CHACHI'S POV
Kakatapos ko lang magshower at pagkalabas ko sa banyo, nakita ko agad si Yoorai na nakadapa sa kama at naglalaptop pa. "Anong ginawa mo Rai?" sabi ko habang nagpapatuyo ng buhok ko sa harap ng salamin.
"Waley lang. Nagf'fb ako. Tapos ka na magshower?" sabi niya at tumango lang ako tsaka naman siya yung pumasok sa banyo. Pinagpatuloy ko lang ang pagpapatuyo ng buhok ko hanggang sa magring ang cellphone ko.
Taeh?! Naexcite naman akong sagutin kaya agad kong kinuha yung phone ko at sinagot. "Hi Babe!!!" masaya kong sabi at tumayo pa para makausap siya ng maayos.
"Babe." sabi lang niya na parang wala pang gana. Hala napano to? Kaninang umaga ang saya saya niya pa ah. "Buti hindi ka pa tulog?" sabi niya at nagsimula na akong magbihis.
"Ahhh magbabarbecue pa kasi kami sa baba. Parang pagod na pagod ka ata?" sabi ko lang sakanya kase alam na alam ko kapag may gana to tsaka hindi.
"Hindi naman." ang ikli niya rin sumagot oh diba? "Kumain ka na?" tanong niya pa. Hindi ko nalang pinansin yung pagkawalang gana niya tsaka ko nalang siya sinagot. Basta ngayon, kausap ko siya at yun ang importante.
"Ahhh hindi pa." ayoko kase kumain. Tumataba daw ako eh..... Ihhhhhh grabe! Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin pero wala namang pagbabago yung katawan ko para saakin.
"Ha? Bakit hindi pa? Anong oras na diyan eh." sabi niya. Okay mapapagalitan ako. Nagbihis lang ako ng isang pambahay na dress tsaka nagtsinelas. Lumabas naman ng banyo si Yoorai at tiningnan ako ng nang-aasar. Gageu to. Diba pwedeng kausapin yung asawa?
"Eh ayoko na tumaba eh. Mataba na nga ako tapos magdadagdag pa? Ayoko nga." sabi ko at nagpout habang di ko nalang tinitingnan si Yoorai dahil napapangiti ako. Tinutukso kase ako. Enebeyen.
Tumahimik siya sa kabilang linya tsaka narinig ko yung tawa niya. Okay gosh. Ang sexy! Hahahahaha tumawa siya ng malakas kaya napangiti din ako. Syempre nagkagana na siya. Wieeeeee hahaha. Nakitawa nalang din ako sakanya at syempre inasar asar niya ako.
"Babe...." tawag niya nang magsalita si Yoorai.
"Chi, sunod ka nalang sa baba ha." sabi ni Yoorai at tumango lang ako tsaka na siya lumabas. Binalik ko naman ang atensyon ko kay Taeh.
"Ano nga ulit yun?" tanong ko at ngumiti. Bakit ba lagi akong napapngiti ngayon? Aish.
"Sabi ko, sinabi ni Dad na 2 weeks kami dito sa New Zealand." sabi niya at napaisip naman ako. Ang tagal naman yata nun. Oo matagal na yun para saakin. Tsaka......
"Ibig sabihin hindi ka uuwi sa monthsary natin?" sabi ko sakanya at napatigil naman siya. Ihhhh bakit ganun....
"Oo nga noh..." sabi niya. Nakakatampo naman ang lalaking to. Mukhang kinalimutan pa yata na Monthsary namin next week. T^T "Babawi nalang ako pagkauwi ko. Pwede na ba yun? Sorry na."
Syempre iba parin kapag nandito talaga siya sa araw ng monthsary namin. Sumagot nalang ako para hindi na siya mag-isip ng kung anu ano pa. "S-Sige..."
"Babe, I love you...." sabi niya at sasagot sana ako nang bumukas ang pinto at nakita ko si Jungkook kasama si Yoorai sa likod niya.
"Chi! Si Taeh ba yan?! Pakausap naman ako!" sabi nito at inagaw saakin yung cellphone kasabay nun ang takbuhan nina Namjoon, Jimin, Yoongi, Seokjin, Hoseok na nag-aagawan sa cellphone.
Napasapo nalang ako sa ulo ko sa likot ng mga to. Tumabi naman saakin si Yoorai at nagpeace sign pa. "Sorry, sinabi ko naman sakanila na kausap mo si Taeh eh." sabi ni Yoorai kaya tumango lang ako at tumayo na tsaka bumaba. Bigla yatang nagbago ang mood ko.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
أدب الهواةAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...