Wed | 12:17 AM
Silas:
ma, katatapos ko lang edit sa opisina at hinatid ko chacha natin sa kanila
pero dito na rin muna ako matulog
lasing siya, baka may kailanganin kung biglang magising
uwi na lang po ako bukas diyan bahay bago balik opisina
subukan ko agahanSilas:
good night, ma.
wag ka mag alala, tulog na to
di ko sasamantalahin hahahaha05:43 AM
Mama Cynthia:
Kumusta, anak? Natutulog pa kayo? Mabuti yan para makabawi kayo ng pahinga.
Dito na kayo mag-almusal ni Chacha. Nagluluto ako ng pagkain natin.
Mag-message ka agad pagkagising nyo.Mama Cynthia:
Dito na kayo mag-almusal, ha? Sama-sama tayo nina Lily.
Ingat kayo papunta rito. Love you.07:31 AM
Silas:
good morning, ma
kagigising lang po naminSilas:
medyo nahihiya chacha natin kung dyan kami mag-almusal
pero wag kang mag-alala dahil pinilit ko na hahahaha
mga 8:30 dyan na kami, ma
papaalam lang siguro to kay hulyo na ma late sya sa opisinaMama Cynthia:
Good morning. Buti at gising na kayo.
Sabihin mo kay Chacha natin ay wag matakot kay Hulyo.
Ako na ang magme-message kay Hulyo na male-late si Chacha natin ngayon.
Magpapadala na lang ako ng pang-snacks ng mag-iina niya.
Ikaw ang magdala mamaya paghatid mo kay Chacha sa opisina.Silas:
naks
planado
magaling
baka mama ko yan hahahahaMama Cynthia:
Sipsip ka. Haha.
Sige na, maghanda na kayo patawid dito.Silas:
opo ma
may sinangag ba sa almusal?Mama Cynthia:
Oo, nagsangag ako. Saka nagprito ako ng danggit na padala pa sa Zamboanga.Silas:
pauwi na diyan ma
hahahahaMama Cynthia:
Ingat kayo.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...