(Phone conversation)
04:10 PM
Silas:
Hello, Cha?Chacha:
Tumatawag ka sa 'kin kanina?Silas:
(Pause) Ah, oo.Chacha:
Bakit? May nangyari?Silas:
Wala. Magte-thank you lang ako, 'tapos nati-trip-an kong subukang tsambahan signal diyan sa inyo. (Laughs a little)Chacha:
Ah. 'Kala ko kung ano. (Pause) Bakit ka magte-thank you dapat?Silas:
Dahil do'n sa padala mo na baby back ribs.(Silence)
Chacha:
Uh... I think you're mistaken. Hindi ako nagpadala ng pagkain sa 'yo.(Silence)
Silas:
Muntik na 'ko maniwala, Cha.(Pause)
Chacha:
(Laughs) Obvious ba'ng nanti-trip ako?Silas:
Oo.Chacha:
(Laughs) Totoo? Pa'no? Extra careful na nga ako sa tono ko. (Laughs)Silas:
Imposible lang na hindi ikaw eh ikaw lang naman nakakaalala na mahilig ako ro'n sa binubudbod na bawang sa pagkain.Chacha:
Ah, 'yon ba? (Laughs) Marami ba silang nilagay?Silas:
Oo. 'Kala ko nga puro bawang na lang 'yon. Binawasan yata nila rice para bawian 'yong gastos sa bawang. (Laughs)Chacha:
Na-enjoy mo naman pagkain?Silas:
Oo. Reward 'yon dahil hindi ako tanga kagabi, 'di ba?Chacha:
Oo. (Pause) Nagsisisi ka na ngayon na hindi ka tanga kagabi?Silas:
Hindi. Nag-aalala lang.Chacha:
Kasi?Silas:
Hindi nag-message kaibigan mo para magalit eh. Parang weird.(Silence)
Chacha:
Hayaan mo siya. Baka nag-iipon lang ng inis 'yon.Silas:
Hmm. Mas marami siguro akong ipong inis.Chacha:
Ewan ko sa inyong dalawa.Silas:
(Pause) Kailan pala uwi n'yo? Kailangan n'yo sundo sa airport? Hindi mo naman siguro sinabihan si Mateo na sunduin kayo, 'no?Chacha:
Uhm... bakit biglang nasali sa usapan si Mateo?Silas:
Kasi gusto ka niyang sunduin at pauwi na kayo.Chacha:
Actually, hindi pa.Silas:
Hindi pa?!Chacha:
Ouch!Silas:
Sorry. (Clears throat) Hindi pa? Bakit? May nangyari diyan?Chacha:
Nakiusap lang si tiya na mag-extend si Tatay. 'Tapos nagkataong gusto kong sagarin pasensya ni Hulyo, lalo na dahil naalala kong three years na 'kong walang mahabang off. Deserve ko magpasaway.Silas:
(Chuckles) Suportahan ko 'yan.Chacha:
'Ayun. Sabi ko kay Tatay, puwede namang mag-extend pa kami ng mga one week. Natuwa naman. Saka alam mo, hindi siya umiinom masyado rito. Ayaw siguro pasaway sa kapatid niya kasi nga may sakit si Tiya. Bait ni Tatay rito. (Laughs a little) Minsan, nakita ko siyang lumulunok sa harap ng ref no'ng nakitang may beer sa loob. Dala 'yon no'ng pinsan ko. 'Kala ko, kukuha si Tatay kasi tagal na niyang hindi umiinom saka sabi naman nina Tiya, kung ano'ng nasa ref dito sa baba, para sa lahat...Silas:
Hindi siya kumuha?Chacha:
Hindi. Natuwa ako. Nagpigil talaga siya.Silas:
Naks. Kailangan pa pala munang magpunta diyan para magpigil nang matindi si Mang Ruben.Chacha:
Kaya nga, eh. (Laughs softly) Pero dahil na rin siguro sa walang bakas ni Nanay rito. Diyan kasi sa Roseville, puro bakas ni Nanay. Pangalan pa lang ng lugar, naaalala na niya.Silas:
(Exhales breath) Oo rin.Chacha:
Anyway, dahil nakiusap si Tiya, next week pa kami uuwi. Monday o Tuesday siguro.Silas:
Ah. At nakasagot ka ng phone ngayon dahil... umakyat ka uli sa rooftop?Chacha:
Hindi. Nasa bayan ako. Nag-ikot-ikot kanina.Silas:
May kasama ka?Chacha:
Wala, pero susunod raw pinsan ko rito maya-maya. May gustong kainan na restaurant. Para daw matikman ko pagkain.Silas:
Enjoy ka ba diyan, Cha? Nakakapahinga ka at hindi minumulto ni Hulyo?Chacha:
Enjoy naman. Nakatulong din 'yong walang masyadong signal para hindi ako matuksong mag-check nang mag-check ng email at iba pang socmed. Minsan kasi, naiisip kong magtrabaho, kung hindi lang hassle.Silas:
'Wag ka munang magtrabaho. Kailangan mong magpahinga. Galitin mo muna si Hulyo.Chacha:
Hay. 'Yan na nga lang motivation ko eh.(Both laughs)
Chacha:
Nandito na iced coffee ko, Silas. Baba ko muna.Silas:
Sige, sige. Enjoy ka diyan, Cha. See you next week.Chacha:
Yep. Sabihan kita 'pag pauwi na 'ko. Bye, Silas.Silas:
Bye, Boss Ma'am. Enjoy diyan.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...