Day 399.1

1.3K 114 19
                                    

(Drone shot) 

Camera started recording. Sunset.

Umangat ang lente mula sa bintana, tagos sa mga puno at halaman sa paligid, at bumalanse ilang metro mula sa hardin kung saan may couple na naglalakad. Nakahawak sa braso ng lalaki ang babae. Parehong nakangiti habang nag-uusap. 

Huminto ang dalawa sa harap ng isang vine na nakaikid sa isang hugis-pusong frame. Itinuturo iyon ng babae habang nagsasalita. Inuusisa. Natigilan ang babae nang mapansin ang isang bagay sa frame. Kumuha ito ng isang envelope na halos nakasiksik doon bago magtanong sa lalaki. 

Binuksan ng babae ang envelope bago napatingin nang matagal sa lalaki. Ngumiti ang lalaki sa babae bago lumuhod at kumuha ng kahita sa coat nito. Binuksan nito ang kahita at inialay sa babae. 

Natutop ng babae ang bibig bago tumatangong sumagot. Tumayo ang lalaki at payakap na binuhat ang babae bago hinalikan. Sa gitna ng pagyayakap ng dalawa ay bumukas ang inihandang mga ilaw sa hardin at lumapit ang kakilala ng mga ito habang pumapalakpak. 

Umikot ang lente pabalik sa bintana.

Video stopped recording. 

Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon