[3RD PERSON’S POV]
Pumasok na sina Taeh at Chachi nang magkahawak ang kamay. Naglakad silang dalawa sa may red carpet ng Ball at pinagtitinginan sila ng mga dumalo din. Pinagtitinginan si Chachi lalo na ng mga kababaihang naiinggit sakanya dahil sa pagiging malapit sa BTS.
Nang makita ang mga kaibigan , agad silang lumapit dito at nagsibatian..
“Chachi, you’re so gorgeous!” sabi ni Jungkook kaya binatukan ito ng kanyang girlfriend na si Yoorai. “Ikaw rin naman syempre.” sabi nito at nagnakaw ng halik sa kanyang girlfriend.
Nagpasalamat lang si Chachi sa sinabi ng kaibigan at inalalayan naman ito ni Taeh sa pag-upo. Nagngitian ang dalawa habang nakaakbay si Taeh sa balikat ni Chachi. Nakaramdam naman ng pagka-ilang si Chachi nang ipatong ni Taeh ang braso nito sakanya kaya hindi siya makagalaw ng maayos.
Ramdam niya ang paglapit ni Taeh sakanya kaya binaling nito ang atensyon sa ibang bagay.
***
[CHACHI’S POV]
Hindi ako makagalaw ng maayos at makakilos dahil sa paglapit ni Taeh saakin. Ang lapit lapit namin sa isa’t isa idagdag mo pa ang pag-akbay niya saakin kaya lalo akong nanginginig. Ang init ng katawan niya ay ramdam na ramdam ko din. Hanggang ngayon, nakahawak parin siya sa kamay ko at nag-uusap usap sila habang ako tahimik lang.
“Hindi ko talaga inexpect na aattend ang bruhang to!” sabi ni Yoorai at lumapit saakin para kilitiin ako. Nang kilitiin ako, napalapit naman ako kay Taeh at halos mayakap na niya ako kaya napalayo ako ng konti.
“Yoorai ano ba! Manahimik ka nga!” bulong ko dahil ang likot likot niya. Nakuha naman niya ang sinabi ko tsaka na siya bumalik sa upuan niya at niyakap pa si Jungkook.
“Gusto mo pa?” tanong ni Taeh saakin nang maubos ko na yung salad na kinain namin. Ngumiti lang ako at hindi pa ako nakakasagot nang bigyan niya ulit ako. “Kumain ka ng marami.” bulong niya saakin kaya sinunod ko nalang. Hanggang ngayon talaga nakaakbay parin kase.
“Oo na po.” sabi ko din tsaka napatawa sakanya dahil sinusubuan pa talaga ako. Hindi naman ako bata eh.
“So did I win?” I know what he’s talking about. No. Not yet.
“Konting effort pa.” natatawang sabe ko sakanya. At namula naman ako ng tumawa siya. Gooosh! Ang gwapo niya. Kinurot ko lang siya sa pisngi niya dahil sobrang cute niya.
“Hahaha so ibig sabihin malapit na?” tanong niya nang nakangiti.
“Hindi pa noh! Ang swerte mo naman. Sabi ko 1month eh.” sabi ko lang at nakangiti siyang tumayo tsaka nilahad saakin ang palad niya. Binigyan ko lang siya ng ‘anong gagawin ko’ look.
“Let’s dance.” sabi niya kaya nagsmile lang ako tsaka hinawakan siya sa kamay niya at inaya niya naman ako sa gitna para sumayaw.
“Wuyyyy ayieeee! Baka nagsisikreto kayo ah! Baka nagkabalikan na pala kayo ah. Ang sweet niyo!!!” tukso saamin ni Yoorai. Ang babae talagang ito kahit kailan. Pero paano nga kaya kung nagkabalikan kami? May magbabago kaya? Tumayo lang din sina Kookie at feeling ko sasayaw din sila.
Pero bago yon, may lumapit saaming babae na may hawak na basket tsaka nagtanong.
“Baka po may gustong sumali for Mr. And Ms. AGT Ball.” sabi nito at kumuha si Yoorai nang slips. Sasali yata ang babaeng to at si Kookie as candidates. Well, susupport nalang namin sila. Nagcheers kaming lahat tsaka uminom. Hindi naman malakas. Pampa-enjoy lang. Tumawa lang kami at hinulog na ni Yoorai ang slips na sinulatan niya. Umalis na rin naman ang babae tsaka ako tiningnan ni Yoorai nang nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...