CHACHI'S POV
"Oh bakit? Bakit ganyan ang mukha mo? Napano ka nanaman?" salubong saakin ni Yoorai nang umupo siya sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at lalo akong nainis. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag naalala mo yung nangyari kagabi! Lalo na yung pakikitungo saakin ni Taeh kagabi! Lalo tuloy akong naiinis. "Hey! Tell me!"
"Sino bang hindi maiinis?! See what happened?! Where's Taeh?! Wala! Hindi nakapasok dahil nalasing kagabi at inaapoy ng lagnat ngayon! Hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil sa pag-aalaga saakanya tapos pagkagising niya ganun ang paraan ng pakikipag-usap niya?! Sinisira niya ang umaga ko!"
Flashback...
"Pumasok ka na sa school mo." sabi niya at napatingin lang ako sakanya... Seriously?! Sasabihin niya yon saken in a cold way? What?! Totoo ba to? "What are you waiting for? Baka malate ka pa. Hindi mo ba nakikita? Nilalagnat ako kaya hindi ako makakapasok. Common sense, Cha!"
"Wow sorry ha! Concerned lang naman ako sayo. Ano bang nangyayari sayo?! Wala pa naman tayong isang linggo simula nung..." sabi ko at tiningnan niya ako nang mataoim kaya napatigil ako sa pagsasalita at napaatras nang konti. Simula nung naging kami... Kinabukasan palang ganyan na siya. Napapano ba siya?!
"Babalik ka nanaman ba doon sa gabing naging tayo?! Oh sige! Nag-away na nga tayo kagabi diba? Di ka pa ba titigil?!" sigaw niya saakin at lumapit naman ako sakanya pero hinawakan niya ako sa kamay ko.
"Ikaw ang nag-uumpisa ng away! Ang gusto ko lang naman ay yung sweet na boyfriend at may pakialam saakin! Hindi ganito ang ineexpect kong mangyayari pagkatapos kitang sagutin! I'm so disappointed!" sigaw ko rin sakanya na halos parang maririnig na ng kapitbahay! Leche kase siya eh! Leche! As in! Pakshet siya! Ano bang nainom nito at naging ganito ang ugali?!
"Bahala ka sa buhay mo!" then he walked out! Give him a round of applause for leaving me! Whatever! Sinigawan ko lang siya pero binagsakan niya ako ng pinto! Such wow! Nagsapatos nalang ako tsaka lumabas ng condo. Nakakainis! Umagang umaga eh!
END OF FLASHBACK
Yun ang dahilan at beastmode ako mula kaninang first subject. Hindi ako makarecite ng maayos at hindi rin ako makafocus sa discussion. Ni isang text nga wala akong natanggap ngayon. Wala man lang sorry? Na nasigawan niya ako?! Nakakainis talaga! Idagdag mo pa yung siya na nga yung mali siya pa ang galit! Napanganga nalang si Yoorai nang matapos kong ikuwento yung nangyari sa bahay kaninang umaga.
"What? Ginawa ni Taeh yon sayo? S-Seryoso ka?" sabi niya at napasubo nalang dun sa pastang kinakain niya. Tumango ako tsaka ngumiti nang mapait. Yun nga eh! That's the point! Siya na nga tong inaalagaan at inaalala siya pa ang galit at naiinis saakin! Eh kung huwag na kaya akong umuwi?! Hahanapin niya kaya ako?! Sa tingin ko nga hinde! Ano bang nangyayari kay Taeh ngayon?
"Hindi ako uuwi! Bahala siya sa buhay niya!" sabi ko lang kay Yoorai at umirap. Chineck ko ulet yung phone ko kung may message ba. Wala talaga?! Talagang hindi ako itetext o imimissed call man lang? Ayy nako! Kapag talaga after one hour wala paring message, HINDI TALAGA AKO UUWI!!! HINDING HINDI!
"Titira ka sa kalsada?! My gosh, friend! Take care! Be safe always!" sabi ni Yoorai at nanlaki ang mata ko. Ang sloooowwww! Nyemas ah! Sinabunutan ko siya kaya siya umaray at nagtanong bakit ko ginawa yon! Psh!
"Gaga ka! Tanga mo talaga kahit kelan! Panira ka ng moment! Di mo man lang ako aayain na sa bahay niyo muna magstay?! Grabe to!" sabi ko at napailing nalang. Ang slow niya kainis. Urgh!!! Yan tuloy! Dumagdag pa siya sa sakit ng ulo ko swear! Napatango nalang siya at natawa dahil ang slow niya lang! Shetness overload!
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...