Nagising na ako at bigla akong napatayo nang makita ko si Taeh na nakaupo sa tabi ko kaya agad ko siyang tiningnan at nayakap...
Di ko alam pero bigla akong naiyak sa dibdib niya kaya hinawakan niya ako sa likod para patahanin. "How's my pregnancy?" Tanong ko habang umiiyak kaya hinarap niya ako sakanya at hinawakan sa mukha. Hospital....
"Okay ka naman daw sabi ng doktor. Walang nangyaring masama.... It's just a normal reaction lang naman daw. How do you feel?" Tanong niya habang nakaakbay saakin at inaayos ang buhok ko. What I feel? Masaya. I'm happy being with my baby's father at mas masaya ako kase nalaman kong wala siyang anak sa iba which only means walang kahati sa atensyon. At unti-unting nagbago ang pagtingin ko sakanya. "Chachi?"
"I'm fine." Sagot ko at napatingin ako sakanya dahil hinalikan niya ako sa noo. Is this what my baby wants to see? I guess yes. Dahil syempre konektado kami ng anak ko, ganun kalakas para maramdaman ko siya. "Mas maayos na kesa kanina na nahihilo ako." Dagdag ko pa.
"Take care of yourself. Para hindi ka na duguin ulit. You scared me..." Sabi niya habang inaayos ang buhok ko ulit. From what he just said, I stared at him for a moment. Tinitigan ko siya dahil kitang nag-aalala talaga siya. Hindi man lang ba niya ako lalayuan na parang ayaw niya maniwala na sakanya ang dinadala ko? Hindi man lang siya magtataka? "What's wrong?"
"Naniniwala kang anak natin to? Hindi ka ba magagalit saakin?" Tanong ko sakanya dahil gulat talaga ako sa actions niya. Hindi man lang maninigurado pero nagsasabe naman ako ng totoo ah!
"Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ang nagsabi na buntis ka kaya wala nang dapat siguraduhin. I know..... Hindi ka magsisinungaling. Di mo alam gaano ako kasaya nung nalaman kong buntis ka kaninaAnd you know...." Sabi niya tsaka nilapit ang mukha niya saakin at dinikit ang noo namin. ".....how much I love you." Pagtutuloy niya. And again, he made me fall in tears hanggang sa punasan niya yung luha ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Taeh... Ikaw ang nakausap ng duktor diba?"
Tumango lang siya kaya pinunasan ko yung luha ko at sinabi ang gusto kong kanina pa itanong sakanya...
"Why?"
"A-Anong gender ng bata..." Tanong ko sakanya at napatawa naman siya. Inakbayan niya ako tsaka hinawakan ang kamay ko para ilagay sa tiyan ko.
"Hahahahaha." Tumatawa lang siya ng tumatawa kaya napaurong ako. He's really crazy. Hanggang sa naging seryoso na siya at tiningnan ako ng mata sa mata. "Hindi mo ba sila nararamdaman?" Tanong niya at isang salita ang tumatak sa isip ko. Sila???
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...