Day 395.1

1.4K 148 18
                                    

Tue | 09:10 AM 

Perfect Chacha:
Just in case na nag-iisip kang maging tanga today, walang proposal na mangyayari mamaya. Nasa GC pa rin ako ng mga kinausap ni Luke para sa surprise proposal niya. At nagsabi raw kagabi si Alice na may sakit at hindi matutuloy sa lunch date nila today. Which means, walang proposal. 

Perfect Chacha:
Nag-reschedule sila sa weekend. 

Perfect Chacha:
Okay ka lang ba? 

Rare Silas Tanga:
di ko alam kung okay ako lutang ako o galit ako cha

Rare Silas Tanga:
pero parang pagod ako

Perfect Chacha:
I'm sorry, Silas.

Rare Silas Tanga:
lagi kang nagso-sorry, wala ka namang ginagawang masama

Perfect Chacha:
I'm just sorry for you. 

Rare Silas Tanga:
swerte ko sayo

Rare Silas Tanga:
kahit ilang libro maubos ko para ilibre ka at pasalamatan ka, hindi sapat

Rare Silas Tanga:
sorry cha

Rare Silas Tanga:
sorry

Perfect Chacha:
Magpahinga ka na lang. O gumawa ng kahit ano para hindi ka masyadong mag-isip. 

Perfect Chacha:
Totoo ang sinabi ko sayo sa reschedule, ha? Ginamit ko pati yung second pass ko. Kung talagang sorry ka, sumunod ka sa usapan.

Rare Silas Tanga:
oo cha
napapagod lang ako
matutulog na lang siguro ako

Perfect Chacha:
Okay. Do that. 

Perfect Chacha:
Don't make me worry. 

Rare Silas Tanga:
hindi cha
salamat

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon