PLANETANG 43

1.8K 79 8
                                    

CHACHI'S POV

Kumuha muna ako saglit ng pagkain sa ref tutal naman madami-dami tong binili saakin kagabi. Nandito kase si Yoorai at sumugod nanaman para lumamon. Eh kung ipakain ko kaya sakanya yung buong ulo ng lechon? Pero joke lang kawawa naman kung maaga matigok to.

"Kaaga-aga sumusugod ka dito." Sabi ko sakanya at nilapag yung mga nabiling pagkain kagabi. Huy masarap yan nuh. "Nandito ka anong oras palang. Ako ba asawa mo ha?"

"Pwede rin. Hahahaha bakit may nararamdaman ka ba para saakin?" Tiningnan ko siya na parang... yeyks. Kadere. Di ko ma-take -_- swear.

"S. T. F. U. Kadiri ka yuck ewww. Swear matuto ka mangilabot. Alam ko sobrang ganda ko na nakakalalaki na pero.. wag naman. Nakakapangilabot kase." Sabi ko sakanya na tumawa lang siya. Tanggap naman niya yun eh. Na mas maganda ako sakanya actually since birth talaga higit na ako sakanya. Hahaha joke lang.

"Maganda ka? Change topic nalang. Pero gaga ka, himala nagkalaman yang ref mo. Sa pagkakaalam ko kase, kahit isang Gardenia lang nanghihinayang ka pang bilhin sa grocery. Aba! Ang galing eh nuh." Sabi niya sabay lamon nung kinakain niya tsaka yung hot coffee. Ang fab ko kase. :) Hindi ba to pinapalaklak ni Jungkook?!!!! Lakas makaistorbo eh.

"Sinabi ko bang ako bumili niyan? Luh ayoko gumastos noh." Sabi ko at sinabayan siya sa pagkain niya. Ayoko yata nito. Nag-iba bigla ako ng taste. Pumunta ako sa kusina tsaka naghanap ng makakain. I think oatmeal will do.....

"Huh sino?" Tingnan mo to. Kung kelan lumalaklak tsaka nagtanong kung kanino galing.

"Si Taeh. Binili niya lahat ng yan kagabi." Sabi ko at habang gumagawa ng oatmeal ko. Dahil nakatalikod ako, hindi ko siya makita kung anong reaksyon niya. Nang humarap ako, "Anakng! Rai naman! Nagkalat ka pa! Linisin mo yan!!" Sigaw ko tsaka tinapon sakanya yung basahan. Tinapon ba naman yung kinakain niya.

"S-Si Taeh?! As in Kim Taehyung?! Akala ko ba........ hiwalay na kayo nun?" Sabi niya.

"Hiwalay nga. Kase nandito ako siya nandoon. Ang layo diba." -_- kahit ako kapag sinagot ng ganyan, maiinis ako.

"Seryoso... may relasyon ba kayo ulet?" Ayy sineryoso nga niya.

"W-Wala. Magkaibigan lang kami ni Taeh. Wag mo ngang bigyan ng meaning yan! Kumain ka nalang diyan!" sabi ko sakanya at iniwanan siya. Punta nga muna ako sa kwarto. Sabagay maliit lang yung condo maririnig ko naman kapag dumakdak tong gaga.

"Ha? Balita ko nga kay Jungkook eh ano daw kayo."

"Ano nanaman?!"

"Sabi ko nga friends." -_- lumabas na ako para iligpit yung kinalat niya dahil nagkagana tuloy ako biglang magshopping. "Pero di mo ba naisip? Single ka tsaka si Taeh. Pwede pa naman girl diba? Hahahaha thousand chances. Ilang beses na nga ba kayo nagkahiwalay?"

"Single? Tanga ka ba Rai? Anong single? May girlfriend yun." Sabi ko habang naghuhugas ng plato.

"Eh parang hindi naman mahal ni Taeh yun eh. Halatang pilit lang!" Sabi niya kaya bigla kong nabitawan yung hawak kong plato. Ano bang pinagsasabe nito? Makikipaghiwalay ba saakin yung lalaking yun kung hindi niya yun mahal? Sus. "Baka nga gusto ka pang ligawan ni Taeh eh."

"Yoorai, tama na." Sabi ko lang at dahil nakabihis naman na ako, naghugas nalang ako ng kamay at kinuha na yung bag ko. Bahala na. Umalis na kami sa condo at si Yoorai na yung drive ng kotse daw niya. Mukha ngang carnap lang eh. -_-

Nang makarating na kami sa mall, inaya niya nanaman ako kumain. Ihhhh puro nalang kain.

"Oh anong hinihintay mo? Hindi ka mag-oorder?" Tanong niya habang hawak yung menu at umiling nalang ako. Ayoko nga. Baka matawag nanaman akong..... baboy. -_- "ayy nahiya naman ako. Iced coffee nalang please." Sabi niya sa waiter.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon