Day 464.1

1.5K 127 9
                                    

Mon | 06:12 AM 

Chacha:
Hey... about last night... sorry kung naistorbo ka ng drunk call ko. 

Silas:
okay lang yun, cha. mas maraming beses kitang na-drunk call

Chacha:
Oo rin. Pero hindi ka naman nag-drunk call tungkol sakin. 

Silas:
gusto mo ba sa susunod sayo na? 

Chacha:
Inaasar mo ba ko??? 🙃

Silas:
hahaha hindi cha. alam mo namang takot ako sa dos por dos mo. haha

Chacha:
Basta sorry sa istorbo ng drunk call. Hindi ka dapat nag-stay ng ilang oras sa line. 

Silas:
hindi? pero sabi mo kagabi mag-stay ako

Chacha:
Kasi nga lasing ako

Silas:
ah
kaya dahil hindi ka lasing ngayon, iba na sinasabi mo? haha

Chacha:
Ughhhhhhhh

Silas:
hahaha joke lang

Chacha:
Nakakainis ka. Hindi ako  uminom kagabi dahil sayo, ha? Nag-inuman lang kami ni Tatay tapos napasobra ako.

Silas:
nag-inuman kayo ni mang ruben pero ikaw nalasing
pero hindi ka uminom dahil sakin
okay cha
haha

Chacha:
Ido-dos por dos kita. 🙃

Silas:
hahahaha hindi na
tumambay lang ako sa linya kasi unli call ka sabi mo
na-record ba yung phone call mo? 

Chacha:
Hindi kasi nakatulog ako at ilang oras nag-run. Nag-shut down phone ko at hindi na-save.

Silas:
ah kaya hindi mo na maalala mga sinabi mo kagabi? 

... 

Silas:
cha? 

Chacha:
Ugghhh. Hindi ako makapagsinungaling!

Silas:
ah naaalala mo

Chacha:
Oo. 

Chacha:
Pero nakakainis aminin.

Silas:
hahahaha
okay lang yun

Silas:
hindi kita pag-iisipan nang masama dun. lasing ka man o hindi. 

Chacha:
Ayoko lang isipin mong kawawa ako.

Silas:
hindi ka kawawa

Silas:
naalala mo rin yung sinabi ko? 

Chacha:
Alin dun? 

Silas:
na hindi kita ipinamigay. hindi ko gagawin yun dahil mali yun. ikaw lang ang magdedesisyon kung sino ang mamahalin mo at bibigyan mo ng tsansang mahalin. kaya hindi ka magiging kawawa, mag-drunk call ka man o hindi. 

Silas:
hindi rin liliit ang tingin ko sayo.
gold ka. haha

Chacha:
Gagi. 

Silas:
kaya wag mong kalimutan na nag-drunk call ka. kasi okay lang yun

Chacha:
Okay lang as in okay lang na gawin ko uli? 

Silas:
mas okay sana yung di ka maglalasing uli at iiyak uli. 

Chacha:
Ah oo nga pala. Umiyak nga pala ako. 

Silas:
oo, tapos dahil uli sakin. sana sa susunod hindi na

Chacha:
Ayaw mo kong umiyak sayo? 

Silas:
mas okay sana yung masaya ka

Chacha:
Seryoso ng usapan natin sa umaga. Haha

Silas:
wala pa kasi akong almusal. ikaw ba? 

Chacha:
Wala pa rin. Tinatamad kasi akong bumangon. Nakahiga pa nga ako.

Silas:
tindi mo ah. nakahiga ka pa at ang una mong ginawa ay mag-sorry sa drunk call. hahaha

Chacha:
Nakakahiya eh!

Silas:
okay lang yan, cha. mas marami akong ginawang nakakahiya sa harapan mo. 

Chacha:
Oo, kasi tanga ka. 

Silas:
hahaha oo, kasi tanga ako

Chacha:
Anyway, dapat na kong maghanda pagpasok. 

Silas:
ako rin
ingat cha

Chacha:
Ikaw rin. Happy ako na okay ka na. Sana tuloy-tuloy na ~

Silas:
sasabihan kita pag tuloy-tuloy na, cha.

Chacha:
Pramis yan ah.

Silas:
oo

Chacha:
Okay ~ 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon