CHACHI'S POV
Wala talaga akong kwentaaaa!!!! Arghhhh. Grabe talaga. Nakakahiya kay Mark. Nakita ko siyang lumabas ng banyo at napayuko nalang ako. Paano ko haharapin si Mark pagkatapos kong matagusan yung bed niya hala. "Sorry talaga." Paulit ulit kong sabi pero hinawakan lang ako sa ulo. Loko...
"Ayusin mo na yung sarili mo. Tumawag na ako sa staff ng beach para humingi ng duplicate sa kwarto mo." Sabi niya kaya agad akong pumunta sa CR at nag-ayos na. Waaaah bakit ba kase napakairesponsable ko at hindi ko naalalang ngayon pala ako magkakaroon?!!! Ihhhhh -_-
Namumula na yung mukha ko tsaka na ako naghilamos ng face at nilakasan ang loob kong lumabas. Waaaah! "Anak ka ng palaka! Sa dami ng pwede mangyari, bakit ang matagusan ko pa ang kama ni Mark! Ako na nga lang nakikitulog; nanggulo pa. Tss. Ang shungaaaa!" Bulong ko at napalo ko pala yung pinto kaya narinig ni Mark. Oh nose.
"Chachi okay ka lang?" Hindi. Kase di ko alam paano ako haharap sayo huta.
"Ahhh oo. Oo ayos lang." Sabi ko at napakagat sa labi ko. Binuksan ko na yung pinto at nakita ko lang siyang nagbibihis. Okay?
"Bago ka pumunta sa kwarto mo, kausapin mo muna yung ex-husband mo..." sabi niya nang nakangisi kaya nagtaka ako at doon ko naman napansin yung galos niya sa braso. Bakit? Anong ginawa ng elyen na yon? "Akala yata ginalaw kita hahahahaha." Ginalaw? What the hell?!!! Maghalikan nga kami ni Mark hindi ko maimagine yun pa kaya?? Bestfriends lang talaga duh.
"Ha? Bakit ano ginawa?" Tanong ko at tinawanan nanaman ako ni Mark.
"Galit na galit paglabas ko. Hahahahahaha nagseselos yata..." sabi ni Mark at tinapik ako sa balikat. Luh... magseselos siya??? Tanga niya naman. Para saan?? Bakit siya magseselos eh may girlfriend nga tong lalaking to. Tumango lang ako at lumabas na tsaka ko naman nakita si Taeh. Gagu na yata to.
Sinisipa niya yung mga bato sa white sand habang nakapamulsa sa shorts niya at naka-shades pa. Wow ha. "EHEM. EHEM." pagpapapansin ko at napatigil naman siya sa ginagawa niya.
"C-Chachi?" Tanong niya at tinanggal pa ang shades niya para makasiguradong ako nga. Hayy nako. Lumapit ako sakanya tsaka tumabi at sinamahan siya sa pagsipa sa mga bato. Ano bang problema mo?
"Bakit mo ginawa kay Mark yon?" Sabi ko at tiningnan siya pero hindi niya ako sinagot pero tiningnan lang ako ng malalim kaya napalunok ako. Tinging-alien amfufufu.
"Tingin mo?" Balik niyang tanong saakin at hindi ko alam anong isasagot ko. "Hindi mo masagot? Ako din..."
Nagulat ako sa sagot nuya at hindi ko maintindihan kung naiiyak ba siya o hindi kase bumasa yung mata niya. Ano yon? Hindi niya din alam bakit? Imposible namang magselos siya dahil sabi niya noon... wala na siyang nararamdaman saakin sa madaling salita, nagsawa na siya...
"Sorry nga pala sa nasabi ko kahapon na... yun nga." Paano ko ba dederetsuhin to na yung sa nasabi ko kahapon tungkol sa affair nila ni Eun-Jin..
"Ayos lang. Kasalanan ko din naman eh... totoo naman. Pero sinabi mong hindi moko gagayahin. Bakit niyo ginawa ni Mark." Ayy puta. Tama nga si Mark. Nasisiraan na ng ulo to. Ganun ba naman ang isipin niya saamin ni Mark?!!!
"Tanga ka. Anong pinagsasabi mo?!" Sabi ko sakanya at napatingin naman siya. Anak ng elyen to sarap pektusan. "Hayup ka. Hindi namin ginawa yun noh! Monthly period ko ngayon kaya...kaya...kaya basta nangyari yun! Kaya nagkaroon ng ganon! Tsaka shunga ka?" Sabi ko at hindi ko nanaman alam paano sasabihin to.... bahala na! "T-Tsaka i-ikaw nakauna saakin nakalimutan mo? Tanga ka na nga gago ka pa." Heto naman siya speechless sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...