Day 369.1

1.2K 104 15
                                    

(Text messages sa secondary number ni Alice)

Silas:
hi, love. kauuwi ko pa lang sa bahay.
kumain kami lomi ni vernon kina aling linda.
nagsuka pa ko. tanga eh. hahahaha

Silas:
tulog ka na ba? marami ka bang ginawa ngayong araw?

Silas:
miss kita.

Silas:
kala ko dati, pag naka-graduate tayo
mas madali nang magpa-legal sa inyo.
yun yung gusto natin, di ba?
yung hindi mo na kailangang tumakas
o magdahilan kapag magkikita tayo.
yung hindi ka na makikipag-away sa inyo
para lang makita ako.
yung hindi mo kailangang ma-grounded.

Silas:
sorry uli kung tumawag ako sa mama mo.
praning lang ako nun. lalo pa tuloy akong na-bad shot.

Silas:
maganda na lagay ng business namin ngayon nina ro. 
nung huling meeting, pinag-uusapan na naming lumipat
sa mas malaking opisina para dun na rin nakikipag-meeting
sa clients kaysa lagi sa labas.

Silas:
by next year, may sarili na kaming gamit sa pagso-shoot.

Silas:
si mama nga pala, uuwi sa december. ang saya siguro kung 
okay na lahat nun, di ba? yung pwede nang magkaharap 
mga pamilya natin. 

Silas:
baka sa december na rin ako bumili uli ng bagong kotse. nag-iipon lang ako.

Silas:
sorry, love. alam kong mas mataas expectation mo para sakin. 
pero may mga plano at pangarap ako para satin. sana mahintay mo pa ko.

Silas:
dami ko na yatang sinabi. good night, love.

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon