Day 624

1K 96 11
                                    

(Phone conversation)

07:08 AM 

Mang Ruben:
Hello, Silas. Gising na ba si Chacha? 

Silas:
Hello, Mang Ruben. Gising na po. 

Mang Ruben:
Anong balak niyang isang 'yan ngayong araw? Pakausap nga ako.

Silas:
Sandali po. (Away from phone: Baby, hanap ka ni Mang Ruben.)

(Muffled sounds)

Chacha on Silas' phone:
Hello, Tay... (Clears throat) Nakatulog ka nang maayos? Hinanap mo 'ko kagabi? 

(Silence)

Chacha:
Wala naman kaming shoot or meeting ngayon kasi Sunday, kaya uwi na ako diyan. Pero bibili na lang ako ng almusal natin para 'di na kailangang magluto. (Swallows) Tay? 

Mang Ruben:
Naririnig ba ako diyan? Baka naka-loudspeaker ako. 

Chacha:
Hindi naman po. Bakit, 'Tay? 

Mang Ruben:
(Sighs) Nagkaayos na ba kayo ni Silas? Pinahirapan mo yata 'yan kagabi. 

Chacha:
Hindi ko pinahirapan, 'Tay! Ano... H-Hindi naman... yata...?

Mang Ruben:
Eh nagsusumbong kagabi sa 'kin, 'di ba? Nakikipag-break ka raw. Seryoso ba 'yon? Itinuloy mo ang pakikipaghiwalay? 

Chacha:
H-Hindi po, 'Tay. Ayaw niya, eh. 

Mang Ruben:
Pero gusto mo? 

Chacha:
H-Hindi po... Akala ko lang... 'yon ang gusto niya. 

Mang Ruben:
Ba't ka magdedesisyon para sa kanya? Hindi mo muna tinanong? 

Chacha:
H-Hindi po...

Mang Ruben:
Naku, ewan ko sa 'yo. No'ng nanliligaw si Mateo at sinabi ko sa 'yong sagutin mo, ayaw mo dahil sabi mo wala kang nararamdaman. Sabi mo, hanggang kaibigan mo lang kayang ituring 'yong tao kahit boto ako ro'n. Pinabayaan naman kita dahil malaki ka na. No'ng nagsabi si Silas sa 'kin na manliligaw, inoobserbahan kita, patay na patay ka diyan sa anak ni Cynthia. Sinagot mo pa nga agad.

Chacha:
Eh, 'Tay-- 

Mang Ruben:
'Tapos ngayon, hindi pa kayo nakakaisang buwan, hinahamon mo na ng break-break? Sige ang hanap niyan sa 'yo kahapon, pinagtaguan mo. Pati ako, hindi mo sinasagot ang tawag ko. 

Chacha:
(Swallows) S-Sorry na, 'Tay...

Mang Ruben:
Mahal mo ba talaga 'yan? 

Chacha:
O-Opo.

Mang Ruben: 
Kung mahal mo, kahit bumalik ang ex, ex naman 'yon. Kung ikaw ang mahal, panghawakan mo 'yon at hingiin mo siyang panindigan ang sinabi niyang pagmamahal niya sa 'yo. Hindi 'yong mauuna ka pang makipaghiwalay dahil tingin mo 'yon ang gusto ng tao. Pa'no mo masisiguro na 'yon nga ang gusto kung hindi ka pa naman pala nakipag-usap? 

Chacha:
Sorry na nga, 'Tay...

Mang Ruben:
Ang relasyon, hindi 'yan bagay na pwedeng try-try lang ninyong mga bata pa. At ang pagmamahal, hindi 'yan bagay lang na ipapangako mo 'tapos babawiin mo kung kailan mo gusto. Mukhang sumbungero pa naman 'yan. Sa 'kin pa nagsusumbong eh. Malakas ang loob. 

Chacha:
(Laughs awkwardly) Oo nga po.

Mang Ruben:
Tawa-tawa ka diyan, mukhang masaya ka pa. 

Chacha:
(Giggles) Ano'ng gusto mong almusal, 'Tay? 

Mang Ruben:
Naku, dadaanin mo ako sa pagkain. Umuwi ka na rito. Pinagalitan na kita ngayon para hindi na mamaya dahil baka kasama mo 'yang pumunta rito. Ayokong madinig niya at baka lalong lumakas ang loob. 

Chacha:
Boto ka na ba, 'Tay? 

Mang Ruben:
Pumunta na kayo rito. Ang aga-aga, hindi pa ako nagkakape. 

Chacha:
(Giggles) Sige, 'Tay. (Silas: Mang Ruben, kasama ako ah.)

Mang Ruben:
Alam kong sasama 'yan. Bubuntutan ka yata niyan. 

Chacha:
(Away from phone: Bubuntutan mo raw ba 'ko?)

Silas:
(Away from phone: Opo, Mang Ruben. Baka makipag-break uli eh.)

Mang Ruben:
Ewan ko sa inyo. Umuwi na kayo rito!

Chacha:
Sige po, 'Tay. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon