"Tara na! Ang tamad tamad mo naman eh!" gagang Yoorai to! Kakatapos lang ng Graduation kahapon nagyaya agad ng mall?! Tss. Namiss ako agad amfufu. At nakaupo lang kami sa isang coffee shop habang siya, nagyayaya nanaman lumibot sa Department Store. Hutaaaaaa!
"Puta ka Yoorai! Wag mokong binabadtrip ngayon! Ayoko maglakad masakit ang balakang ko!" ewan ko. Paggising ko sobrang sakit na ng balakang ko. Hindi na nga ako halos makalakad. Kung matitiis ko lang ang babaeng to, hindi ako sasama eh. Did I just say na hindi ko siya matitiis? Pwe! Hell!
"Gusto mo ng wheel chair?" seryoso siya kaya sinapak ko. Hutaaaaa! Mainit ang ulo ko ngayon huhuhuhuhu. Tiningnan ko lang si Rai at tumayo na. Medyo natanggal naman yung sakit. Malapit nanaman siguro akong magperiod kaya sumakit. Magpapahinga nalang ako.
"Ano pa ba ang bibilhin mo." tanong ko kay Yoorai at kinuha yung mga pinamili niya. Tulungan ko to nahiya naman kase yung isang wallet na dala ko compared sa shopping bags niya. Grabe B!
"Waley na. Gusto ko lang maglibot. Gumala ya know. Hahaha. Syempre kakatapos lang ng grad! Ang dapat diyan, nagrerelax! Punta tayong spa?" tinaas taasan pa ako ng kilay. Nyeta neto. Paubos na nga yung ipon nina Mama noon sa business tapos yayayain pa ako sa spa! Aba metende!
"Pasama ka nalang kay Kookie." sabi ko sakanya.
"Huta naman JO! Uuwi nalang ako! Eh hindi naman mahilig sumama yun saken sa mall eh! Baka mamaya mukha akong tangang kinakausap yung ilong niya! Tara na! Uwi na tayo. Arte mo dyusko." sabi ni Yoorai at naglakad na kami. Napakalayo pa naman ng Exit huta.
Sasakay na sana kami ng elevator nang mapatigil kami sa paglalakad. Wews.
"Rai oh! Mukhang maganda. Bilhin ko na. Sayang naka-sale pa naman." sabi ko at hinawakan ang balot ng 4 volumed-book series. Hehehe. Binili ko ito at nagtaka naman si Yoorai. Trip ko yatang magbasa ngayon.
"Ha? Wow ha. Sabagay pera naman ng hubby mo ang ginagastos mo kaya walang problema. Eh kung asawahin ko na kaya si Jungkook? Ano sa tingin mo? Gusto ko na magpropose." sabi niya. Loka kapag yan nagsalita seryoso. Gageu.
[Taeh's POV]
Nandito ako ngayon sa office ni Dad at sinasanay niya na kami ni Kuya Baek paano magpatakbo ng business namin sa kumpanya. Nakikinig naman kami ni Baek at nirereview paano ang mga papeles na ipapasok namin at aasikasuhin kapag kami na ang humawak sa business.
Nagdidiscuss lang si Dad nang may kumatok at pinapasok niya naman.
"Sir, nandiyan na po yung hinire ninyong monitor kasama si Mr. Dee." pumasok ang mga ito. Pumasok ang isang babaeng may mahabang buhok at may curls pa nga ito sa baba habang nakasuot naman siya ng fitted uniform na above the knee at nakaheels pa. Teka bat ko ba dinedescribe ang babaeng to?
"Taeh, Baek, siya si Ms. Eun-Jin Dee. Anak ng isa sa investors naten at siya ang magiging partner ninyo dahil siya ang hinire kong monitor." pagpapakilala ni Dad at tumango lang ako habang si Baek nakipagkamay lang sakanya. So siya pala......
"Nice to meet you." sabi niya at nginitian ko nalang. Anong gusto niyang gawin ko? Nagmeeting kami kasama ang ilan sa investors at bilang bagong magpapatakbo sa kumpanya, pinakilala kami ni Dad sakanila.
Sa kalagitnaan ng introduction ni Dad saamin at sa mga Dee, biglang nagring ang phone ko kaya nagpa-excuse nalang ako.. Si Chachi lang pala yung tumatawag jusko po.
"Babe." napangiti ako nang marinig ang boses niya. Ang ganda talaga ng boses niya. Kaya mahal na mahal ko eh! Di ko pa nakikita nagbablush na ako. Hehe. Ganyan kalakas ang epekto ng baby Chachi ko! Gusto ko na tuloy umuwi.
