PLANETANG 44

1.7K 75 4
                                    

"Alin ang gusto mo dito?" tanong saakin ni Yoorai habang hawak yung dalawang dress na medyo maluwang talaga ang design. Inaya kase ako agad sa mall tapos bibilhan daw ako ng damit. Ngayon ko lang napansin na... Ang bait niya pala hahaha.

"Yoorai ito ang gusto ko." sabi ko sakanya at kinuha yung nasa likod niyang floral dress. Wieeee ang ganda naman sobra! Kahit medyo mahal, okay lang maganda naman! Tiningnan niya ako na parang... Ewan ko sakanya anong ibig sabihin nun.
"Hindi nga pwede yan. Dapat ganito yung binibil-" pinutol ko yung sinasabi niya dahil medyo nakakainis.

"Eh hindi pa naman confirmed eh. Diba bukas pa tayo magpapacheck-up? Tapos negative? Ang ganda kaya nito oh!" sabi ko tsaka naglabas ng pera sa wallet ko bahala na. Babayaran ko na to. Sinundan niya naman ako at hanggang ngayon, ayan dumadakdak parin.

"Eh kung positive?" sabi niya kaya napatigil ako. Paano nga kung positive talaga? Pero.... "Alam mo parang ako yung asawa mo eh. Sabihin mo nalang kaya kay Taeh para mabili niya kung anong gusto mo." ang kulit talaga ng bruhildang to.

"Hindi nga pwede. Nakikita mo naman diba? Buntis din si Eun-Jin! Tatlong buwan na nga eh. Eh ako wala pa namang kasiguraduhan tapos sasabihin ko kay Taeh? Ayoko." sabi ko sakanya at kinuha na sa counter yung binili ko. Naglakad na kami papuntang exit tutal kakakain lang naman namin.

"Eh kasalanan niya!!! Ang hilig niya gumawa!" sabi ni Yoorai at pinabitbit ko nalang sakanya yung mga dala ko. Ang hirap eh. "Pero Chachi hindi mo ba naisip? Tatlong buwan? Bakit tatlong buwan? Eh wala pa namang tatlong buwan simula nung mahuli mo silang nasa New Zealand diba? Ang talino ko talaga! Sabi na sayo eh! Hindi kay Taeh yon!" ayan nanaman siya sa mga papalo-palo niya. Ano ba yan.

"Tanga! Wala akong panahon sa mga jokes mo Yoorai ha."

Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang.... Makaramdam ako ng hilo. Ang saket ng ulo ko shet!

"Y-Yoorai." tawag ko at napahawak ako sakanya. Tumakbo ako agad sa isang restroom tsaka doon nagsuka. Hinugasan ko yung bibig ko tsaka inayos ang sarioi ko. Alangya! Ang sakit nun ah!

"Ayos ka lang?" tanong niya at hinagod ako sa likod. "Iuuwi na nga kita." sabi niya at inalalayan na ako. Buntis nga yata ako...

***

TAEH'S POV

"Aattend ka ba?" tanong ni Dad saakin habang nagpaplano siya nung gagawin nilang project. Sa meeting? To be honest, di ko alam. Ang dami ko ng namissed na meetings. For only one reason....

"Hindi ko pa alam, Dad. Sasamahan ko pa si Eun-Jin sa OB-GYNE niya." sabi ko lang at tiningnan ang reaksyon ni Dad. Nothing as always... Simula nung nalaman niyang nabuntis ko si Eun-Jin, hindi niya na ako pinapakialaman and ang relasyon namin? Hindi na katulad ng dati. Tinatrato niya ako na parang business lang ang koneksyon namin, hindi bilang anak. Nagbago din ang pakikitungo niya sa pamilya ni Eun-Jin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at si Eun-Jin pala....

"Hon, let's go? Malelate na tayo sa appointment natin kay Doc." hindi na siya pinansin ni Dad at syempre, umalis nalang din ako.

Inalalayan ko siya makasakay sa kotse at nagsimula na ako magdrive. Dapat pala pinatawag ko nalang yung kaibigan niya. Eh kase dadramahan nanaman ako nito pagkatapos.

"Eun-Jin..." tawag ko sakanya habang nagdadrive.

"Yes, hon?"

"Ilang buwan na yang tiyan mo?"

"Malapit na mag-apat na buwan." sagot niya habang nakatingin sa labas. Nagulat naman ako nang sabihin niya yung sagot. Ngayon ko lang kase siya natanong tungkol doon at....

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon