(Phone conversation)
12:48 AM
Chacha:
Hi. Hindi pa rin ako tulog...Silas:
Pero nasa kuwarto ka na? Nakahiga ka na?Chacha:
Oo. Nagbibilang ng butiki. May dalawang naghaharutan dito kanina pa. Naghahabulan.Silas:
Sana all naghaharutan. Paki-sana all nga ako sa kanila, baby.Chacha:
(Laughs softly) (Pause) (Sighs) Maaga pa ako mamaya.Silas:
Oo nga. Kaya bakit hindi ka pa tulog? Iniisip mo ba 'ko?Chacha:
Hindi. Si Alice. (Laughs)Silas:
Sakit ah. Ako ba third party ngayon sa inyo? (Laughs)Chacha:
Gagi... (Laughs) Nako-confuse lang ako nang kaunti... na relieved din dahil sa kanina? Parang... bumalik 'yong dating Alice na soft-spoken at considerate sa iba.Silas:
(Swallows) Baka ibe-break mo na naman ako, ah. Horatia, hindi tayo magbe-break.Chacha:
(Laughs) Hindi ako makikipag-break. Pero hindi mo ba napansin kanina? No'ng kausap mo siya?Silas:
Hmm. (Pause) Hindi ko alam, baby. Ang tagal ng history namin ni Alice eh. Ilang taon kaming masaya no'ng una bago ilang taon ding nagsakitan at naggaguhan... Nakita ko siya sa lahat ng pagbabago niya, kahit dini-deny ko sa sarili ko no'ng una. Gusto kong alagaan sa isip ko 'yong siya kung paano ko siya nakilala. Pero gaya ng sabi mo sa 'kin dati, matagal nang nawala 'yong Alice na 'yon. (Sighs) Siguro kanina, nakahinga lang ako nang maluwag dahil hindi siya baliw kausap. Tagal na mula no'ng nakausap ko siya nang may sense eh. Sa sobrang tagal, limot ko na kung paano makipag-usap sa kanya. Kaya kanina, kahit na parang gaya siya ng dati, hindi pa rin siya 'yong dati, baby. Masyado na siyang maraming pagbabagong dinaanan para maging gaya ng dati. 'Di ko maipaliwanag nang maayos, pero gano'n.Chacha:
Hmm. Na-gets ko naman. Tingin ko, tama ka. Wishful thinking ang isipin na makakabalik tayo sa kung ano tayo dati bilang tao... or kung ano 'yong connection natin sa iba dati pagkatapos na may magbago... Hindi maa-undo 'yong damage, hindi maa-unlearn 'yong lesson, at hindi rin mababalewala kung anuman ang nangyari. Puwedeng makapagpatawad tayo... puwedeng maka-move on tayo... pero 'yong damage na bumago sa 'tin, 'yong lesson na nagpabago sa 'tin, 'yong nangyari na umepekto sa atin... hindi na maaalis 'yon. We'll move on as a different person, hopefully better. We'll try to repair broken connections and relationships, hopefully stronger and better... but definitely, hindi na magiging gaya ng dati.Silas:
Oo. Gaya 'yon ng mahal kita ngayon... at kahit may pumilit sa 'king bumalik do'n sa parte ng buhay ko na hindi kita mahal... hindi 'yon mangyayari. Kasi ang pagmamahal, hindi basta lang nabubuo at hindi rin basta lang nasisira. Kaya 'wag mo 'kong ibe-break.Chacha:
(Laughs) Sorry, baby. Hindi na.Silas:
Ni-record ko 'yon. (Chuckles)Chacha:
Ang naive at insecure ko do'n sa gusto kong makipag-break sa 'yo dahil akala ko babalik ka kay Alice, 'no? (Sighs) Pero kasi... alam ko kung pa'no ka magmahal. 'Pag mahal mo, hindi mo basta bibitiwan kahit masira ka. Hindi mo basta tatalikuran kahit wala nang sense. Kaya akala ko...Silas:
Naiintindihan na ba ngayon ng cute mong kukote kung bakit hindi mangyayari 'yong iniisip mo?Chacha:
Oo. Dahil hindi na tayo makakabalik sa dati. Pero 'yong part mo na gano'n magmahal, tingin ko, hindi pa rin nagbabago.Silas:
Siguro. Kasi gano'n kita gustong mahalin eh. Gusto kitang mahalin nang hindi binibitiwan. Gusto kitang mahalin nang hindi tinatalikuran... Kahit ipapabugbog mo 'ko. (Chuckles)Chacha:
Susubukan kong maging mas hindi praning na girlfriend, baby. Kahit ipapabugbog kita.(Both laughs)
Silas:
Susunduin kita mamaya at sabay tayong papasok sa trabaho, ah.Chacha:
Okay.Silas:
Sabay rin tayong magla-lunch.Chacha:
Yes. 'Tapos ihahatid mo 'ko pauwi. Alam ko na po.Silas:
Tanong mo nga kay Mang Ruben kung puwede makitulog diyan?Chacha:
Palipasin muna natin sama ng loob ni Tatay sa 'kin. (Laughs) Kanina nga paghatid mo sa 'kin, pagkaalis mo, nagagalit kasi anong oras na raw akong umuwi.Silas:
Kulang na sa lambing mo si Mang Ruben.Chacha:
Kaya nga eh. Pero dito tayo mag-dinner bukas. Magluluto ako.Silas:
Sige. Tanong mo si Mang Ruben kung gusto niya rin ba lambing ko. (Laughs)Chacha:
Gagi. (Laughs) Hindi seafood iluluto ko, ah. Sinigang na baboy muna, para kay Tatay. Favorite niya 'yon.Silas:
Ah, hindi ba beer favorite niya?(Both laughs)
Silas:
Joke lang 'yon, ah. 'Wag mo 'kong susumbong kay Mang Ruben.Chacha:
Ikaw ba? Bakit hindi ka pa natutulog?Silas:
Kasi hindi ka pa tulog. Baka nag-aalala ka, eh. Baka kailangan mo 'ko.(Silence)
Chacha:
Pero nakahiga ka na rin?Silas:
Oo, kani-kanina pa. Bakit, baby? Gusto mo 'kong pumunta diyan? Isesekreto lang natin kay Mang Ruben? (Chuckles)Chacha:
Hindi! Bawal galitin si Tatay, baka hindi bumoto sa 'yo.Silas:
Oo nga pala. (Laughs) Ikaw na lang pupunta rito?Chacha:
Kulit mo, baby.Silas:
Sarap marinig ng tawa mo. Sana hindi na uli kita mapaiyak.Chacha:
Hindi naman ikaw nagpaiyak sa 'kin no'ng isang araw. Overthinking at insecurity ko 'yon.Silas:
Mukhang marami ka nga niyan eh. Kulang pa siguro tayo sa date at yakap.Chacha:
Gusto kong makipag-date pa, pero hindi naman tayo kulang ngayon. Hintayin mo lang, baby, mawawala rin ang mga 'to. Alam ko, kasi mahal mo 'ko.Silas:
Naks. Parang 'di na nga makikipag-break.Chacha:
Hoy! (Laughs) Sorry na nga.Silas:
Tulog na, baby. 'Wag ka nang mainggit sa dalawang butiking naghaharutan diyan. Puwede naman kitang harutin bukas.(Both laughs)
Chacha:
Sige, susubukan ko na uling matulog. Mahal kita, Silas.(Silence)
Silas:
Sarap sa ears ah. Paulit nga, baby.Chacha:
Heh. (Laughs) Bye, baby. Good night.Silas:
Good night, baby.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...