CHACHI'S POV
"Gising ka na pala Miss." sabi ng isang lalaki kaya napaayos ako ng upo sa kama. Kinuha ko ang kumot na nasa tabi ko lang at binalot ang katawan ko. Lumayo ako sakanya at tumawa siya. Sino ba to? Mukhang rapist tss.
"S-Sino ka? Tsaka bakit ako nandito? Hindi ito ang condo ko ah!" sabi ko at hinawakan ko yung ballpen na nakita ko sa tabing side table. Nanlaki naman ang mata niya at sinubukan akong pigilan. "Lumayo ka! Kundi isasaksak ko to sayo!"
"M-Miss ako si Mark! Uhm hinimatay ka kanina tsaka nakita lang naman kita sa baba na umiiyak. Okay ka na ba ngayon?" anong karapatan niyang tanungin ako ng ganyan at dalhin sa bahay niya? Ni hindi nga kami close eh. Inirapan ko siya at tumayo habang hawak ko parin yung ballpen.
"Okay man ako o hinde, wala kang pakialam." sabi ko at naglakad palabas ng kwarto ng bigla niya akong hawakan sa braso kaya nasampal ko siya. Hinawakan niya yung pisngi niyang namula kaya naguilty naman ako kahit paano. Kasalanan niya ya. Sinabi ng lumayo eh! "C-Chachi. Yun ang pangalan ko. Kaya pwede ba kuya? Bitawan mo na yung braso ko." para naman siyang nagulat sa pangalan ko. Oh bakit? Sobrang ganda ba?
"Makasampal ka naman. Nagtanong lang eh."
"Sinabi ng bitaw eh!!!" sigaw ko sakanya at natakot naman siya kaya napabitaw siya. Tumakbo ako palabas ng kwarto tsaka hinanap yung pinto. Well, parang condo lang pala namin ni Ta--parang condo ko lang pala. Edi ibig sabihin, kapitbahay ko lang to??? "Hoy rapist! Buksan mo to!!!" sigaw ko dahil ayaw mabuksan yung pinto.
"Anong rapist?! Ni hindi nga kita hinawakan nung nakahiga ka eh sus!" sabi niya at nag-indian seat pa sa sofa niya tsaka kinuha yung remote at nanood ng tv.
"Bago mo ienjoy yang buhay mo, palabasin mo muna ako!" sabi ko sakanya kaya nung nabukas yung pinto, natumba ako at tinawanan pa ako. Gagu din pala to. Ano nga ulit pangalan niya? Wala na akong pake. Nakalimutan ko na. Humarap ako para sana umuwi na sa condo ko nang magulat ako.
K-Katapat lang pala ng condo niya yung condo ko??? As in paglabas ko, pinto na agad ng condo ko ang nakita ko. What the heeeell?? Pumasok ako ulit sa condo niya at binato siya ng isa sa mga sapatos niya.
"Hoy! Katapat lang pala kita ng condo eh. B-Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ko sakanya pero nginisian lang ako ng loko. K-Kamukha niya si Taeh, mahilig ngumisi. Teka bakit ko ba iniisip ang gagung elyen na yun? Tangina yun ah! Wag siyang papakita ulit saakin, Huling iyak ko na yung kanina.
"Kakalipat ko lang dito nung last week." last week? Nasa New Zealand ako nun eh. Ayy putek na yan! Wag ko nga isipin yun! Nas'stress ako. Nasa New Zealand kase yung reyna ng mga linta huta na yan! Hindi ako affected! Hinding hindi! Sarap magmura! Di ako affected promise!
"Ahhhhh k." sagot ko at aalis na sana nang magsalita nanaman to.
"Katapat lang ba kita ng condo? So mas madali pala kitang mabibisita."
"Luh. asa ka. Sinong nagsabing papapasukin kita? Sige diyan ka sa labas." sabi ko sakanya at lumabas na tsaka naman ako pumasok sa condo ko. Lechugas. Bakit parang naninibago ako? Ahhhhhhh kase mas konti yung gamit. Makapagshopping nalang nga mamaya. Mas maganda nga yung umalis na siya dito eh. Para lumuwag-luwag naman yung condo. Kainis
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...