Day 378

1.3K 142 61
                                    

(Phone conversation)

02:22 AM 

Chacha:
(Thick voice) Hello? Natutulog ka na ba? Naistorbo kita? 

Silas:
Hindi. Pagod na 'ko, masakit mata ko, at gusto ko nang matulog pero gising na gising utak ko. (Sighs) Minsan ganito 'ko, eh. Kahit antok na antok na dapat ako, hindi nakikisama utak ko. 

Chacha:
Yeah, ganyan din ako minsan. 

(Silence)

Silas:
Ba't napatawag ka, Cha? Patulog ka na? Hindi ka rin makatulog? 

Chacha:
Siguro dahil nakatulog ako kanina sa bus no'ng pauwi tayo, kaya hindi naman ako makatulog ngayon kahit dapat inaantok pa 'ko. Kanina pa 'ko nakahiga, walang result. 

Silas:
Sinubukan mo manood ng K-drama? 

Chacha:
Magsisimula na naman ako 'tapos hindi ko na naman matatapos. Nag-try ako magbasa kaso wala ako sa mood. 

Silas:
Ano ba'ng binabasa mo? Baka nakaka-highblood. (Chuckles)

Chacha:
Naku, tinry ko na lahat. Nagbasa ako ng horror, ng romance, ng fantasy... Hindi naman makuha interes ko. 

Silas:
Ah. Mas nasa mood ka makipagdaldalan sa 'kin? 

Chacha:
Medyo. (Laughs softly) Tinulugan kita kanina. Nakatulog ka man lang ba o sinubukan mong sabayan 'yong mga kanta sa bus? 

Silas:
Sinubukan ko sana kaso sama ng tingin no'ng bata na nasa unahang upuan natin, eh. Tumayo pa talaga sa upuan nila para silipin tayo. Hina-hina na nga ng boses ko. 

Chacha:
Gagi ka! Kawawa naman 'yong bata! (Laughs)

Silas:
Hoy, Cha! 

(Both laughs)

Chacha:
Pero seryoso, kumanta ka nga? (Laughs) 'Buti hindi ako nagising habang kumakanta ka, kasi iinit ulo ko. (Laughs)

Silas:
Iba yata gusto mong pampatulog ah. Mang-trashtalk yata trip mo ngayong madaling-araw. (Laughs)

Chacha:
Pero kumanta ka nga?

Silas:
Kaunti. 'Tapos tumigil, kasi nga 'yong bata sa unahan. (Laughs)

(Both laughs) 

Silas:
Lakas ng trip mo, Cha, ah. Sarap nga ng tulog mo kanina. Nahele ka ng boses ko. 

Chacha:
Boses mo o hininga mo lang? (Laughs) Humihinga ka lang naman 'pag kumakanta.

Silas:
Kaya nga, eh. Pa'no kaya narinig no'ng bata 'yon kanina? Lakas tainga niya, ah. 

(Both laughs)

Chacha:
Kaya siguro sarap ng tulog ko kanina. Alam kong hindi ako dapat magising dahil magagalit ako sa 'yo. 

Silas:
(Laughs) Sarap lang ng sandal mo kasi sa 'kin. 

Chacha:
(Clears throat) Oo, salamat sa balikat.

Silas:
Balikat lang ba 'yon? Sumandal ka sa buong braso ko, nangalay ako. 

Chacha:
Ba't 'di mo 'ko ginising? 

Silas:
Pagod ka, eh. Maghapon ka lakad nang lakad at ikot nang ikot dahil tanga si Hulyo. Deserve mo naman maging dahilan ng ngalay. 

Chacha:
Hmm. Thank you. Kung balak mong palibre bilang pasasalamat ko, 'wag ka munang humirit. 'Di natin alam kung may trabaho pa 'ko mamaya. 

(Silence)

Silas:
Nilayasan mo si Hulyo nang iniisip 'yan? 

Chacha:
Hinila mo 'ko, eh. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon