1 week later...
[Chachi's POV]
"Oh sa bukas na ang graduation niyo ah. Anong plano niyo?" tanong ni Mama saamin. Buti pala namove yung graduation day namin. Wooooh! Nga pala, nakapagplano na kami ng bakasyon after grad.
"Nagplano kami ng pagpunta sa America, Ma." nagulat naman ako sa sagot ni Taeh. America?! Ang plano namin dito lang ah. Bakit may ibang bansa?! Napatingin ako sakanya. Nanlaki ang mata ko dahil nginisihan niya nanaman ako. Huta Loooord! Oo alam ko ang gwapo ng asawa ko pero bat ganitooo! Sobrang biyaya na to! *o*
"America?!" tanong ko ganun sakanya pero hinawakan niya lang ako sa bewang.
"Si Mama na bahala." sabi lang niya saakin at hinalikan pa ako sa pisngi."Eherm eherm! Baka mamaya maging sobrang tamis niyang pagkain ha." sabe ni Mama kaya tumawa lang si Taeh. Siya lang ang tumawa kase natulala ako! Natulala! Ang gwapo niya bat ngayon ko lang narealize. Sobra! Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa niluluto ko. Jusko buti hindi ako nasugat. Naghihiwa kase ako at itong si Taeh panay ang landi saakin. Oo! Yun ang term wag kayong makialam huhuhu.
Nandito kase kami ngayon sa apartment na tinitirhan namin. Which is nina mama, papa, at Jimin nalang dahil nga sa condo na ako nakatira kasama si Taeh remember? Binisita lang namin sila since weekend naman. At yon, kaming dalawa ni Taeh ang nagprisintang magluto at wala siyang naitutulong I swear. Kung may maitutulong man, yun ay pakiligin ako hahahaha kaya nga mas effective pa ang charms ni Taeh kesa sa Magic Sarap. Yeaaah! Ang corny ko. Ganun daw yata talaga. Kapag maganda ka, corny magjoke. Hahaha alam mo na... Eke leng yen. HeheheXD
"Uwi tayo agad." sabay yakap nanaman ni Taeh saakin at kagat sa tenga ko. Hutaaaa nakikiliti ako. At yun, pinagbawalan ko lang siya. Grabe kase. Ang landi ng alien na to! Dapat ang title ng storyang to eh "Ang Tinatagong Landi ni Kim Taehyung."
"Hala grabe ka! Ang landi mong bata ka. Kita mong cumu-cooking mama ang peg ko tapos bubulungan moko niyan? Wag ganun dude." sabe ko sakanya ng matawa tawa at nagpout lang siya. Ayy punyet-- wag ganyan! Torture yan sa isang kagaya kong mabilis mafall. Shooocks! "Ano ba baka makita tayo ni Jimin! Asarin pa ako nun." sabe ko kaya sa pagtatampo niya, umalis nalang siya ng kusina.
Tss. Maya ko na susuyuin. Tatapusin ko muna to. Ang laki niyang istorbo kaya! Tnikman ko yung luto ko at wooooh! Ang sarap mga beybe! Wala nang tatalo dito hutangna! Talbog si Chef Boy Logro! Ako nga pala si Chef Girl Chachi! Ang corny nuh. Aba sinabi ko na kung bakit.
.
...
.
.
.
...
At siguro, sa sobrang sarap ng luto ko, eh napatulala nalang sila hehehe!!!!
"Pagkain pa ba ng tao yan?" tanong ni Jimin at inirapan ko lang. Panira to! Ipapahiya pa ako sa harap ng asawa ko. Bakit di nalang kumain! At least nga may hapunan pa siya eh!
"Oo pagkain ng tao yan kaya wag kang kumain. Malalason ka. Teka nasaan ba yung pagkain mo?! Bat ang bilis mong naubos yung Pedigree?!" seryoso kong tanong sakanya. Ganun ako. Kapag naiinis binabara siya. Welenghiye eh. Kung makalait sa luto ko! Eh mas matangkad pa nga yung talong kesa sakanya eh. Punyeta ka Jimin!
Inirapan lang ako at siguro wala ng masabe hahahaha. Happy happy tayo! Kumain na kami at kahit mukhang pilit ang pagkain nila, masaya paren ako at least kinakain nila hahahahahaXd waley naman yang food poison nuh.
Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami konti at nagpaalam na kina Mama. "Oh ingat sa pagmamaneho ah." sabe ni Mama kay Taeh at hinalikan ito sa pisngi. Geez. Sana nga ligtas kame makauwi. Hahahahaha. xD
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...