Day 604.7

1.6K 118 4
                                    

(Phone conversation)

08:02 PM

Silas:
Hello? Pretty? 

Pretty:
Hello, lods. (Clears throat) Ano--

Silas:
Bukas pa ba salon n'yo? Nandiyan pa ba si Chacha? 

Pretty:
Actually... mag-message pa lang sana ako sa 'yo. (Clears throat) Naku, manok ko, I'm so sorry! Kanina pa umalis si Chacha rito, pero hindi ko alam kung saan ba dederetso yun. Ano kasi... (Sighs) 

Silas:
Umalis na diyan? Sa bahay nila siya dapat dederetso. Naghihintay ako ng message pero walang message eh. Di ko rin matawagan. May nangyari ba? 

Pretty:
Masama! Sorry na talaga, lods. (Whiney) Hu-hu. Kasi naman... itong mga intrimitidang bading, nag-joke ng pangit. Pagdating kasi rito ni Chacha, hinanap ka ng mga bading. Bakit daw di mo hinatid si Cha natin. Sinabi naman ni Cha na pauwi ka pa lang galing work. Eh itong mga bading, nag-comment na magkapitbahay lang opisina nyo at opisina nina Hulyo pero hindi pa rin kayo sabay umuwi. Baka friends lang daw kayo at hindi jowa. Hu-hu. Joke lang naman 'yon pero bad joke, alam ko. Nakita ko mukha ng Chacha natin. Na-hurt eh. Pinagalitan ko naman mga bading, kaso wala na, too late na. Sorry, lods. Hu-hu. 

Silas:
Nagalit ba Chacha? 

Pretty:
Hindi kumibo eh, pero kita ko sa feslak ang peyn. Na-offend yata do'n sa sinabi ng mga bading na friends lang kayo at mukha kayong platonic pa rin hanggang ngayon. Eh alam mo naman... tagal n'yong magkaibigan ni Cha at kahit tinutukso namin kayo paminsan-minsan dati, mukha talaga kayong barkada... tropa, gano'n. Alam ko, nag-a-adjust pa si Chacha natin... pero 'ayun, maling biro pa rin ang mga bading. Hu-hu. Sorry na. Nakainom na rin kasi si Darna rito eh. Sorry na talaga, Silas... 

Silas:
(Sighs) 'Wag nang uulit ng gano'n sa susunod, ah. Hindi pa sanay si Chacha na may relasyon kami. Lalong hindi pa siya sanay na alam n'yo at puwede n'yo kaming makita sa mga lakad namin o mga ginagawa namin. Kahit na baka mukhang okay siya 'pag nagbiro kayo, 'wag na lang uulit. 'Di naman kayo mado-dos-por-dos no'n dahil lang sa biro. 

Pretty:
Kaya nga eh. Hu-hu. Sorry na talaga... Ano ba gagawin ko? 

Silas:
Wala, Pretty. Ako na bahala sa baby ko. Salamat sa pagsasabi sa 'kin. Puntahan ko siya sa bahay nila. Baka nando'n na. 

Pretty:
Sabihan mo 'ko 'pag nakita mo na, ah. Sabihin mo, sorry ha? Ako na bahalang sumampal dito sa mga bading. (Sighs)

Silas:
Sige, Pretty. Pakilaksan. (Laughs)

Pretty:
Gagi, lalaksan ko talaga! Mga bading na 'to! 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon