Day 407.4

1.7K 151 57
                                    

(Phone conversation)

01:13 PM 

Chacha:
Hello uli...

Silas:
Hi uli. 

Chacha:
Uh... Sorry kung basta lang ako dumating kanina at basta lang ding umalis. 

Silas:
Okay lang 'yon.

Chacha:
At sorry kung... bigla akong nag-confess, kahit siguradong marami kang iniisip at marami kang ibang nararamdaman. 

Silas:
(Sighs) Hindi mo kailangang mag-sorry do'n... o sa kahit na anong nangyari kanina. Maliban na lang kung ayaw mo palang sabihin sa 'kin 'yong nararamdaman mo para sa 'kin o kung nanghihinayang ka ro'n sa first kiss mo. 

Chacha:
Hindi, ah! Okay lang sa 'kin na umamin ako kanina... kaysa naman kay Alice mo marinig. Buti nang sa 'kin galing. 

Silas:
Wala akong maririnig kay Alice dahil naka-block na siya sa 'kin. Blacklisted na rin mga numbers niya at numbers ng pamilya niya na alam ko. 

Chacha:
Oh... (Pause) Hindi mo nabanggit kanina. 

Silas:
Hindi naman kasi importante.

Chacha:
Importante sa 'kin!

Silas:
Okay, Cha. Sorry kung 'di ko nasabi kanina. Block mo na rin at blacklist mo para hindi ka inaaway 'pag may topak siya.

Chacha:
Kaya mo 'ko sinabihan na i-block at i-blacklist siya, 'no? Dahil 'yon ang ginawa mo? 

Silas:
Oo. 

Chacha:
Okay. 'Yon din gagawin ko.  

(Silence)

Chacha:
Saka ano... hindi ako nanghihinayang sa first kiss ko. Sa 'yo 'yon. 

Silas:
(Swallows) Okay. Sorry din kung bigla kitang hinalikan.

Chacha:
Nanghihinayang ka ba kaya ka nagso-sorry?

Silas:
Hindi. Baka lang nabigla ka.

Chacha:
Uh... no'ng una lang...  naman. 

Silas:
(Clears throat) Okay.

Chacha:
Okay? Ba't parang may sasabihin ka pa?

Silas:
Wala, Horatia. 'Wag kang makulit. 

(Silence)

Chacha:
Ngayon ko lang na-realize... kung bakit ako pumunta sa 'yo kanina bukod sa pagko-confess. (Pause) Ilang araw na 'kong natatakot... na baka dahil wala na kayo ni Alice, wala na 'kong role sa buhay mo. (Laughs drily) Ang petty ng reason ng pagko-confess ko. Hindi man lang romantic. 

Silas:
Nag-o-overthink ka ba dahil kanina? 

Chacha:
Halata ba?

Silas:
Oo. 

Chacha:
Gagi... 

Silas:
(Laughs softly) Walang problema sa 'yo, Cha. Hindi ka mukhang tanga kanina at walang problema 'yong pagdating mo o pag-alis. At kung sakali na makahanap ng paraan si Alice para awayin ako dahil masama ang gising niya o may topak siya, 'tapos kung ano-anong sabihin tungkol sa 'yo, sa mga ginawa mo para sa amin, o mga ginawa mo para sa 'kin, hindi ako maniniwala. Sa 'yo ako maniniwala. 

(Silence)

Chacha:
(Sighs) Gago ka ba, Silas? Pa'no 'ko makikipag-date sa iba niyan? 

Silas:
Makipag-date ka sa iba. Para hindi ka malito sa nararamdaman mo. 

Chacha:
Hindi ako nalilito sa nararamdaman ko.

Silas:
Subukan mong lituhin ang sarili mo.

Chacha:
Gagi.

Silas:
Kaysa magpakatanga ka sa 'kin ngayong iiyak-iyak ako, makipag-date ka sa iba.

Chacha:
Gaya ni Mateo?

Silas:
(Swallows) Gaya niya. 

Chacha:
Okay.  (Pause) Ang weird makipag-usap sa 'yo nang ganito. 

Silas:
Gusto ko 'yong makakabuti sa 'yo. At sa ngayon, hindi makakabuti sa 'yo ang nasa akin ang atensyon mo. 

Chacha:
(Sighs) Okay. I should do that. Malay natin, ma-in love ako kay Mateo. 

Silas:
(Swallows) Oo. Malay mo. 

Chacha:
Sige. Baba ko na uli. 

Silas:
Sige, Cha. Ingat. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon