Pagbaba ko, naabutan kong kumakain ng pancit canton si Taeh. Humalik ako sa pisngi niya at umupo na din sa tabi niya. Ngumiti lang siya saakin at nagsimula na akng kumain. Kumakain lang kami at ang tahimik. Since okay na kame kagabi, ako na ang magsisimula ng topic.
“Uhm... Sasabay ka ba--” di pa ako tapos nang sumagot siya.
“Hindi. May practice pa kami eh.” napatango nalang ako sa sagot niya. Ayoko... Ayoko na magcomment baka kase mag-away nanaman kami. Siguro nga kailangan ko ng masanay.... He changed! “Sinong kasabay mo sa pag-uwi?” tanong niya kaya sumagot ako kaagad.
“Si Yoorai nalang siguro.” sabi ko at nagulat ako nang tumayo si Taeh at kinuha na ang bag niya. Hindi pa ako tapos ah. “Oh saan ka pupunta?” tanong ko at hinalikan niya lang ako sa noo.
“Mauna nako sayo. Bye.” sabi niya at nagmamadaling lumabas. Ano ba yan. Di na nga kami magkasabay sa pag uwi hanggang ba naman sa pagpasok? Haist...
Hindi ko na nagawang ubusin yung almusal kong pancit canton. Di ko na kaya. Ayoko na. Wala na akong gana eh. Kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas na din. Nagtaxi lang ako hanggang sa makarating ako sa school at nasalubong ko sina Baek at Bryan kasama ila si Yeonie.
“Hey, Chachi! Good morning!” bati saakin ni Bryan tsaka ngumiti. Okay, kahit man lang fake magsmile ka naman Chachi. Nakakahiya eh. Baka isipin snob ako. So yun nga. Ngumiti ako sakanila at maglalakad na sana nang sabayan ako ni Yeonie.
“Uy sorry ha. Kung umuwi ako sa condo niyo ng lasing. Sorry talaga.” sabi ni Yeonie at sabe ko nman okay lang. Sadyang ang tamlay ko lang ngayon. “Oh bakit ang tamlay mo? May problema ba?” tanong niya at umiling lang ako hanggang sa nakita namin si Yoorai kasama si Kookie. Bat ganun? Feeling ko ako nalang walang kasama...
“Oh nasaan si Taeh?” tanong ni Yoorai saakin. Nagkibit balikat lang ako dahil di ko naman talaga alam kung nasaan siya diba? Nakakainis naman. Nakakatampo!
“Hindi ko alam.”
“Ah... Baka kasama naman niya sina Hoseok ngayon. O kaya sina Namjoon. Sinabihan kase kaming maaga pumasok kaya baka hindi mo nakasabay, Chachi” sabi ni Jungkook at napatango nalang ako. Grabe naman eh.... May naalala tuloy ako.
“Hanggang anong oras nga pala ang practice niyo ngayon, Kookie?” tanong ko at parang nagtaka pa siya. Hinawakan niya ang bag niya tsaka may tiningnan.
“Wala kaming practice ngayon ah. Free time namin to. Bakit?” sabi niya at nagulat naman ako. Hindi man halata, hindi ako makapaniwala. Para kaseng these past few days, natutong magsinungaling saakin si Taeh.
“G-Ganun ba? Bakit hindi mo kasama si Taeh?” tanong ko sakanya at napatingin siya saakin ng nagtataka nanaman. Kailangan ba bawat tanong ko pagtakhan niya?
“Uhm, sasamahan ko lang si Yoorai sa canteen. Pero huling tingin ko kase sa PR, hindi kasama nina Namjoon si Taeh...” sabi ni Kookie at hindi nako magtataka. Ang dami na niyang kasinungalingan eh. “Pero baka nandiyan na.... May problema?” sabi ni Kookie at siniko naman siya ni Yoorai. Umiling lang ako tsaka tumakbo sa kung saan. Bahala na saan ako marating basta tatakbo ako hangga’t gusto ko...
Nadaanan ko yung library at sa tingin ko, mas tatahimik ang mundo ko kapag nagstay muna ako dito. Kaya, pumasok ako at nagswipe ng ID. Pumasok ako tsaka umupo sa isang tabi tsaka kumuha ng isang libro. ‘Books For BrokenHearted People...’
“Haluh! Bakit meron dito?!” nasabi ko na pala ng malakas kaya napatingin yung mga nagbabasa saakin pati na yung librarian saakin. Pero what the hell kase noh! School library tapos may ganitong libro?! STFU!
Hindi ko nalang pinansin tsaka lumabas na ng library. Lalo lang yata akong mababadtrip dito eh. Lumabas na ako tsaka tumingin sa relo ko kung anong oras na. 30 minutes... Bago ang first subject ko. Agad akong naglakad papunta sa room ko para sa first subject. Kaklase ko pala si Taeh dito. Baka nandoon na siya.
Pagdating ko, hindi naman ako nagkamali dahil nandoon na nga siya. Nakasuot ng hood tsaka nakaearphones... Lumapit ako sakanya tsaka umupo sa tabi niya. At dahil mukhang hindi yata ako napapansin ng lalaking to, nagsalita na ako. “Taeh...”
Napaayos naman siya ng upo at ngumiti. “Nandiyan ka na pala...” sabi niya at nagkuskos ng mata niya. Nakatulog pa yata to eh. At dahil nakatingin siya saakin ng matagal, nag-iwas na ako ng tingin dahil nakakailang.
“Yah... Uhm, so sasabay ka na sa pag-uwi niyan mamaya?” yun naman talaga ang itatanong ko dapat eh.
“Diba sinabi ko na sayo na--” Na ano? Na may practice kahit wala?!
“Wala naman kayong practice eh. Sinabi na ni Jungkook. Hindi ka parin ba sasabay umuwi?” nagtatampo kong tanong sakanya. Tumawa lang siya at umiling. Nalungkot naman ang mukha ko. Sana kase.... Sabihin niya bakit ayaw niya sumabay.
“Alam mo...halika nga dito!” sabi niya at nagulat ako nang yakapin niya ako tsaka hinalikan sa noo. Ayy hindi. Nagtatampo parin ako sakanya. Nakapout lang ako hanggang sa hinigpitan niya ang yakap saakin kaya napayakap din ako sakanya. “Oh tingnan mo! Yayakap ka din hahaha.”
“Ikaw kase eh! Hindi ka na nga sumabay sa pagpasok pati pag-uwi parin?” sabe ko tsaka niya ako hinalikan ng paulit ulit sa noo. Humiwalay na ako sa yakap niya at kinuha ang notes ko sa bag tsaka nagsulat nalang... Haist ayaw niya naman akong kasama eh.
***
Lunchbreak...
“Kasama nga pala ni Taeh sina Baek at Bryan ngayon. Siguro naman.. Alam mo diba?” sabi ni Jungkook habang kumakain. Kasama ko kase sina Jungkook, Yoorai, Hoseok, Namjoon, Yoongi at Seokjin. Tumango lang ako tsaka pinagpatuloy ang pagkain.
“Ah oo alam ko. Nakita ko sila kanina. Uhm, Yoorai? Magkasabay ba kayo ni Jungkook na uuwi?” tanong ko at nagkatinginan pa sila.
“Ah oo! Pero kung gusto mo, sumabay ka nalang. Wala ka yatang kasama eh.” sabi ni Yoorai pero ngumiti lang ako. Duh! Bakit ako sasama sakanila? Edi nagmukha akong chaperone! Tinanggihan ko lang si Yoorai at nagpaalam na sakanila ni Jungkook na aalis na ako. Kailangan ko na kaseng pumunta sa next subject ko.
Habang naglalakad, nasalubong ko sina Baek, Bryan at Yeonie kasama ang nakasimangot na si Taeh. Oh napano nanaman? Napahinto ako sa paglalakad para makausap sila.
“Oh! Chachi, papasok ka na sa next class mo?” tanong ni Baek kaya tumango lang ako tsaka ngumiti tinitingnan ko naman si Taeh pero parang ang sunget niya talaga! Pakiramdam ko kapag tiningnan niya ako malalaser ako at lalamunin na ako ng lupa! Hayup naman kase! Ayaw akong pansinin? Meron ba siya? Sumosobra na kase yung moodswings niya noh!
“Yeah. Uhm, sige mauna na ako.” sabi ko tsaka pinuntahan si Taeh para halikan siya sa pisngi kaso parang sinadya niya yatang iiwas. Ano bang nangyayari? Maiiyak na ako! Tiningnan lang nina Baek, Yeonie at Bryan yung ginawa niya. Napaiwas nalang ako ng tingin tsaka nagsimula ng maglakad.
***
Arrrrgh! Nakakainis! Siya ang iniisip ko sa panahon ng discussion?! Sobra na yata yon? “Okay, Class dismissed!” sabi ni Maam tsaka na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Nang makalabas na ako sa room, agad akong naglakad patungo sa Parlmisang bagay lang ang hinihintay ko. Ang sana dumating siya... Sana... Kase nag eexpect ako ng something... Ng isang effort.
Nakaupo lang ako. Yun lang! Nakaupo ng 40 minutes... Tumayo na ako dahil... Wala namang pag-asa eh. Sana man lang pinansin niya ako noh. Pinansin niya lang ako masaya na ako eh. I swear! Kahit isa wala man lang akong nakuhang greetings sakanya. Wow pramis! Ang demo...
Kahit isa man lang ‘Happy Birthday’ wala? Kahit yun lang! Sapat na! Birthday ko tapos hindi ako pinansin. Ang saya diba hahaha isa lang hiling ko... HAPPY BIRTHDAY mula sakanya... Sana naalala niya diba?
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanficAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...