhhh

Silas:
hahahahah kyot mo, baby

Chacha ko:
Sige na! Kumain ka na dyan!!!!

Silas:
bat muna dumami exclamation points?

Chacha ko:
Hahaha. I love you. Uwi kayo agad. Punta ka sa rooftop. 

Silas:
tangina
pa-yummy ka yata ah
marupok ako, wag ganyan
mag-expect ako nyan hahaha

Chacha ko:
Hahahaha. Mag-expect ka! 

Silas:
teka
iwan ko lang si tita rito

Chacha ko:
Hahahaha. Message ka pag pauwi na kayo. Para hintayiin kita sa rooftop. 

Silas:
tita! uwi na tayo!
hahahaha

Chacha ko:
Mamaya!!!! 

Silas:
sige, baby. magmeryenda ka na dyan. wag muna kape para di ka masyado kabado. hahaha

Chacha ko:
Okay. Ingat kayo mamaya ~

Silas:
yes, baby. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon