Day 407

1.4K 134 19
                                    

(Phone conversation)

12:37 AM 

Mama Cynthia:
Hello, anak? (Pause) Ano'ng oras na diyan sa Pilipinas? Bakit napatawag ka? 

Silas:
Wala lang, Ma. Baka lang miss mo 'ko. 

(Silence)

Mama Cynthia:
Miss mo 'ko? I miss you, too. Uuwi ako sa December diyan. Gusto mo bang mas maaga akong umuwi? 

Silas:
Hindi naman, Ma. 

(Long silence)

Mama Cynthia:
May problema ka, anak? Ano 'yon? Nag-away kayo ni Alice? 

(Silence)

Silas:
(Clears throat) (Swallows) Ano... Ma. Wala na po kami. 

(Silence)

Mama Cynthia:
A-Ano? Pa'nong wala na? Nag-away kayo? Nakipaghiwalay sa 'yo? 

Silas:
Na--Nakipaghiwalay siya, Ma. Ayos naman... paghihiwalay namin. Gusto ko lang sabihin sa 'yo para alam mo. 

Mama Cynthia:
(Sighs) Sorry, anak. Wala man lang ako diyan... 

Silas:
Okay lang, Ma. Malayo naman sa bituka. 

(Long silence)

Mama Cynthia:
Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba? 

Silas:
Kumakain na po. 'Wag ka nang mag-alala. (Pause) Lumabas na rin ako kahapon. Tumingin ng kotseng bibilhin. 

Mama Cynthia:
Bibili ka ng kotse? 

Silas:
Opo, Ma. Malaki naman na ipon ko para sa kotse.

Mama Cynthia:
Eh 'di ba 'yong mahal na kotse ang gusto mo. 

Silas:
Hindi na po. Puwede naman kahit simple lang bilhin ko. Pero baka four-wheel po, para 'pag bundok pupuntahan namin nina Liam sa trabaho, pwedeng 'yon na lang. 

Mama Cynthia:
Mainam nga 'yon. 

Silas:
Hindi rin ako nakapagtrabaho... (Clears throat) no'ng mga nakaraan, Ma. Pero papasok na 'ko sa trabaho. Hindi na 'ko magmumukmok. Matutulog na rin ako nang maayos. 

Mama Cynthia:
Pa'nong matutulog nang maayos eh ngayon nga ay kausap pa kita. Hatinggabi na diyan. 

Silas:
Huli na po 'to. Sa susunod, magpupuyat na lang ako sa editing. 

(Silence)

Mama Cynthia:
Silas... ayos ka lang ba talaga? (Swallows) Ayokong hindi kayo nagsasabi nang totoo sa 'kin dahil lang nasa malayo ako. 

(Silence)

Silas:
Uuwi ka naman dito, Ma... Anuman ang 'di ko pa masabi, sasabihin ko sa 'yo 'pag nandito ka na. 

Mama Cynthia:
I'm so sorry sa paghihiwalay ninyo, anak. Alam kong... mahal na mahal mo siya. (Swallows) Pero... kung talagang hindi kayo para sa isa't isa, tanggapin mo kahit mahirap. Gano'n ang buhay minsan. Kahit paglaanan mo ng buong buhay mo ang isang bagay o ang isang tao, kapag hindi sa 'yo ay hindi lalaging sa 'yo. Hindi man ngayon, kalaunan, makikita mo kung bakit kailangang mangyari ang mga nangyari. At kapag... kapag masakit at kailangan mong magsumbong, magsumbong ka sa 'kin. Nanay mo ako. Kahit matagal na akong nasa malayo, hindi magbabago 'yon. Mag-alala ako, pero gano'n ang magulang. Lagi akong mag-alala dahil magulang mo ako, dahil malayo ako, at dahil mahal kita. Higit sa lahat, dahil mahal na mahal kita. 

Silas:
(Grits teeth) Sorry din... Ma. (Swallows) 

Mama Cynthia:
Mahal kita, anak. Sabihin mo lang sa 'kin kung kailangan mong umuwi ako agad. Uuwi ako agad. 

(Silence)

Silas:
Okay lang kahit tawagan na lang kita, Ma. 'Wag mong madaliin pag-uwi. Ang laki-laki ko na. 

Mama Cynthia:
Malaki ka na nga pero siguradong iyakin ka pa rin!

Silas:
Oo nga. (Swallows) Sorry, Ma. Pero 'wag kang umuwi. Iyakin lang ako ngayon pero marami namang damit dito pamunas ng sipon. (Laughs drily) Puwede ko ring bugbugin sina Vernon o Liam. Si Rohan, tinulak ko sa pool no'ng nakaraan. 

Mama Cynthia:
Bakit mo itinulak sa pool?!

Silas:
(Laughs briefly) Trashtalker eh. 

Mama Cynthia:
(Sighs) Hay, anak. Kaya na 'yan sa iyak, inom at pakikipagtulakan kina Rohan at Liam? 

Silas:
Kaya 'to, Ma. Saka... may Chacha naman dito. Hahampasin ako no'n dos por dos 'pag nagpakamatay ako. 

Mama Cynthia:
Napakabait niyan ni Chacha. 

Silas:
Kaya 'wag ka nang mag-alala, Ma. Nagsabi lang ako sa 'yo para alam mo'ng nangyayari. 

Mama Cynthia:
Sige. Matulog ka na pagbaba nito, ha? 

Silas:
Opo, Ma. Good night na.

Mama Cynthia:
Good night, anak. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon