Waaaaaaah! Grabe! Ngayon lang ako nakapasok sa Ferrell na to ah! Ang ganda! Gulat na gulat na napatingin saamin sina Jin, Namjoon, Hoseok, Yoongi ayy hinde! Saakin lang pala nakatingin.
"Anong ginagawa ng nilalang na yan dito?!" gulat na sabe ni Yoongi. Maka-nilalang?! Ano ako?! Engkanto?! Duh! Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Waaaaaw! Ang ganda pala dito! Nagagawa ko kung anong gusto ko! Waaaaah! Ang ganda. Tumakbo ako sa isang aquarium na andaming isda tsaka may isang isda na sobrang laki at kinakain yung maliliit na fish. Awwww. Kawawa naman. "Hoy! Labas!" sigaw ni Yoongi pero tumakbo lang ako sa may ref. Waaaaaaah andaming poodssss! May Lays, may pringles, may oreo, may pizza, waaah may ice cream pa! Walanjo! Ang sarap yata tumira dito!
"Jungkook! Bakit mo dinala si Rai dito?! Pupunta si Sir! Maaabutan niya si Rai lagot tayo." narinig kong sabi lang nila at tumakbo ako sa isang kwarto. Ang lambot ng kama!!! Meron kaseng tatlong double deck tsaka isang single. Wieeee ang gondo! Buong bahay may aircon!
"Jungkook, alin ang kama mo dito!" tanong ko nang pasigaw dahil nasa sala sila at ako, nandito sa magandang kwartooo!!! Boom! Ang ganda! Ang gulo nga lang dahil may mga nakakalat nandamit sa floor. Pero bayaan na!
"Y-Yoorai, umalis ka na kaya?" aba pinapaalis na ako agad?!!! Why Mylabs?! Whyyyy?!
"Ayoko! Ang saya saya dito eh. Gusto ko na ngang dito tumira!" sabi ko lang at inamoy amoy ang mga kama. Waaah nagbago na ang isip ko. Doon naman ako sa kusina! Tumakbo ako agad sa kusina tsaka nagbukas ng chips! Wew! Ang sharap! Teka ang daming softdrinks at juiceeee! Wow! May ganito pala ang BTS hindi nila sinasabe!
"Ano! Hindi pwede! Darating si Sir! Lumayas ka na dito! Ayaw naming mapagalitan noh!" sabi ni Hoseok at kinaladkad pa ako palabas. Aray! Aray! Natutusok ako sa baba! Dejoke! Pero seriously, ano bang pinaglalaban ng mga tao dito?! Nakakainis sila eh. Parang ayaw na ayaw magpapasok ng iba.
Hinawakan din ako sa braso ni Jimin at papalabasin na sana ako nang may marinig kaming bumukas na something. At yung pagpapalabas nila saakin, bigla akong tinulak paloob. Hala! Abnoy na tong mga to!
"Hala! Magtago ka bilisan mo!" tinulak nila ako sa kwarto at nagulat ako nang tinuro nila yung kama. Oh anong gagawin ko diyan?! "Bilisan mo! Magtago ka na!" eto namang sina Yoongi, tinutulak ang ulo ko pababa kaya nagtago nalang ako sa ilalim ng kama. Aba syempre dapat habang nagtatago, may nilalamon.
"Pengeng pringles!" sabi ko at tinapon naman nila saakin yung isang lata ng pringles.
"Oh ayan! Laklakin mo!" sabi saakin ni Jimin at sabay sabay silang lumabas nang kwarto. Grabe sila! Pagtaguin ba naman ako sa ilalim ng kama?!!!! Pero syempre, wala na akong pakialam. May nilalamon naman ako eh.
"JUSMIYO TAEH! IKAW LANG PALA AKALA NAMIN SI SIR NA!" narinig kong sabe ni Jungkook kaya lumabas muna ako sa ilalim ng kama.
"Nasaan si Yoorai?!!!!!" tanong ni Taeh kaya sumigaw ako. Hehe! "Bakit ka nanditoooo?!" tanong niya at nanlalaki pa ang mata. Uhm kase gusto ko ditooo! Hihihihi hindi na ako uuwi dito nalang ako.
Bago pa ako magsalita, may narinig nanaman kaming bumukas. Kaya ayun! Pinabalik nanaman ako sa taguan ko. Ano ba yan! Nagmumukha na akong uod dito! Sino ba kase yun ha?! Nakita ko namang nagbow sila tsaka napatingin ako doon sa sinasabi nilang Sir. Psh! Panot lang pala! Napairap ako sa iniisip ko hahahaha. Pagkaya, lumabas ako dito anong mangyayari? Wews.
"Kinamusta ko lang kayo at nagmamadali ako kaya aalis ako agad." wow salamat naman! Dahil ubos na yung pringles, pasimple akong sinipaan naman ako ni Taeh ng Pepero! My favoriteeee! Aba dapat pinapakain nila ako. Oh diba parang alaga nila ako. "May problema ba dito?" tanong ni Panot tsaka sinilip ang bawt sulok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...