7 months later.....
“Kelan niyo balak magpakasal?” tanong ni Mama and Taeh held my hands in front of my parents and my brother... Kelan nga ba? Tiningnan ko si Taeh na nakangiti ngayon para siya nalang ang sumagot kina Mama.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at alam ko. Namumula ako ngayong moment natooo! Waaaaah ang gwapo niya lang kase. “After po manganak ni Chachi, Ma.” yes. Yun ang napagplanuhan namin..
“Ma, kabuwanan ko na ngayon. We don’t know kung kelan ako manganganak pero yun ang napagplanuhan namin. Magpapakasal kami.... Hindi ko alam pang-ilang beses na to.” tumatawa kong sabi kaya napangiti nalang sina Mama. And oh! Nakalimutan ko nga palang sabihin. Taeh’s parents were here with us for the family dinner. Even si Yeonie. Well, pareho lang kaming madadagdag sa pamilyang Kim hahahahaha.
“Naeexcite tuloy ako makita yung kambal!” sabi ni Mommy; mother ni Taeh kaya napangiti naman ako dun. Lahat sila naeexcite makita ang mga babies ko pero syempre wala ng pinakaexcited dun kundi ako. Tumango lang ako nang ipangkuha ako ni Taeh ng mga pagkain tsaka nilagay sa plato ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at pagkukwentuhan nang matapos kami ay nagkanya kanya naman kami ng ginawa. Pumunta muna ako ng garden para lumanghap ng sariwang hangin kahit papaano. Tumingin ako sa langit and then..... Nakita ko nanaman. Yung dalawang bituin na palatandaan namin ni Taeh nun... Twin stars. Kapag nakikita ko yan, naiisip ko yung dalawang makulit na nasa tiyan ko. Noong mga 6 months palang, kapag bored ako sa langit ako tumitingin. I just can’t believe na.... Yung istorya naming dapat matagal ng tapos, ay makakarating pa pala sa ganito.
“Babe.” napatingin ako nang may biglang yumakap saakin mula sa likod at hinawakan yung tiyan ko. “What’s wrong?” sabi niya at feeling ko nga sinasadya pa nitong magpapansin. Eh pano naramdaman ko yung hininga niya sa leeg ko. Haluh kahit nandiyan ang parents harap-harapan parin ang kalandian.
“Nagpunta lang sa garden, may mali agad? Wala lang.... Gusto ko lang balikan yung mga nakaraan.” sabi ko sakanya at napatingin naman siya saakin sabay hiwalay sa yakap niya. Huh. Natawa tuloy ako sa mga naiisip kong pinaggagawa ko noon. Ang dami ko din palang ginawa simula nung umpisa.
“Gaya ng?” lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa kamay.
“Natandaan mo noon? Napaka-isip bata ko talaga. Hahahaha ayaw na ayaw ko sayo noon at ayaw talaga kitang nakikita dahil crush ko si Baek hahahaha. Tsaka yung hindi ko alam na gusto na pala kita tapos pinaghandaan ko pa yung birthday mo? Tapos meron pa doon yung mga pinaggagawa mong ang sweet para lang saakin pero tinatanggihan ko yung sarili ko na magustuhan ka. Alam mo gwapong gwapo na nga ako sayo nun. Kaya unti unti ding nawala yung pagkacrush ko sa kuya mo. Hahahaha tapos yung nakasama ko si Bryan at akala ko nagseselos ka, yun pala pinabantay moko sakanya. Tapos yung nagperiod ako tapos ikaw nag alaga saakin? Basta madami. Hindi ko na alam kung paano ko pa sasabihin lahat. Ang daming nangyari saating dalawa. Kinasal, naghiwalay, kinasal ulit at hindi ko alam kelan na to matatapos. Sa haba ng buhay nating dalawa, tayo parin talaga pala. Pero sa lahat ng nangyaring yun, ang pinakamasaya at pinakahindi ko makakalimutan, ay yung araw na umuwi ka galing Japan at bigla nalang kumatok sa kwarto ko. Kase Taeh..... Ilang taon ka sa Japan nun diba.... Kung hindi ka umuwi dito, hindi mangyayari lahat ng to. At Taeh, gusto ko malaman mo na sobrang thank you sa pagmamahal mo saakin tsaka.... Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo.” sabi ko sakanya at alam kong hindi niya inaasahan na sasabihin ko lahat ng yun. Hinawakan ko siya sa kamay niya at pinunasan niya yung luhang tumulo sa pisngi ko.
“I love you Taeh.” sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit dahil sobrang iyak ko ngayon at hindi ko alam paano patitigilin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...