"Nasaan ka na? Pauwi ka na ba?" tanong niya. Siguro siya nanaman mag-isa sa condo ngayon. Lalo tuloy akong naaakit sa boses niya.
"Hindi pa eh. Anong gusto mo pag-uwi ko?" tanong ko sakanya dahil napapakonti ang kain niya. Gusto ko lumusog siya eh hahahaha aba syempre! Asawa ko yan! Kapag mas malusog, mas masarap yakapin.
"Ikaw. Uwi ka na." sabi niya at napatawa ako sakanya. Pinapauwi na ako agad eh kakaalis ko nga lang. Tinawag na ako ni Dad at nagpaalam na ako sakanya. Babawi nalang ako mamaya.
"I have to go. Bye Saranghae Jagiya!" naghintay ako ng kahit man lang 'Nado Saranghae' kaso wala?! Binaba? Tss. Nagtampo nanaman. Parang ganun lang eh. Ang moody talaga ng babaeng yun.
Bumalik na ako kina Dad at ngumiti saka pinagpatuloy ang meeting.
[Chachi's POV]
"Nakakainis naman eh. Ang tagal tagal niya. Miss ko na siya." sabi ko kay Yoorai at naiinis na pinagpapalo siya kaya todo reklamo. Bat ba kase ang tagal ni Taeh. Ngayon naman hindi na ako sinasagot.
"Ang OA mo naman bespwen. Babalik din naman eh. Tsaka grabe sinungitan mo yung tao sa call?" sabe ni Yoorai at kinuha ko nalang yung librong binabasa ko kanina na kakabili lang. "Grabe paano nalang kung may nangyare sainyo."
Nanlaki ang mata ko at nahagis ko bigla kay Rai yung binabasa ko. Grabeeww! Syempre naalala ko yung nangyare kagabi! Grabeee! Di ko tuloy maalis sa isip ko yung feeling at kung pano.... Tss. Waaaaah di naman sinasabe isa isa yun nuba! Tsaka.... Basta! Yung feeling? Parang.... Wala. Nafeel ko kase habang ginagawa namin 'yun' eh... Kinilig? Eh yun ang feeling ko eh anong magagawa mo!
Naalala ko tuloy yung mga scene na ginawa namin jusko! Napatakip ako ng mukha at alam ko mukha na akong tangang pinagtripan pero shooocks! Ayoko naalala yung kagabi. Nakakahiya pero may part saakin na.... Kinikilig. Yaan mo na. Asawa ko naman yun eh. Hihihihi luh. Kiligin ba naman daw.
"Oyy napapano ka? Nahiya naman yung damit sayo. Para ka ng tutupi diyan eh. Kinikilig ka? Luh. May kabit ka bang hindi ko nakikita?" nakakainis talaga ang babaeng to. Minsan may pagka-makitid ang utak. Minsan lang naman.
"Waley lang! Hehe." sabi ko at nagkunwari nalang na wala akong naalala. Wag na wag mong ikukwento kay Yoorai ang nangyare kagabi, Chachi!!!! Wag na wag! Siguradong dadaldal yan. Tsaka bakit ko ikukwento eh private scene naming mag asawa yun lol. 'May tao yata sa labas."
Tumayo ako at tiningnan ang tao sa labas. Nagthank you lang ako at hawak ko na ngayon ang isang brown envelope. Pagkabukas ko, napatigil ako sa mga nakita ko..... Hindi. Hindi totoo to.
[Taeh's POV]
"Hey Teah! It's nice meeting you. See you again later!" sabi ni Eun-Jin at nginitian ko lang siya. Nagcoffee break kase kami since tapos na yung reviews at medyo nagtagal kami dahil sa mga ilang kwentuhan.
"Sige... Mauna na ako. Hinihintay na din kase ako ni Chachi..." at nasabi ko na sakanya na may asawa ako which is Chachi. Sana daw makita niya si Chachi minsan. Ngumiti nanaman ako sakanya syempre para respeto naman. Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa kamay. "Bakit?"
"Aayusin ko lang yung neck-tie mo." sabi niya at nagulat ako nang ayusin niya ito habang nakangiti. Tinanguan ko lang siya at hinatid na sa kotse niya. Pagkahatid ko sakanya, sumakay naman ako sa kotse ko para umuwi.
Habang nagdadrive ako, tumunog ang cellphone ko.
"Chachi?" sagot ko nang masaya pero hindi man lang ako binati. Kanina pa to ah.
"Umuwi ka ngayon na." sabi niya lang at binaba. Ano nanamang problema ng babaeng yun?
***
Bangtan_ShugaXx: New character hahahahaha. XD Tzu Yu as Eun-Jin!!! Support meh guys! Votes and Comments! Wafaaaaao! Xoxo.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...