Sun | 07:39 AM
Vernon:
hoy san ka?Silas:
bakit?Vernon:
kita ka raw ni Putot sa bilihan ng pansit ah.
dalhin mo na agad dito
gugutom na koSilas:
bat ko naman dadalhin dyan eh wala naman dyan si chacha
hahahahahaVernon:
aga-aga mo bumili tas para kay chacha?Silas:
oo kasi kung para sa inyo, di naman ako bibili
hahahahaVernon:
ampVernon:
seryoso nga? kay chacha yan? ang aga pa ahSilas:
pang-almusal to
makikialmusal ako run sa kanilaVernon:
ah dun pala almusal
punta na lang din ako run
👍Silas:
gago ka bat ka pupunta at makikialmusal dun?Vernon:
dahil pinsan mo ko at dahil dun mo dadalhin ang almusal
😂😂😂Silas:
almusal namin to ni chachaVernon:
almusal ko na rin
gusto ko pansitSilas:
carbonara toVernon:
gusto ko carbonaraSilas:
ampota ka vernon
hampaslupa ampVernon:
damot mo naman
parang di ako nagsasalo ng editing mo pag tanga ka ahSilas:
gago ka kasi
bat ka pupunta kina chacha?
galawang patay-gutom ampVernon:
hahahaha eh sa gutom ako ehSilas:
paluto ka kay liamVernon:
pano papaluto eh nasa montecristo na yunSilas:
paluto ka kay putot
laki mata nya, gamit-gamit din kamayVernon:
pano papaluto eh aga nang nasa chismisan
kaya nga nalaman kong nasa pansitan ka ehSilas:
kay rohanVernon:
tulog pa si tangaVernon:
si magnus tulog pa rinVernon:
papunta na ko kina chacha
sabihin mo plus one sa kapeSilas:
bwakanang shit kaVernon:
manlilibre ka lang naman ng kaibigan di ba
manlibre ka na lang ng pinsanVernon:
maliban kung dadalhin mo yan kay chacha dahil kursunada mo syaVernon:
kursunada mo ba?Silas:
ampota ka
alam mong kaibigan ko yun
kung ano-ano nilalagay nyo ng banal sa utak koVernon:
nilalagay ba namin o dati nang nandyan? hahahahaSilas:
potaena ka
kung pupunta ka rito pumunta ka na
para maupakan kitaVernon:
hahahaha basta pakakainin mo muna ako carbonara bago mo ko upakan
pasakay na ko tricycleSilas:
ampota si gagoVernon:
sabi putot may tinapay ka ring dala
tirhan mo rin ako hahahahaSilas:
oo tapos uupakan talaga kitaVernon:
gegege 😂👍
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...