(Temporary GC nina Hulyo)
50th Anniv Pampanga Project
Fri | 7:33 AMHulyo:
Naka-position na lahat para sa entourage. Double-check nyo comms, ah. Silip dito pag may problema.Silas:
okay na sa dronesMoi:
okay na sa railsChacha:
okay na sa venueHulyo:
👍Seen by all
11:48 AM
Moi:
@everyone
12:30 ready na lunch sets natin
Proceed sa Jasmine Hall. Dun tayo lunch.
Sabihan nyo teams nyo.12:41 PM
Moi:
@Cha, san ka na?Chacha:
May pahabol request client. Kausap ko pa. Pabukod na lang nung lunch ko.Moi:
Okay.01:22 PM
Chacha:
@Moi, nasan yung lunch?Moi:
Ibinilin ko sa nakatao sa hall. Hindi mo nakuha?Chacha:
Wala nang tao rito. Di bale na nga. Wala na rin akong oras kumain.Hulyo:
Nagligpit na kanina run. Bat ang tagal mo kasing dumating?Chacha:
Kausap ko kasi yung client kanina.Moi:
Ikukuha na lang kita ng snack, Cha.Chacha:
Okay lang. Ako na bahala, Moi. Thanks.03:29 PM
Moi:
May meryenda tayo rito sa Jasmine Hall.
Padala ng rep per team para ma-distribute food.
@everyoneSeen by all
Chacha:
May nagdala ba rito for Team Lake?Moi:
Nagdala sina Hulyo diyan. Hindi ka pa rin nakakuha, Cha?Chacha:
No.Hulyo:
Iniwan sa kasama mo kaninang freelancer ah.Chacha:
Wala akong kasamang freelancer. Sina Sansan ang kasama ko.Hulyo:
Kinuha naman nung freelancer kanina yung pagkain.Moi:
Nakakain ka na, Cha?Chacha:
Don't worry.07:30 PM
Moi:
Dinner sa Jasmine Hall by 8:15.
Punta kayo as soon as makasingit.
Ako ang tatao so take your time.
@everyone08:44 PM
Silas:
san ka na, cha?Chacha:
Nasa program ako. Why?Silas:
dala ko pagkain mo. punta ko dyan.Chacha:
No need, Silas.Hulyo:
May iso-shoot ka pa sa long cam, di ba, pre?Silas:
o ngayon, kung meron pa, hindi ko ba pwedeng takbuhin pagbibigay ng pagkain kay chacha na hindi pa kumakain mula kanina bago ko gawin yung dapat kong gawin?Seen by all
Silas:
tangina ka hulyo, para kang noob sa malalaking project. hindi ka naman busy, di mo maasikaso nang maayos pagkain ng mga tao mo. papaligpit ka ng di nagche-check kung kumain na lahat. mag-aabot ka ng pagkain na di mo sigurado kung kanino mo binibigay.Hulyo:
Hectic lang kasi, pre.Silas:
hectic ampSilas:
yung ibang tao mo, nakita kong inaasikaso mo. pag si chacha, mukha kang tanga.Hulyo:
Bat galit na galit ka? Tanginang yan. Tagapagtanggol ni Chacha ampSilas:
bat nakakatuwa ka ba? dami mong pakinabang kay chacha, di mo ayusin trato mo. tangina ka. nakakaubos ka ng pasensyaMoi:
Tama na yan, boys. May shoot pa.Hulyo:
Baka uuwi na yan si Silas.Silas:
tatapusin ko trabaho ko bago ako umuwi, tanga. hindi ako unprofessional at noob gaya mo. isasama ko si chacha kaya ikaw ang mag-wrap up ditong tangina kaChacha:
Isasama mo ko?Silas:
oo.Hulyo:
Buti kung sasama yan eh workaholic yan.Silas:
sasama siya. kaya magtrabaho ka nang maayos dahil ikaw ang haharap sa kliyente nyo mamaya pagka-wrap up. wag kang puro utos kay chacha punyeta kaSilas:
at kayong mga katrabaho, nakita nyo nang mukhang tanga tong si hulyo pagdating kay chacha, di man lang kayo pumipiyok. ampChacha:
Tama na, Silas.Silas:
papunta na ko dyan dala pagkain mo. wait lang
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
AcakKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...