PLANETANG 46

1.9K 85 18
                                    

CHACHI'S POV

Napatingin ako nang bumukas yung pinto ng kwarto at lumabas si Taeh na bagong gising lang. Magulo pa ang buhok ng lalaking to. Kumain lang ako habang siya naman bumagsak sa sofa. Jusko ang tamad naman nito.

"Hoy kumain ka na. Para makapasok ka na sa office mo. Lumayas ka na nga dito." sabi ko sakanya pero hindi ako pinakinggan at natulog ulit sa sofa. Jusme. Siya pa tong may gana matulog eh ako na ngang hindi nakatulog dahil sa katabi ko siya kagabi. -_-

Inirapan ko lang siya at bigla namang may nagdoorbell sa labas. Oh tingnan mo napaayos tong lalaking to. "Sino yon?" tanong niya saakin. Aba malay ko. Nakita ko na ba?

"Bakit hindi kaya ikaw yung magbukas para may silbi ka nuh." sabi ko at tumayo naman siya tsaka binuksan yung pinto. Oh bakit ang tagal nun. "TAEH! SINO YAN?" sigaw ko pero hindi sumasagot kaya napilitan akong pumunta nalang doon.

Gageu hindi ako sinasagot ene be yen.

"Sino ya--MARK?!" nakangiting sabi ko at agad tumakbo para yakapin si Mark. Bakit agad ko namiss to? Eh samantalang kagabi ko lang naman nakita. Pinatabi ko si Taeh para papasukin si Mark. Wieeee buti dinalaw niya ako. Parang may someone kase akong gusto makita and finally, alam ko na sino. Hehehe. "Buti dumalaw ka."

"Ano ka ba. Nasa harap lang ako oh." sana nga minsan ako naman pupunta sakanya. Hehehe.

****TAEH'S POV

Tss. Bakit ganun niya yakapin ang lalaking yon? Eh samantalang mas mabango naman ako sakanya noh! Pinatabi ako ni Chachi para papasukin yung Mark na yun at pumunta naman sila sa kusina kaya sumunod na ako. Hindi ba mas maganda kung kakain kaming tatlo ng sabay? Hmmm.

Habang naghahanda si Chachi, tiningnan ko si Mark. As in eye to eye. Malusaw ka gagu. Magkatapat lang kami at napansin niya naman yunh malalim na pagtitig ko sakanya. Hindi ako nababakla!!! Sadyang naiinis lang ako sa pagmumukha nito! Hamak naman na mas gwapo ako at mas mabango kesa dito pero bakit grabe sila ni Chachi?

Nang tumingin din siya saakin, nginisian lang ako ng gago. Aba nananadya yata. Napahawak nalang ako sa jawline ko habang nakatingin sakanya. Marealize mo sanang mas gwapo ako sayo.

"Hoy bilisan mo kumain ah. Tapos lumayas ka na. Yung suit mo nalaba ko na kaya pwede ka ng lumayas." sabi ni Chachi saakin habang puno yung bibig. Talagang pinapalayas ako. Tss. Baka kapag lumayas ako, masyado mokong mamiss. Hahahahaha. Magsisisi ka.

"Bakit ba pinapalayas mo na ako eh hindi pa nga ako nakakaisang subo!" masungit kong sabi sakanya at inirapan lang ako. Sanay na ako ganyan naman talaga ugali ng babaeng to. Jusko.

"Masarap ba Mark?" tss.

"Ako hindi mo tatanungin?" sabat ko dahil unfair nuh!!! Yung isa tinatanong ako hinde? Ano yon?!!! Kumakain din naman ako ah. "Paanong hindi masarap eh itlog lang naman nuh." bulong ko naman. Konting magic sarap.lang yan.eh -_- kahit ako kayang kaya ko yan tss.

"Nag-effort ako. Tsaka hindi ikaw yung tinatanong ko ano ba." eh parehas lang naman kami panigurado ng sagot niyan eh.

"Sa susunod, tuturuan kita magluto ng ibang recipe. Siguro mamaya." sabi ni Mark. Whatever. Tuturuan? Baka nga lalandiin mo lang si Chachi eh. Ganun naman ang style niyan eh! Tuturuan magluto tapos yayakapin sa likod kunwari tuturuan maghiwa! Ang galing ko nuh. Dati kong gawain yun eh.

"Ahhh sige. Gusto ko din kase matuto magluto! Syempre alam mo na! Madalas ako magutom ngayon." ba--tinutukan niya ako ng tinidor kaya nanlaki ang mata ko. Oo na alam ko galit ka sakin Chachi pero dafuq?! "Subukan mong ibuka yang bibig mo at sabihan akong baboy. Ikaw ang iluluto ko." parang naiinis niyang sabi at gusto nga talaga akong tusukin. Alangya.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon