/Chachi's POV/
Pinauwi ko na si Yoorai dahil hinahanap na siya sa bahay nila. Tsaka gabi na din kase at sobrang dilim pa naman sa labas.
"Okay ka lang talaga? Wag ka magbibigti ah!" sabi niya saakin at hinawakan ako sa likod para patahanin. Wala akong oras para makipag-biruan. Naiiyak talaga ako I swear! Grabe Taeh! Hinatid ko na siya sa pintuan at pagkalabas niya, doon ko nalabas lahat ng iyak ko sabay punta sa kwarto.
Dumapa ako tsaka binaon ang mukha ko sa mga unan tsaka umiyak ng sobrang lakas. Dito ko lang mabubuhos ang sama ng loob ko at sakit nung makita ko yung picture ni Taeh na may kahalikang babae sa labas pa talaga ng coffee shop. Ano yon? Nagdate pa sila?! Sus! Meeting pala ha. Meeting sa babaeng yon?!!!
Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng condo. Baka siya na yan. Tss. Di ko talaga siya papansinin. Nandito kase ako sa dati kong kwarto dahil nilipat ko ang mga gamit ko dito. Ayoko muna siya makatabi. Tss... -_-
Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako sumagot. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at nakita niya akong nakadapa. Lumapit siya at tiningnan kung napano ako. Bahala ka sa buhay mo leche ka!
"Uy napano ka? Bakit ka nandito?" tanong niya at hinawi ang buhok ko kaya niya nakitang umiiyak ako. 'Umiiyak ka?" hindi puta! Tumatawa ako! Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tumalikod sakanya. "Chachi!"
"Bahala ka sa buhay mo." tumayo ako tsaka lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Kakain nalang ako. Ayoko na maalala pa yun. "Wag mo nga akong sundan!"
"Ano ba nangyayari sayo ha?" tanong niya at nilapitan ako tsaka hinalikan sa pisngi. Ihhhhhh malay malay ko ba kung natouch yan sa lips nung babae niya! Yuuuuck!
"Lumayo ka nga saakin!" sabi ko at nilalayo ang sarili ko sakanya kaya nagtaka siya. Nakakainis. Sinungaling tong alien na to! Sabi magme-meeting! Iba pala ang pagme-meetingan eh!
"Ano to?" napatingin ako sakanya at kita ko nalang na hawak niya yung envelope ng mga pictures na nagpadala saakin kaya nanlaki ang mata ko. Owshit. Binuksan niya ito at napalunok ako dahil tiningnan niya ako. "San mo galing to?" seryoso niyang tanong.
"Di ko alam. Basta may kumatok sa labas at binigay saakin yan." sabi ko lang dahil yun naman talaga ang totoong nangyare diba? Tumayo ako at pupunta na sana sa kwarto nang hawakan niya ako at yakapin niya.
"Di yan totoo." ano daw? Sus kitang kita na nga sa picture sasabihin pang hindi totoo? Di ako bulag! "Siya si Eun-Jin" sabi niya at humiwalay ako sa pagkakayakap niya.
"Di ko naman tinatanong kung anong pangalan niya ah." sabi ko at hinarap ako ni Taeh sabay hawak sa mukha ko at ninose-to-nose pa ako. Ano ba Taeh. Ang gwapo mo! May babae ka lang kaya nakakainis. Ihhhhhhh! Bakit ganuuun! Kaya ayokong mag-asawa ng gwapo at hot eh! Ihhhhhh ikaw nga lang na reader pinagnananasaan ang asawa ko! Aminin mo huta!
"Sus. Halata namang nagseselos ka hahahahahaha." gageu. Tawa pa more! Sige ha! Humiwalay ako sakanya pero eto siya niyakap ako sa likod at binulungan ako. "Yung picture na yun, hindi ko siya hinahalikan ano ba. Inayos niya lang yung neck-tie ko." what?!!!! Kahit na! Inayos ang neck-tie!!!
"What?! Inayos ang neck-tie?! Sus! Nagpaayos ka naman! Lumayo ka nga saakin. Amoy babae ka. Grabe naman makadikit sayo. Ang baho lang naman ng pabango niya. Tsaka nakatalikod siya diyan sa picture. Malay mo paghumarap wala pa sa paa ko yan. Tss."
"Oo naman. Syempre mas maganda ka sakanya noh." niyakap niya ako at... "Yung mga kiss ko sayo lang yan. Yan." sabay kiss saakin sa pisngi. "Yan pa." sa noo. "Eto pa." sa ilong. "At ito." at sa labi pero hindi smack kase ang tagal. Sinagot ko yung kiss niya at humawak ako sa batok niya. Oo na. Kinikilig na ako...... Huhuhuhu kenekeleg eke se esewe ke.
"Oo na sige na. Baka saan nanaman mapunta to." sabi ko at hiniwalay na ang yakap sakanya. Sobrang sweet niya, baka saan kami mapunta. Baka mapunta nanaman kami sa langit. Shoooooocks! Anong pinagsasabe ko!!!! Ewww. Yung isip mo Chachi nadudumihan na. "Tsaka may kasalanan ka parin."
"Ano nanaman, Babe?"
"Wag mokong maBabe babe! Kahit di kayo naghalikan, nagpaayos ka parin ng neck tie mo hayop ka talaga!" sabi ko at pumunta na sa kwarto. Siya naman tinawanan lang ako. Bah! Asawa niya ako natural lang na magselos. Magtaka siya kung hindi ako nagselos. Iba na yun..
Tumawa lang siya at ininom yung tubig na nasa side niya. At inaya ko na siyang matulog. MATULOG. Matutulog lang. As in magkatabing magkayakap! Ganun! Nako Taeh ha! Kahit pa! Nagpaayos parin siya ng neck tie huhuhu. Palalagpasin ko to pero kapag naconfirmed kong nambababae nga talga si Taeh, nako!!!
Kinabukasan....
Pinaghanda ko na ng almusal si Taeh bago siya pumasok dahil pinapapasok siya ni Dad sa office ng maaga. Pagkatapos niyang kumain, hinalikan ko lang siya sa lips tsaka hinatid sa pintuan ng condo unit.
"Uwi ka agad." sabi ko at tumango lang siya tsaka umalis. Huta! Baka nga magkasabay lang kami umuwi. Bakit? May plano ako hehe.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa kama at nagbihis na. Tinawagan ko si Yoorai at mukhang bagong gising pa yata. Oh sarreh!
"Rai! Aalis tayo! Bilisan mo! Papunta na ako!" sabi ko at ibababa na sana nang magsalita pa. Aishhhhh! Daldal eh!
"Saan nanaman tayo pupunta?"
"Huwag na madaming tanong!"
++++
Bangtan_ShugaXx: short UD lang po hehe. PLANETANG 29.2 means part 2 ng planetang 29 hahahahaha kaya short lang! Kekekeke. Comments and votes! Lavya all! Huhuhu muah muah xoxo
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanficAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...