Sa kakahintay ko ng 2 oras na sana dadaan siya, wala, hindi man lang dumaan... Tumayo nalang ako tsaka kinuha ang bag ko. Uuwi nalang siguro ako kesa maghintay pa ako dito. Wala din naman eh. Sumakay nalang ako sa bus dahil naisip kong umuwi muna kina Mama at Papa. Maboboring lang kase ako sa bahay namin ni Taeh eh. Pagkasakay ko, nagsuot muna ako ng earphones... Woh.
♪If I got locked away,
♪And we lost it all today,
♪Tell me honestly would you still love me the same?
♪If I showed you my flaws,
♪If I couldn't be strong,
♪Tell me honestly would you still love me the same?
Tinapos ko lang ang kanta at pinatay na ang cellphone ko. Nakakainis yung songs eh. Nang makarating na ako sa kanto, agad akong bumaba tsaka naglakad nalang. Tutal malapit lang naman eh. Paglakad ko, nakita ko na ang bahay namin kaya dere-deretso na akong pumasok.
"Scrappy! Musta na ang bebe ko!" sabi ko tsaka lumuhod para himasin tsaka halikan si Scrappy. Isang Siberian Husky na regalo saakin ni Mama. Awww. Namiss ko tong aso na to. Hindi kase sumama sa condo eh. Niyayakap ko lang siya tsaka naman ayaw na akong bitawan. Aww. Ang cuuute! Papasok na sana ako nang may marinig akong sigawan sa loob. Ano yon? Napatayo ako tsaka pinakinggan. Bakit nagsisigawan sina Mama at Papa?
"You don't understand me!" sabi ni Mama at narinig kong parang umiiyak na siya. Ano bang pinag-aawayan nila?
"Talagang hindi! Dahil hindi ko maiintindihan yang pagbenta mo sa bahay naten at dun sa kotse naten para bayaran ang mga utang mo! Kelan ka pa natutong umutang?! Ang gastos gastos mo kase! Hindi ka marunong humawak ng pera! Ano na ngayon ang ipambubuhay naten ha?! Sige! Ngayon, nabayaran mo na yung kalahating bilyon na utang mo! Ngayon, paano pa tayo mabubuhay kung pati yung kumpanya wala na saatin?! Sabihin mo!" sigaw ni Papa at parang tinusok yung dibdib ko. Anong nangyayari? Nagsalita na ako para tumigil sila...
"Dad, Mom..." nasabi ko lang tsaka napatulo ang luha ko at pinunasan ko ito ng panyong hawak ko. Nakakaiyak lang dahil first time kong makitang nag-away sila.
Nagulat sila nang makita ako. Yumuko lang ako pero nakita kong umakyat na sa taas si Papa. "Hey! Douglas! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Don't you dare turn your back on me!" sigaw ni Mama at binato pa ng sapatos yung stairs... Tama ba yung mga narinig ko?
"I already did!" sigaw ni Papa mula sa taas at nilapitan lang ako ni Mama tsaka hinawakan sa mukha. Ayaw na talaga tumigil sa pagtulo ng luha ko.
"Anak! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya pero inalis ko lang ang kamay niya sa mukha ko.
"Tama ba lahat ng narinig ko, Ma? Binenta mo lahat? Pinamana ni Lolo saatin tong bahay tsaka ang kumpanya. Bakit mo nagawa yon?" sabi ko pero napaisip siya kaya alam ko ng totoo. So kailangan ko na palang masanay na wala na saamin lahat.
"Anak...."
"Happy birthday to me, Ma. Such a wonderful gift..." sabi ko tsaka naman lumapit saakin si Scrappy kaya lumuhod ako para yakapin siya. "Dadalhin ko na siya. Balak ko pa naman na dito magstay, kaso wag nalang. Wala palang pinagkaiba..." sabi ko habang lumuluha parin. Lumuhod din si Mama at hinawakan ako.
Napapapikit na siya sa kakaiyak pero niyakap niya ako. "Bakit anak... May problema ba kayo ni Taeh?" sabi ni Mama pero tumayo ako tsaka inalis ang kamay niya saakin.
"Ayusin niyo muna ang problema niyo ni Daddy bago niyo ako pakialaman," sabi ko tsaka umalis. Mas lalo yatang nadagdagan ang sama at sakit ng loob ko. Sana pala hindi ko nalang binalak na pumunta dito.... Sana talaga. Dahil sawang sawa na ako sa mga problema at pananakit saakin.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...