Day 604

1.4K 127 9
                                    

(Phone conversation)

08:16 AM 

Silas:
Cha? Nasa work ka na? 

Chacha:
H-Hello... Uh, yes. (Muffled sound) Sorry, wait. Balik lang ako sa conference room para medyo may privacy. (Footsteps) (Heavy door closing) Hello. Uh, good morning. 

Silas:
Good morning... Anong oras ka nagpunta sa opisina? Paggising ko wala ka na.

Chacha:
Uh... medyo maaga.

Silas:
(Light tone) Before six, gising na 'ko, Cha.

Chacha:
Ah. Eh, kasi... hindi naman ako rito sa office dumeretso. Nagpunta pa muna ako sa bahay... 

Silas:
Naisip ko nga rin kasi wala na rito sa bahay 'yong bag at maleta mo. Nag-tricycle ka lang? 

Chacha:
Uh... oo.

Silas:
Ba't hindi mo 'ko ginising o hinintay magising? Hindi ka naman mukhang excited pumasok sa trabaho kahapon. 

Chacha:
Uh...

Silas:
Saka hindi mo sinasagot ang tawag ko mula kanina...

Chacha:
Uh... Sorry. B-Busy lang...

Silas:
(Clears throat) Ah, busy. Akala ko, nahihiya ka kasi sa kagabi. 

(Silence)

Chacha:
(Whines) Nakakainis ka... 

Silas:
(Chuckles) Nahihiya ka, 'no? Galing ng Chacha ko, nakakaalala agad paggising. 'Kala ko, lasing na lasing ka na kagabi. (Chuckles)

Chacha:
Oo, lasing na 'ko no'ng dinala mo 'ko sa kuwarto para magpahinga pero hindi 'yong black-out type. Alam ko pa mga nangyari. Naaalala ko. 

Silas:
Kung naalala mo, ano'ng problema? Wala namang nakakahiya ro'n, ah. Cute ka naman kagabi. 

Chacha:
(Mutters) Cute... 

Silas:
Saka wala pa naman tayong ibang ginawa. Gentleman ko nga eh. (Chuckles)

Chacha:
Nag-demand akong magpabuhat! 

Silas:
Oo nga. Dahil tinatamad kang maglakad at gusto mong magpabuhat.

Chacha:
(Whine) 'Wag mo nang ipaalala!

Silas:
(Chuckles) Cute mo. Willing naman akong nagbuhat ah. 

Chacha:
Oo nga. Alam ko nga... Pero nag-demand ako ng iba pa. 

Silas:
Yakap at halik lang naman 'yon. Ayaw mo ba sanang mag-demand?

Chacha:
Ayoko lang... na mukhang demanding. 

Silas:
Gusto ko naman 'yong mga gano'ng demand. 'Di mo ba alam? FYI, Boss Ma'am, willing ako sa mga gano'ng demand. Nahihiya ka dahil do'n? 

(Silence)

Chacha:
Nakakahiya lang... na demanding ako 'pag lasing. 

Silas:
Gusto ko nga 'yong demanding ka nang gano'n, eh. 

Chacha:
Gagi. Bakit?

Silas:
Mapagbigay ako, eh. (Chuckles) Umalis ka nang hindi ko alam dahil nahihiya ka dahil do'n? Gusto pa naman sana kitang kasabay mag-almusal 'tapos ihahatid sana kita sa opisina n'yo.

Chacha:
Sorry, hindi ko naisip. 

Silas:
Hindi mo naisip na ihahatid kita? 

Chacha:
Uh... oo. 

Silas:
Perk 'yon ng pagiging boyfriend, Cha. Nakalimutan mo bang boyfriend mo na 'ko? Awit 'yan, ah. (Laughs)

Chacha:
(Giggles) Hindi naman... masyado. 'Kala ko lang, ano, hindi naman kailangan? Ang lapit lang naman kasi sa Roseville nitong opisina. 

Silas:
Peyn. Ibig sabihin nakalimutan mo nga, hindi lang masyado. (Laughs) 'Wag mong kalimutan, baby. Lagay mo sa notes: Boyfriend ko si Silas. (Laughs) Saka kahit maging sa kapitbahay lang 'yang opisina n'yo, ihahatid pa rin sana kita. Gusto kong lumalandi sa umaga, Cha. Magandang exercise 'yon. 

Chacha:
(Giggles) Gagi. Clingy ka ba? 

Silas:
Oo. FYI uli, Boss Ma'am. (Laughs)

Chacha:
(Clears throat) Nag-breakfast ka na? 

Silas:
Oo, kani-kanina. Magkasabay kami ni Mama. Hinahanap ka nga rin. 'Tapos hinampas din ako dahil nakita pala tayo kaninang madaling-araw na magkayakap sa kuwarto. 'Kala yata, may ginawa na 'ko sa 'yo. Sabi ko, wala pa naman. 

(Silence)

Silas:
Cha? 

Chacha:
Hinampas ka siguro uli ni Tita dahil puro ka 'pa.'

Silas:
(Laughs) Ah... oo nga, 'no? (Laughs) 

Chacha:
(Laughs) Nasa'n ka nga ngayon? Nasa office ka na ninyo? 

Silas:
Oo. Si Rohan na pangit ka-bonding, isinalang agad ako sa editing. (Laughs) Pero okay lang din kasi sabi ni Hulyo, medyo busy ka rin. Pero sabay tayo mag-lunch mamaya. Sa'n tayo magla-lunch? 

Chacha:
Uh... medyo busy kaya baka puwedeng tumawid ka na lang dito sa office? Pa-deliver na lang tayo? Or dala ka no'ng cake natin at 'yong pagkain pa sa bahay n'yo. Ang dami pang pagkain do'n. 

Silas:
Ah, oo. Nag-remind nga rin si Mama kanina. 'Yong iba, pinadala na sa Montesanto at pinabaon din dito sa opisina. (Laughs) Sipag kasi maghanda eh. 

Chacha:
Kaya nga. (Laughs softly) Hanggang kailan bago natin mauubos lahat ng lechon manok at lechon baboy...

Silas:
Hanggang ma-highblood siguro tayo. 

Chacha:
(Laughs softly) Malamang nga. 

Silas:
Sarap ng tawa mo, baby. Gusto kitang makita. Silip ako diyan maya-maya pagkatapos ko nitong isang sequence. 

Chacha:
Sisilip ka pa? Dadatnan mo 'kong nagtatrabaho! 

Silas:
Oo nga. Magnanakaw lang sana ng halik, boss ma'am. Baka naman. (Laughs) Sayang naman na magkalapit opisina natin.

Chacha:
Gagi ka... 

Silas:
Halik lang, eh. Silip lang, eh. 

Chacha:
Okay. Pero mabilis lang. 

Silas:
Oo. Mabilis lang, baby. Titingnan lang kita at didikitan sandali. 

Chacha:
(Giggles) Okay. 'Wag mo 'kong masyadong pasayahin, kasi hindi pa 'ko sanay. At hindi pa rin yata sanay mga tao rito na masaya ako. 

Silas:
Paki ko sa kanila. Bahala sila mag-adjust. (Laughs)

Chacha:
Gagi ka. (Giggles) Sige na. Mamaya na lang. We have to work. 

Silas:
Sige, boss ma'am. I love you. 

Chacha:
(Whispers) I love you... 

Call ended. 


Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon