“Ano bang kinagagalit mo ha?! Ginawa ko yon para tumulong sa pamilya ko! Hindi mo ba nakikita?! Halos di na makatulog ang parents ko sa mga problema! Kaya nga uuwi si Jimin diba? Para magkatulong kami!” sigaw ko sakanya tsaka binagsak ajg bag ko sa floor. Kelan pa ba kami di nag-away! “Bakit ako ba ang pinagbabagsakan mo ng init ng ulo ha! Dahil hindi nasunod yung gusto mo?! Wag ka mag-alala! Ako na mismo ang magsasama sa parents mo na wag nangituloy ang kasal na yan!” sabi ko at pumunta sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko.
“Fine! Sabihin mo yon sakanila! Tingnan ko lang--” I cut him off.
“Sawa na din naman ako Taeh! Hindi porket mahal kita, hindi na ako magsasawa! Lagi nalang ganito! Sakal na sakal na ako sayo! Ayoko na! Mahal pa kita but I’ll just move on! Wag na tayo magpakasal kundi lang din naman tayo magkakasundo!” sabi ko habang nag-iimpake. I just heard him chuckled. Wow!
“I don’t care! Nakalimutan mo na ba? Na-arrange tayo for a purpose! Para makuha ang mana namin kay Lolo! You can’t do that!” sabi niya at hinarangan ako sa pinto. Ngumisi lang ako sakanya at tinulak siya kaya napaurong siya.
“Why don’t you tell your parents to find someone for you?! Yung tipo ng babaeng pagtitiyagaan ka at hinding hindi magsasawa sayo! Tumabi ka!” tinulak ko siya at nagmamadaling lumabas ng condo. I’m not expecting him to run after me. Wala na kaming pakialam sa isa’t isa ngayon. And yes! Tama ako! Hindi niya ako hinabol. Well, he doesn’t care? Naman! Mukha bang may pake ako ha?! Sumakay na ako sa elevator at nagdecide na umuwi kina Mama.
***
Since walking distance lang naman, naglakad na ako tsaka tiningnan ang bahay namin mula sa malayo nang makakita ako ng nakaparadang truck sa labas kaya tumakbo ako. Pagdating ko sa harap ng bahay, nakita kong nagliligpit ng gamit sina Mama.
“Ma, saan kayo pupunta?” tanong ko at si Papa na ang sumagot.
“Lilipat na tayo ng bahay. Or should I say sa isang apartment. We can’t live here. We doesn’t own this anymore.” parang galit na sabi ni Papa tsaka naglakad na at tumulong sa paglilipat ng mga gamit. Hanggang ngayon pala.hindi parin sila ayos ni Mama. Tinapik lang ako ni Mama kaya tumango nalang ako at sumunod sakanila.
Bumyahe kami papunta sa bagong bahay. Pero gaya ng sabe ni Papa, apartment nga. Pagdating namin pinipilit kong isink in sa utak ko ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. “Pa, ito na ba yon?” tanong ko at pumasok lang sina Papa sa loob ng gate habang hawak ang ibang gmit. Hindi kase ako sanay... Ang liit. Parang 1/4 lang yata ng bahay namin to eh.
“Kailangan mo munang pagtiyagaan to nak. Wala tayong magagawa kundi magtiyaga. At makakalagpas din tayo sa problemang to.” sabi ni Mama. To be honest, sa isip ko, si Mama ang iniisip kong may kasalanan ng lahat ng to. Hindi na ako nagsalita at umakyat sa taas.
Seriously?! Ito na yung kwarto? Hindi naman nga yata kasya lahat ng gamit ko dito! Ang sikip. Parang nakakakulong naman dito! Nilapag ko sa higaan ang mga gamit ko nang pumasok si Papa sa kwarto at may sinabi saakin...
“Kapag dumating ang kapatid mo, pwede bang hati muna kayo dito? Pagtiyagaan muna ha.” sabi niya at hindi na ako makasagot. Bukod pala sa maliit to, may kahati pa ako. I hate it pero gaya nga ng sabi ni Papa. I need patience... Kahit minsan ubos na ubos na.
Kelan kaya to matatapos? Haist. Teka oo nga pala. May assignment pa kami ano ba yan! Dahil sa assignment na yon, naalala ko na ang magulang pala ni Taeh ang nagpapaaral saken ngayon. What if, tawagan ko si Tita Emma at sabihing wag na nila akong paaralin. Wala na din naman kaming koneksyon ni Taeh kaya walang dahilan para ituloy pa nila ang pagpapaaral saakin.
Bahala na.
***
Kinabukasan...
“Chachi! Chachi! Nakita mo na?” sabi ni Yoorai kaya nagtaka ako kung ano. “Eto oh! Yung rankings! Napano ka? Bakit nawala ka sa top?!” tanong niya saakin kaya kinain ko nalang yung cupcake na hawak ko. Aba ewan ko! Kasalanan ko bang yan lang ang makakaya ko sa ngayon?
“Eh kung huminto kaya ako sa pag-aaral tsaka magtrabaho nalang? Baka mas lumaki pa ang sweldo ko.” sabi ko tsaka tumayo pero pinalo ako ng malakas ni Yoorai kaya nagreklamo ako. May napapansin ako dito ah! Panay ang pananakit saakin! Hays!
“Gaga! Itigil mo yang pagtatrabaho mo tsaka ka magfocus sa pag-aaral!” sabi niya pero napangiti lang ako ng mapait.
“Sa sitwasyon namin ngayon, sa tingin mo makakakain pa ang pamilya ko kung hindi ako magtatrabaho? Hindi ganun kadali yon.” totoo naman.
“Ano ka ba. May pinag-aralan ang parents mo. Pwedeng pwede sila mamasukan kahit saan! Ang kaibhan nga lang, hindi na kayo kasingyaman ng dati. Ibang iba na ngayon, Chachi.” sabi niya at napaisip ako. Kaya nga ako tumutulong eh para mabawi namin kung anong meron kami dati. -_- “Tsaka ayusin mo ang studies mo. Nakakahiya kay Tita Emma kapag nalaman niya yan.”
“Kaya nga papahintuin ko na si Tita Emma sa pagpapaaral saakin lalo na wala na kami ni Taeh. So no reason para pag aralin pa niya ako.” halata naman ang gulat niya sa sinabi ko. Hay nako.
Hinawakan niya pa ako sa balikat habang nanlalaki ang mata. “What do you mean!!!”
“Isa lang ang masasabi ko. HE’S NOW FREE! Magagawa niya na lahat ng gusto niya nang walang kumokontra. Isn’t a happy time?! Wow!” habang sinasabi ko yan, parang gusto ko ng lumuha. Hindi naman kase porket pinakawalan ko na siya, hindi ko na siya mahal. Kase sa totoo lang, mahal na mahal na mahal ko siya! Mas mahal ko pa siya higit pa sa buhay ko! Pero bakit ganun? Ang laki ng pinagbago niya! Gusto ko ng mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang unfair diba?! Sobrang unfair! Nasasaktan kaya siya ngayong wala na ako sa buhay niya?! Syempre hindi. Wala na siyang pakialam. Baka nga ni pangalan ko hindi niya na inaalala ngayon eh. Pipilitin ko nalang siguro ngayong magmove on. “Wag siya mag-alala. Ako mismo magsasabi sa parents niya na wag ng ituloy ang kasal! Tutal tiniis lang naman niya ako nung ayaw nina Tita Emma na
***
JUNGKOOK’S POV
“Ano ba! Tigilan mo na yan. May practice pa mamaya oh! Wag ka na nga uminom!” sabi ko kay Taeh dahil hindi namin mapigilan. Kanina pa to inom ng inom eh. Noon, napakapasaway niya, ngayong sinukuan siya ni Chachi, tsaka siya nagdadrama dito! Ang alien!
“Pwede ba Taeh! Akin na nga yan!” sigaw ni Namjoon tsaka kinuha yung hawak ni Taeh na bote ng alak. Pero kinwelyuhan lang siya ni Taeh.
“ANO BANG PAKIALAM NINYO HA! WALA! IBALIK NIYO SAKEN YAN!” sigaw niya na dinig na dinig sa buong gym. Tinapon ni Namjoon ang bote ng alak kung saan kaya nabasag tsaka naman tumulo ang luha ni Taeh. Nakakainis kase!
“Ano?! May magagawa ka pa?! Magpasalamat ka Taeh, hindi ka pa namin sinusukuan. Kahit sa totoo lang, malapit na! Ayaw naming mag-isa ka! Lalo na iniwan ka na ni Chachi! Taeh, tanggapin mo na! Sinukuan ka na niya! Hindi ka matutulungan ng pag-inom mo!” sabi ni Namjoon kaya walang nagawa si Taeh kundi bumagsak at mapaupo nalang sa floor. Tinulungan namin siya nina Jin na tumayo tsaka hiniga sa kama. Napakaproblemadong tao eh!
“Tawagan natin si Baek.” sabi ko. Siya ang mas nakakaalam sa kapatid niya. Siya lang ang makakatulong saamin. Tinawagan naman ni Yoongi si Baek kaya pumunta muna ako sa isang sulok para sagutin ang tawag sa cellphone ko. Bakit tumatawag nanaman si Rai?
“Oh bakit.” sagot ko.
“Kookie! Kinausap ko na lahat lahat si Chachi kaso ayaw eh. Hindi ko na mapigilan.” sabi ni Rai kaya napatingin nalang ako sa labas at lumalim ang isip. Tss. Paano ba to? Hindi pwedeng mawalan sila.ng koneksyon sa isa’t isa.
“Tutulungan naten silang magkaayos.” sabi ko at napangisi. Kung gusto ni Taeh na bumalik sakanya si Chachi, gagawan niya lahat ng paraan! At isa na doon ang sumunod sa plano namin. Hindi naman namin matitiis ang kaibigan namin noh.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
Fiksi PenggemarAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...