PLANETANG 45

1.8K 75 2
                                    

Una sa lahat, bago niyo basahin ang chapter na to, nabasa niyo na ba yung Chapter 44 ng kumpleto? Hahahaha okay ang gulo ko pero pinaliwanag ko na to sa author's note na yung unang chapter 44, hindi kumpleto so try to read it again at mapapansin niyo may mga dagdag yan sa huling parts. Gets? Gets niyo na yan!!! Hahahaha kayo ng bahala hahahahahaha basta naexplain ko na. Makulit ako gusto ko lang maging klaro ang lahat huhu hahahaha. Thankssss so bilang pambawi, eto UD!!! Hindi na to mabubura promise!!! Hahaha gagawa na ako ng madaming copies laklakin mo wattpad wooh!!!! So UPDATE TIME NAAAAAAA!! ^_^

***

TAEH'S POV

Nandito ako ngayon sa office ko. Nakaupo sa swivel chair at nag-iisip ng tungkol sa nangyari kanina. Chachi and Yoorai nasa OB-GYNE? Bakit parang hindi ako nakumbinsi na si Yoorai nga. Ano ba tong iniisip ko? Na si Chachi yung nagpapacheck up? Kakasabi lang niya na si Yoorai diba? Tanga. Pinaikot ikot ko lang yung ballpen sa mga daliri ko hanggang sa bumukas yung pinto.

It's Baek. Good thing na hindi si EJ. Jusko gabing gabi na at kung iisipin ninyo na imposibleng puntahan ako ni EJ sa office ko ng gabi, mali kayo. Kahit madaling araw pa pinupuntahan ako niyan. Hindi ko alam bakit.... May sarili yatang mundo.

"Good evening, li'l brother!" Sabi niya at feel at home na umupo sa couch ng office ko. Higa nga yata yung ginawa niya eh.

"Oh bakit?" Tanong ko at umayos ng upo tsaka siya tiningnan nang nakakaloko. Nginisian ko siya and sa isip ko..... Bryan is coming.

3 seconds later....

"Thinking about me again?" Bumukas ang pinto at tama nga ako. Pumasok si Bryan na medyo may dalang makapal na mukha. Tumayo ako at nilapitan si Baek para kunin ang premyo ko. Syempre nanalo ako sa pustahan. Anong pustahan? Na papasok si Bryan. Ang babaw ba? Bonding naming tatlo yon wag kang ano.

Tumayo na din si Baek and syempre, lumabas na kami not to ride our cars but to ride our monsters...

Sumakay na kami sa motor namin and what? Drag racing time. Agad namin pinaandar yung motors at lumabas ng parking lot para maglaro sa highway. Ilegal man? Pero sabi nila mas masarap ang mali.

Sa dami ng iniisip ko, mas lalo kong binilisan yung takbo ng motor ko at destination namin, sa Gimpson's Bridge. Naisip ko tuloy habang pinapatakbo yung motor ko, bakit nga ba hindi ko nagawang patakbuhin ng tama ang buhay ko.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon