Ang tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...
"Ano ba Chachi! Stop eating junk foods. Masisira ang figure mong 19 years ko ng iniingatan!" sabi ni mama at agad na inagaw saakin ang mahiwagang Clover ko at ang coke in can. "Eat fruits and yogurt drinks!" sabi niya at nilapag sa harap ko ang sandamakmak na prutas at mga yogurt drinks na pilit niyang ipinapalamon saakin ng mula bata pa ako! Aaaah! Nakakainis!
"Ma, ayoko niyan! Ibalik mo na saken yon!" sabi ko at pilit inaabot ang kinuha niya. Ihhh! Ang sarap na ng pagkain ko at panonood eh. Wait for me, Mr. Clover ililigtas kita.
"Good evening." napatingin ako sa kararating lang na si Daddy habang may hawak pang newspaper. savior!
"Dad! Tingnan mo si mama. Pinapakain niya ako ng mga yan. Eh sawang sawa na ako." sabi ko at lumapit kay Daddy. Finally, mygosh.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nako, wag na wag mong kukunsintihin yang anak mo! Spoiled na yan eh. And Chachi, I told you to eat those so do it! Darating bukas ang parents ni Taeh kaya dapat pretty ka, cupcake. Naiintindihan mo?" umirap ako kay mama tsaka tiningnan si Daddy.
"Eat them, honey." whaaaat?!
"What? Suyang suya na ako sa pagkain na yan! Everyday, Ma for pete's sake. And ano naman kung dumating ang parents ni Taeh? Maganda yon! Mas gugustuhin ko pang mandiri sila sa hitsura ko nang hindi matuloy yang kasal na pinapangarap ninyo. Sorry, pero hanggang pangarap niyo lang na maging manugang si Taeh dahil AYOKO NGA SAKANYA!" sabi ko at umakyat sa taas. Nakakainis. Pinipilit pa nila ako sa lalaking yon. The hell! Ayoko makasal sa may damage ang utak! He's so childish and we know it! Alien-minded.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko tsaka malakas na sinara. Naiinis ako sa parents ko. Hindi robot ang anak nila para icontrol ng ganito! Nakakastresss!
*An Alien Calling...*
Haist. Istorbo ng moment. "What?" umirap ako tsaka humiga sa kama ko.
"Open the door." ano raw? Open the door? Tumayo ako tsaka binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE, TAEH?! KELAN KA PA UMUWI?" tanong ko. Well, ang pagkakaalam ko, nasa Mars pa siya. Sabagay wala nang dapat ikapagtaka, spaceship ba naman ang gamit kaya natural mabilis. Wahahahaha. Pero seryoso, kelan pa to umuwi galing Japan?
"Kanina lang." sabi niya at pumasok tsaka nilock ang pinto. Why is he locking the door?
"What are you doing?! Lumabas ka nga sa kwarto ko! Bakit umuwi ka pa?" naiinis kong sabi at tiningnan ang blank face niya.
Bigla siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit. Alien? Oo! He changes mood with just a snap. "Namiss kita, Chachi!" ewwww! Nakakadiri. Tinutulak ko siya tsaka hinarap.
"Don't touch me! Pwede ba, lumabas ka na ngayon din. Bumalik ka na sa planeta mo at wag na wag ng magpapakita saakin! Clear? Okay! Bye!" sabi ko at tinulak siya palabas pero ang lakas lang talaga ng mga alien. Urghhh