Day 376.2

1.4K 143 9
                                    

Thu | 09:34 PM 

Perfect Chacha:
Hey! San ka? 

Rare Silas Tanga:
sa editing pa
bakit cha? 
may kailangan ka? 

Perfect Chacha:
Matagal ka pa diyan?
Kailangan mong magpahinga!
Maaga tayo bukas!

Rare Silas Tanga:
patapos na rin to. mga 11 tapos na
may kailangan ka nga? 

Perfect Chacha:
Wala naman. Ire-remind lang kita sa call time mamaya.
3 AM tayo magkikita-kita sa office. Nandun ang service. 

Rare Silas Tanga:
ilang sasakyan bukas? 

Perfect Chacha:
Isang sasakyan kina Hulyo. Isa para satin at sa iba pang freelancers.
Tapos yung equipment van na rented kina Gloriosa. 

Rare Silas Tanga:
hindi na kayo kina Miko nagrenta? 

Perfect Chacha:
Hindi avail yung kanila. Saka mas maganda na yung kina Glory.
Nag-upgrade sila ng vans at equipments. Hindi pa kayo naka-rent dun?

Rare Silas Tanga:
hindi pa. wala pa naman kaming sobrang laki project uli. 

Perfect Chacha:
Try nyo yung kina Glory next time. Ako nag-inspect ng upgraded nila saka ng van. 

Rare Silas Tanga:
sige sige

Perfect Chacha:
Nag-dinner ka na? 

Rare Silas Tanga:
hindi pa
busog pa ko sa pinadala mong burger, boss mam haha

Perfect Chacha:
Kanina pa yun ah! 

Rare Silas Tanga:
eh ang laki ng burger eh. dami pang fries.

Perfect Chacha:
Kumain ka bago umuwi. 

Rare Silas Tanga:
oo, cha. salamats

Perfect Chacha:
At habang naaalala ko pa, sabihan mo ko pag need mag-general cleaning sa bahay nyo. 
Ang tagal na mula nung huli. Baka kulob na kulob na gamit ni Tita. 

Rare Silas Tanga:
ah sige. pero naglinis kami nina vernon at liam last month. hindi nga lang hanggang bodega.
sabihan kita pag nakausap ko na si tiya saka si nanay luz. 

Perfect Chacha:
Okay, sige ~

Rare Silas Tanga:
tulog na cha. maaga pa bukas.
wag mo kong isipin dahil uuwi rin ako agad pagkatapos ko rito. 

Perfect Chacha:
Wag kang male-late! Ayokong makipag-away kay Hulyo nang sobrang aga sa umaga. Tapos aawayin din kita! 

Rare Silas Tanga:
hindi. pagdating mo sa office nyo, nandun na ko. 
dala ka biskwit, cha. dadala ako kape. 

Perfect Chacha:
Sige, sige. 

Rare Silas Tanga:
tulog na, bossmam
good night, horatia

Perfect Chacha:
Good night! 


Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon