TAEH'S POV
"Maaaark!!! Walanghiya ibaba mo ako oyy!" kainis. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga beach chairs at nakacrossed-arms pa. Ginagawa ko? Pinapanood sina Chachi at Mark na magharutan sa dagat. Nagseselos ako? Tss hindi noh!!! Bakit naman ako magseselos sa dalawang yan? Bakit ko ba sila pinakikialaman eh may girlfriend naman ako... Sabagay, buhay nila yan bahala sila sana malunod na sila tss. "Mark ano baaaaa! Waaaaah!" inirapan ko lang silang dalawa.
Makatili ang Chachi na to ang lakas lakas. Nakasakay kase siya sa likod ni Mark at ayaw siya ibaba. Tss. Ang landi ng lalaking to. "Hon, palagay naman ako ng lotion sa likod oh." napatingin ako sa nasa harap ko na si Eun-Jin pala. Tumango lang ako at humiga naman siya sa harap ko.
Ang arte nito. May napansin ako. Mas sexy pala si Chachi kesa kay Eun-Jin. Teka pucha bakit ganito ang pinagsasabi ko? Baliw na yata ako. Pinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng lotion sa likod ni Eun-Jin pero para akong tanga na nasa iba ang tingin. Parang gusto ko hilain si Chachi doon at nakakainis lang dahil hindi yun pwede. Baka ano pang isipin niya nuh.
"Hon, nasasaktan ako." reklamo ni Eun-Jin dahil napadiin yata. Tinanggal ko na sila sa isip ko pero nakakainis talaga kapag naririnig ko sila. Tss. Pwede ba sila lumayu-layo? Nakakairita kase lalo na kapag naririnig kong tumitili yung maliit na boses ni Chachi sa Mark na yon! -_- nakakairitaaaa! "Ano ba kaseng tinitingnan mo?" tanong ni Eun-Jin at tiningnan din sina Mark at Chachi tsaka inirapan.
"Nakakainis to. Nagasgas tuloy ako sa legs! Ayaw mokong ibaba kanina eh." sabi ni Chachi at kasama si Mark na kakaahon lang nila. Di ko sila pinansin at kay Eun-Jin nalang itinuon ang atensyon ko. Pero nananadya yata sila... "Sorry na. Gamutin ko nalang mamaya." Tss.
Pag-alis nila di ko alam pero bigla kong tinapon kung saan yung bote ng lotion. Nakakainis talaga!!! Tumayo ako at iniwan si Eun-Jin at hindi naman niya ako sinundan. Buti naman! Dahil uminit bigla yung ulo ko baka ano pang magawa ko sa babaeng yun kapag kinulit nanaman ako.
**********
CHACHI'S POV
Tawa kami ng tawa ni Mark pagkapasok sa room ko. Paano naman kase. Yung mukha nung alien parang papatayin na kaming dalawa. "Nakita mo yung mukha niya? Hahahhaha oh bilib ka nanaman kase niyan saakin noh." yabang din pala nito.
"Hahahaha baliw ka na talaga. Di ko alam bakit mo ginawa yun basta naki-ride lang ako sayo pero tawang tawa talaga ako sa reaksyon niya OMG! hAHAHAHA!!!!" sabi ko pero binatukan ko din naman siya pagkatapos ko tumawa. "Bago ka tumawa, gamutin mo muna yung sugat sa legs ko. Totoo yun nuh."
"Totoo pala yun hahhahhaha!!!" sabi niya at tinawanan pa ako. Nasugat to nung sa dagat ayaw niya ako ibaba kaya nagasgas sa mga shells at pebbles doon. "Sandali kukuha lang ako ng gamot sa kwarto ko. " sabi ni Mark at lumabas naman para daw kumuha ng gamot. Humiga lang ako sa kama at umidlip sandali.
**********
TAEH'S POV
Magpapahinga na sana ako sa kwarto at lalo akong nainis nang makitang galing si Mark sa loob ng kwarto ni Chachi. Putang-- Anong ginagawa ng lalaking to sa kwarto ni Chachi? Nakita niya ako at muntik na akong masuka nang ngitian niya ako bigla. Pwe!!! Hindi ko lang siya pinansin at pumasok sa kwarto ko.
"Nakakainis." Ewan ko rin bakit nasabi ko yon kaya pinunit ko yung dyaryong nasa tapat ko. Bakit nga ba ako naiinis? Siguro dahil harap-harapan sila kung magharutan? Pwede namang itago at---- hindi wag. Baka ano pang gawin nila kapag walang tao... baka bigla silang maghimala. Panget yun... "Sabagay.. gawin man nila yon, ako naman nakauna sakanya. " aghhhh oo na gago na kaseeee!
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...