TAEH’S POV
Ang sakit ng ulo ko... Binuksan ko ang mata ko at ang liwanag. Di pa naman siguro ako nasa langit noh! Aww.. Ang saket sa tiyan at ang saket sa ulo haist! Kung anong suot ko kahapon yun parin pero nasa condo na ako. Uupo na sana ako sa kama nang may magtulak saakin ulit pahiga! WTF! Sino to?!
“JUNGKOOK?!!!!” nagulat ako nang makita kong hawak niya yung favorite headband ni Chachi. Naiwan niya siguro dito... “Bakit nasa iyo yan?!”
“Aminin mo! Gusto mo ba mabalik si Chachi sayo?!” tanong niya nang nakangisi. May pinaplano nanaman tong ilong nato eh!
“Bakit naman?! Aanhin ko yon?! Eh ayaw na nga saken diba? Mukha ba akong sardinas para ipagsiksikan ang sarili ko? No, Man!” sabi ko at nag-iwas ng tingin kay ilong. Sh*t tinrap nanaman ako ng mga ugok na to! Hayop talaga! Di ko rin maintindihan ang sarili ko at naging kaibigan ako ng mga to! Tinulak ko si Jungkook para makatayo at saktong nauntog naman siya sa side table. Boom ilong! Dejoke!
“Ang langhiya mo naman pre! Aminin mo na! Wag kang magpakabakla ano ba!” sabi ni Namjoon saakin kaya tumayo ako at hinarap siya! Sinong bakla?!!!
“Anong bakla?! Sinong bakla?! Ito? Bakla?!!! Huh! Ako ba hinahamon mo ha!” sigaw ko at pinigilan ako ni Hoseok. Kainis kase eh! Nakakainis alam niyo yon?!!!! Hays! Bakla ba namn ang itawag saakin?! Nakakainsulto!
“Fine! Kung lalaki ka, ipaglaban mo naman si Chachi! Watch and learn!” sabi ni Namjoon at tinulak ako palabas ng kwarto. What?! Anong watch and learn?!
“Anong pinagsasabe mo ha?!” sabi ko pero hinila nila akong lahat hanggang sa makarating sa Van. Ano raw?! Saan kami pupunta?
“Bro, dumamoves ka! Breezy moves! Kapag umalis kami, akbayan mo ganun! Halikan mo!” sabi ni Seokjin na ikipinagtaka ko. Seriously? Saan nila ako dadalhin? Mukhang nabasa naman ni Yoongi ang nasa isip ko. “THE STORAGE ROOM!!!” sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
“Ayoko!” sabi ko at lalabas na sana ng van pero pinaandar agad ni Namjoon ng mabilis. Mga gago talaga! Arghhhhh!
“Ikaw si Taeh diba?! Pakitaan mo nga kami!” sabi ni Kookie na may sabay pang akbay saakin. Hala! Nagulat ako nang iblindfold ako ng kung sino man! Oyyy!
“Oyyy! Bakit may ganito pa!” tanong ko na pasigaw at pilit tinatanggal pero may isang nagtali sa dalawang kamay ko. Hayop talaga! Kapag ako nakawala dito, pupusitin ko ang ilong ni Jungkook! Tutusukin ko ang makapal na labi ni Seokjin! Papupulahin ko ang maputlang balat ni Yoongi! Paiikliin ko ang baba ni Hoseok at higit sa lahat, sisirain ko ang lahat ng shades ni Namjoon. Tss. Sa aming anim, ako ang pinakagood-looking! Oryt!
***
YOORAI’s POV
Nakaupo lang ako sa tabi ni Chachi na kanina pa nakayuko sa may table. Di ko nga alam baka tulog na to. Di ko na kase nakausap dahil pagpasok, inaya agad ako dito sa canteen tsaka yumuko. Pagod na pagod nanaman kase sa trabaho siguro. Nagpamasahe pa nga ng likod saakin kanina. Ewan ko ba sa babaeng to. Ang kulit eh.
Tumayo ako tsaka lumayo ng konti para sana sagutin ang tawag ni Kookie kase binaba. Shunga lang? Binasa ko nalang yung text message niya.
‘Rai, pakidala si Chachi sa Storage Room ah! Ikaw na bahala umisip ng paraan paano. Love you!’
Minsan nakakatampo na tong ilong na to eh. Hindi na ako nilalambing. Laging ganito kaya umupo ako ulit sa tabi ni Chachi tsaka yumuko na din. Damayan ko nalang yata tong bestfriend ko sa pagtulog eh. Bukod kase sa pagod to sa trabaho, sigurado ako kahit ilang beses sabihin niyang wala na.siyang pakialam kay Taeh, iniisip parin nito si Taeh at yung problema nila.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...